࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇
- 53 - *
࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇
"Ikaw ang magiging Emperatris ko."
"Ayoko!" sigaw ni Sigrid. Pinilit niyang kumawala sa mga lingkod at sa hawak ni Kaius. "Hindi ko gagawin 'yon!"
Ngunit tumawa lamang si Kaius sa kanyang mukha. "Ikinalulungkot kong wala ka nang magagawa. Ang kasal natin ay magaganap sa makalawa."
Nais maiyak ni Sigrid; ni hindi niya mapasok ang utak ng lalaking ito. Tila ba pinipilit niyang ipasok ang kamay sa isang salaming kahon-- kada subok niya'y sumasakit lang ang kanyang ulo. Nanghina siya nang tuluyan hanggang sa mawalan ng malay.
Ngumisi si Kaius sa walang malay na si Sigrid. "Ipapangalandakan kita sa kapatid mo. At ipapakita ko sa'yo--kung gaano ka niya kadaling itapon."
࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇
Nang gumising si Sigrid ay nasa kama na siya sa isang madilim na silid, isang kamay sa kanyang bibig. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa isang estranghero ang nasa ibabaw niya. Agad siyang nanlaban.
Sigrid! rinig niya sa kanyang utak. Sigrid, ako 'to.
Tumigil siya.
Trystan? sagot niya sa utak ng lalaki. Trystan, ikaw ba 'yan?
"Oo," bulong niya. "Itatakas na kita."
Umupo sila. "Pero paano mo 'ko natunton?"
Ngumiti ang kanyang nobyo nang mapait. "Hindi ba't sumama ka na kay Kaius? Tinraydor mo si Haring Jiro para sa kanya?" Kumunot ang noo ni Sigrid, hindi maintindihan ang tinutukoy ni Trystan. "Pero ayokong maniwala. Ginawa mo lang 'yun para mabuhay, diba? Sa amin pa rin ang katapatan mo, diba?"
Hinaplos ni Sigrid ang pisngi nito. "Oo naman, Trystan. Hinding-hindi ako papanig sa ahas na 'yon."
Mabilis na humalik si Trystan sa noo niya at kinuha ang kamay nito. "Alam ko. Kilala kita kaya alam kong hindi ka magtatraydor." Hinila niya si Sigrid patayo. "Ngunit kailangan nating magmadali. Ngayong gabi aalis ang barkong pabalik ng Meriga na magsusundo sa mga Anjan doon. Kapag nakasakay tayo-"
"Ngunit sandali," pigil ni Sigrid. "Sabi mo...Sabi mo nagtraydor ako kay Kuya, diba? Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi mo naaalala?" tanong niya sa dalaga. Umiling ito. "Noong seremonyas ng pag-alala sa Emperador ay nagpakita ka sa panig nila Kaius. Sabi mo'y tama ang pinaglalaban nila."
BINABASA MO ANG
Anja Trilogy 01: Khragna
Fantasy♟️Book #1. "Ngunit kaninong buhay ang presyo ng iyong hiling?" Isinakripisyo si Freja upang ipakasal kay Kaius-- ang kinakatakutan ng lahat dahil sa pagiging mamamatay-tao at mang-aagaw ng trono ng Anja. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti niyang n...