࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇
k a i u s
࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇
Bumagsak na ang nyebe nang gumising ako.
At ang unang taong hinanap ko ay si Freja. Higit kanino, siya ang tanging pinagkakatiwalaan ko nang lubos dito. Kaya naman, hinanap ko siya. Hindi ko makakalimutan ang mga sandaling hindi niya ako binitawan noong naghihikahos ako sa lagnat. Pati na ang mga sandaling nag-alala siya sa'kin.
"Wag kang mamatay."
Sinabi niya iyon na puno ng takot at pag-aalala. Halos maniwala akong importante akong tao para sa kanya. Ngumiti ako nag mapait. Sino bang niloko ko? Pagkatapos ng lahat—Wala nang magmamahal pa sa'kin. Alam ko na 'yun.
Ito ang buhay na pinili ko nang pinagdesisyunan kong gumanti sa mundo.
Pero...kahit ganun ay...
"Kaius!" tawag ni Dean sa'kin. Nag-iigib siya ng tubig mula sa balon. Nilagay ko ang mga kamay sa bulsa at lumapit. "Tamang-tama, tulungan mo naman ako?"
"Hinahanap ko si Freja," blangko kong sagot.
"Ah. Wag mo na silang istorbohin. Bumabawi ng oras si Alexis sa kanya."
Kumunot ang noo ko. "...Alexis?"
Pumintig ang puso ko. At doon ko naalala ang mga salita ni Ria nang magtanong ako tungkol sa taong iyon noon: "Si Alexis ang unang pag-ibig at tanging kaibigan ni Binibining Freja sa Serafin. Siya ang isa sa pinaka-pinahahalagahang tao ng prinsesa bago siya pumunta ng Anja."
Nanlaki ang mga mata ni Dean. "Ibig sabihin, hindi sinabi sa'yo ni Freja?" Tumango ako. "Di ako sigurado, ha. Pero magkasintahan ata sila?"
Napabalikwas ako. Magkasintahan?
"Ano?"
Siya ang unang pag-ibig ni Freja, ngunit hindi naman ibig sabihin nun na mutwal iyon diba? Na may pormal silang relasyon? Diba?
Nagkamot ng batok si Dean. "Ah ewan ko. Basta ang alam ko, mahal ni Alexis si Freja. Matagal na silang magkakilala at sa nakikita ko, mukhang mahal din naman ni Freja si—"
Binuhat ko ang dalawang timba ng tubig.
"Oy, isa-isa lang."
Hindi ko 'yun pinansin. "Saan ba 'to dadalhin?"
"S-Sa paliguan." Kumunot ang noo niya. "Ayos ka lang?"
Tinalikuran ko na siya at naunang maglakad. Lumalangoy ang mga isipan ko.
May kasintahan na si Freja. At ang Alexis na 'yun—sino siya? Isang hardinero, isang rebelde? Ano pa? Sumimangot ako sa nararamdaman kong pait. Ano ba 'to? Nakakairita naman.
Nang makita ng mga lalaki ang timba sa kamay ko ay lumapad ang ngiti nila.
"Uy, salamat!"
Marahas kong binagsak ang mga timba at natapon ang maraming tubig. Sinamaan ako ng tingin ng mga lalaki ngunit hindi ko pinansin. Mabilis akong lumayo upang hanapin ang nakakairitang babaeng 'yun.
Ilang minuto akong lumibot sa kampo at marami na rin ang aking tinanong bago ko makasalubong si Tegan. May hawak siyang bilao ng mga gulay at nagulat siya nang makita akong hinahabol ang aking hininga.
BINABASA MO ANG
Anja Trilogy 01: Khragna
Fantasía♟️Book #1. "Ngunit kaninong buhay ang presyo ng iyong hiling?" Isinakripisyo si Freja upang ipakasal kay Kaius-- ang kinakatakutan ng lahat dahil sa pagiging mamamatay-tao at mang-aagaw ng trono ng Anja. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti niyang n...
