Alam niyang umaga na, ngunit tila mas madilim ang araw ngayon kesa kahapon.
Tiningnan ni Ban ang matataas na dingding sa malayo—ang kulungan nila ngayon. Isa lang ang nararamdaman niya. Takot. Hindi para sa sarili, kundi para sa buong Anja. Hindi magtatagal ay uulan ng mas maraming dugo.
Hindi niya inasahan ang lahat ng 'to. Nang dumating siya sa kampo ay wala siyang kaalam-alam sa plano ni Kaius.
Pinangunahan siya nito. Hindi ba't si Ban ang pinuno ng mga rebelde? Kung gayon, bakit ang dali nilang sumunod sa kanya?
At ngayon, dumating sa kanya ang balita.
"Anong ginagawa niya?!" sigaw ni Ban, saka tinapon ang radyo sa lupa. Nawasak ito sa tindi ng bwelo. "Paano tayo mananalo sa Meriga at Khragnas?! At anong emperyo ang pinagsasabi niya? Ang Anja ay magiging...Kaian?"
Hinawakan siya ng isang kasamahan sa braso. "Pero, hindi ba't ito ang matagal na nating pinaghahandaan? Ang lumaban sa kanila upang lumaya?"
Niyukom ni Ban ang mga kamay. "Alam ko iyon," bulong niya. Alam ko pero...
Bakit may parte sa'king nag-aalangan?
Hindi ba't masyado siyang gumagawa ng malalaking hakbang?
"May pinalabas nang utos si Kaius," sabi ng isang lalaki. "Ah, este Emperador Kaius. Lilipat na tayo ng kampo sa Galeon."
Tumalikod si Ban at nagsimulang maglakad.
"Pinuno?"
"Gawin niyo ang gusto niyo," bulong niya. Sa totoo lang, naguguluhan siya. Nang buuin niya ang organisasyon nila'y alam na niyang darating ang panahon na makikipagdigma sila. Maraming mamamatay. Ngunit ang mga taong ito—ang mga rebeldeng nakasama niya ng dalawang taon—naging pamilya na sila. Paano kung mamatay sila? Noong pumayag siya sa plano ni Kaius na pasabugin ang Galeon kasama ng Emperador ay handa na siyang mawala sa mundo.
Ngunit hindi iyon nagtagumpay.
Masyadong malakas ang mga kalaban.
Magagawa pa kaya namin ngayon?
Napatigil siya sa paglalakad nang makasalubong si Freja at ang lingkod nito. Seryoso ang mukha ng dalaga, mga mata'y nagtatanong.
"Ligtas sila, hindi ba?" bulong ni Freja.
May kung anong takot sa kanyang lalamunan. Hindi niya matukoy. Isa-isa niyang sinabi ang pangalan. "Si Ekko? Si Dean at Alexis? Ligtas sila?" Tumango si Ban. Lumunok si Freja. "At...at si Kaius? Anong nangyari sa—"
"Ligtas sila."
Napapikit si Freja at naglabas ng hininga na hindi niya alam ay kanyang pinipigilan. Tila may taling lumuwag sa kanyang dibdib nang marinig iyon. Masaya siya at ligtas si Kaius.
"Emperador na siya," walang emosyong sagot ni Ban. "At mukhang pinapatawag na tayo sa kanyang palasyo." Naguguluhan siyang tiningnan ng dalaga. "Ano nang gagawin mo? Isa kang Khragna, hindi ba?"
Nagbaba ng tingin si Freja dahil sa mapanlibak na mga mata ni Ban.
"Narinig kong wala na ring kikilalaning Anjan ngayon. Kundi Kaian. Napakamakasarili niya talaga," tawa ni Ban at saka naglagay ng kamay sa balikat ni Freja. "Inanunsyo pa nga niyang patay ka na."
࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇"Kung ganon, buhay pa si Binibining Freja?" tanong ni Anwen kay Ekko.
BINABASA MO ANG
Anja Trilogy 01: Khragna
Fantasy♟️Book #1. "Ngunit kaninong buhay ang presyo ng iyong hiling?" Isinakripisyo si Freja upang ipakasal kay Kaius-- ang kinakatakutan ng lahat dahil sa pagiging mamamatay-tao at mang-aagaw ng trono ng Anja. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti niyang n...