41.

264 18 6
                                        


࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

k a i u s 

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇


Lalapag ang eroplano ng Augustine sa paliparan ng Caerin. Sigurado ako.

Iyon lang naman ang pinakamaayos na paliparan na meron ang Anja.

Sakay ng trak na aming ninakaw ay tahimik kaming nakinig ng radyo ni Dean. Walang balita ng anumang pagdating ng Emperatris o kahit sinong opisyal mula sa emperyo. Ayaw nilang may makaalam para masiguro ang kaligtasan ng Emperatris.

Isa pa, hindi sila aalis sa Galeon upang personal na sunduin ang Emperatris dahil babantayan nila ang Galeon sa aming pagdating o anumang hakbang upang pigilan ang pagpapapatay kina Anwen. Magpapadala lamang sila ng envoy kasama ng mga kawal na pinili nila sa paliparan. Sa tingin nila Jiro ay wala nang magiging problema dahil ang mga knights ng Augustine ay magagaling din naman.

Tch. Basang-basa ko na ang galaw nila.

At iyon ang magiging dahilan ng kanilang pagkatalo.

Ngumisi ako.

"Kaius, bakit hindi na lang nila gawin ang seremonyas ng patay na Emperador sa Augustine? Bakit sila pa ang kailangang magpunta dito?" tanong ni Dean.

Nanatili ang mata ko sa mapa ng paliparan sa aking kamay. "Dahil nais nilang gumawa ng palabas."

"Palabas?"

"Mm. Galit ang lahat ng bansa sa aming dalawa ni Freja. At hindi sila aalis ng Anja hangga't hindi kami nakukuha." Kumunot ang noo ko sa pag-aalala kay Cian. "At ang gagawin nila kina Anwen ay ang unang kabanata ng palabas nila."

Kabadong ngumiti si Dean. "Um, sigurado ka bang magtatagumpay 'to?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ibig kong sabihin, ngayon lang kasi kami gagawa ng ganito kalaking hakbang. Noon, ang pokus lang namin ay magparami ng bilang at mangalap ng armas, gumawa ng kampo at maglagay ng mga espiya sa mahahalagang lugar." Tiningnan niya ako. "Ngunit ngayon, magpapakita na talaga kami sa mga kaaway. Lalaban na kami ng opensa."

"Natatakot ka ba?" tanong ko.

Umiling siya. "Para sa sarili ko, hindi. Para sa mga kasamahan ko, oo." Panandalian kaming natahimik. "Kaya nagtitiwala kami sa'yo, Kaius. Ikaw ang pag-asa namin."

Winasiwas ko ang kamay ko. "Wag niyo kong tingnan bilang tagapagligtas." Yumuko ako at naalala ang insidente sa Galeon, kung paano ito pumalya. "Isa lang akong normal na tao."

"Normal?" mahina siyang natawa. "Kakasabi mo lang sa'kin ng kapangyarihan mo, diba?" Sumipol siya. "Pakiramdam ko, ikaw ang pinakamalakas na Markado sa mundo."

Pinipigilan ko man ay napangiti ako.

Masaya sa pakiramdam—ang magkaroon ng mga taong nagtitiwala sa'yo at hindi ka balak patayin. "Ikaw pa lang ang nakakaalam." Naglagay ako ng daliri sa labi ko. "Wag mo munang sabihin sa iba. Baka matakot sila lalo sa'kin."

"Sige ba. Sigurado kang makakaya mo? Matagal ka nang hindi gumamit ng kakayahan mo, baka mahimatay ka bigla."

"Inaasar mo ba ako? Para sabihin ko sa'yo, malakas ang kalusugan ko--"

Pinutol niya ako. "Pero Kaius, matanong ko lang—Sabi mo, marka ng anghel ang nakuha mo diba? Ngunit, nasaan ang marka mo?"

Tumingin ako sa labas ng bintana at pinanood ang mga puno.

Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon