64.

196 12 2
                                        


࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

f r e j a

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇



"Iwan niyo kami," utos ko sa mga kawal.

Magpoprotesta pa sana si Anwen ngunit tinikom nito ang kanyang bibig at umalis. Ngumiti si Freja sa kanila hanggang sa naiwang mag-isa sa harap ni Alexis. Sa totoo lang, hindi niya alam ang sasabihin sa binata buhat noong nagtampo ito. Tama naman kasi ito.

Naisantabi niya na si Alexis at kung anumang naramdaman niya para rito noon.

Dahil sa dulo ng araw, alam niya sa sarili niyang hanggang matalik na kaibigan lang ang maibibigay niya.

"Patawad sa mga sinabi ko noon sa'yo," sabi ni Alexis. Niyukom niya ang mga palad. "Hindi ko dapat—"

"Wag mo nang isipin iyon," iling ko. "Ako dapat ang humingi ng tawad."

"Bakit mo pinili 'to?"

Napatigil ako at tumitig sa kanya.

"Bakit ka naging konsorte ng lalaking iyon?" Naglabas ako ng hininga. Ito nanaman ba tayo? Ngunit hindi siya titigil. May determinasyon at lungkot sa mga salita niya. "Sagutin mo 'ko. Nais kong malaman."

Katahimikan.

"Mahal mo na ba siya?"

Nagitla ako. Una, dahil hindi ko rin alam ang isasagot. Pangalawa, dahil ganito na lang ang pakialam ni Alexis. Nagsalubong ang kilay ko. "Naging konsorte ako dahil nais kong may maitulong. At iyon ang binibigay na posisyon ni Kaius."

"At tinanggap mo nang ganun kadali?" Tumawa siya at hindi ko iyon nagustuhan. "Hindi mo ba alam na mapapahamak ka sa ginagawa mo? Bakit noon, nang binigyan din kita ng pagpipilian, hindi mo tinanggap samantalang siya, konting matatamis na salita lang ay bumigay ka na?"

Lumapit ako ng mabilis sa kanya hanggang ilang espasyo na lang ang aming mukha. Lumalabas ang inis sa balat ko at hindi ko mapigilan.

"Hindi ako pumayag na tumakas kasama mo noon dahil ayaw kitang mapahamak!" marahas kong bulong. "Sa tingin mo makakaligtas tayo noon mula sa parusa? Hindi. Tinanggihan kita para sa kapakanan mo!"

Lalo siyang lumapit, kapantay ang galit ko. "Kung ganon, bakit pinayagan mo kong halikan ka?"

Hindi ako makapagsalita.

"Wala lang ba iyon sa'yo?" Nararamdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko. Sa tangkad niya'y napipilitan akong mag-angat ng tingin. "Para sa kapakanan ko din ba iyon? O dahil gusto mo?"

Hindi ito pwede.

Masyado kaming malapit. Masyadong malapit.

At mainit ang mga hininga niya at titig niya.

Gumalaw ang mga daliri niya upang hawiin ang buhok na nakaharang sa noo ko. At hindi ako makaalis dahil nahuli ako sa tanong na iyon. Ginusto ko? O para sa kapakanan niya?

"Hindi mo pa ba alam?" tanong niya sa isang malungkot na boses. "Mahal kita, Freja. Mas matagal pa sa akala mo."

At doon ay tinulak ko siya palayo.

Mukhang inaasahan na niya iyon. Nagtakip ako ng bibig na tila nahalikan niya ako, mabilis ang puso. Mahal niya ako. Kahit halata na noon ay hindi ko pa rin maiwasang magulat.

"Hindi pwede," diin ko.

Hindi pwede. Tulad ng sinabi ko sa kanya noon.

Gumuhit ang sakit sa kanyang mukha. "Bakit? Dahil mas makapangyarihan siya kesa sa'kin? Ni hindi mo pa siya kilala ng lubusan! Ako... Hanggang kailan mo ako tatanggihan?"

Nagkagat ako ng labi, at tumalikod.

Ayoko nang pag-usapan pa 'to.

Hindi ang tinitibok ng puso ko ang problema ngayon. Hindi ito ang dapat kong pagtuunan ng pansin.

Ngunit hindi ko alam kung tama ako ng narinig bago ako makalayo. Binulong ni Alexis iyon sa mahinang boses ngunit hindi nakatakas sa aking pandinig. "Hindi mo rin ako kilala, at hindi mo alam ang kapangyarihan ko."




࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon