49.

279 19 0
                                        


࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

k a i u s

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇



Kinagat ko ang pisngi ko, pinipigilang mapangiti.

Hindi 'to maaari, Kaius, pagalit ko sa sarili habang naglalakad tungo sa silid ng pagpupulong. Salamat at hindi pansin ni Cian ang namumula kong mga pisngi. Hindi ko kakayanin ang kahihiyan kapag nalaman niya ang nangyari kagabi.

Hinalikan ako ni Freja sa sariling kagustuhan. At napakabiglaan.

Niyukom ko ang mga palad. Magpokus ka! Hindi ito ang panahon upang lumangoy sa kaligayahan mo. Mahina akong umubo at inayos ang mga balikat—

"Hindi kita iiwan."

Ang mga salitang iyon ni Freja ang nagbibigay sa'kin ng bagong tiwala sa sarili. Dama iyon ay pinasok ko ang silid. Ngunit anumang kapayapaan na nadama ko ay nawala nang makita ang galit na mga mata ni Alexis at Ban.

"Sa wakas," nanggagalaiting bulong ni Alexis. "Nagpakita ka na."

"Alexis, pakiusap." sambit ni Ekko na may pag-aalala sa mga mata. Hindi siya pinansin ng lalaki. Bagkus ay tumayo ito mula sa pagkakaupo at hinarap ako. Hinarangan siya ni Cian, isang banta ngunit nagtaas lang ako ng kamay.

Tintigan ko ang mga asul na mata ni Alexis. "Akala ko'y narito tayo para magpulong?"

Tiningnan ko ang mga heneral at matataas na tao ni Ban sa loob ng silid at lahat sila'y nag-iwas ng tingin, hindi alam kung sino ang susuportahan.

Binalik ko ang tingin kay Alexis.

Ngumisi siya nang mapanlibak. "Oo. At nais naming malaman kung bakit lumihis ka ng plano." Halos dumura na siya sa mukha ko. "Ang plano ay palayain ang Anja at tuldukan ang Trinidad, hindi gumawa ng emperyo. Ano pang pagkakaiba natin sa Augustine na nais mong talunin?"

Dumako ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa isang tabi, mga braso'y nakakrus sa kanyang dibdib. "Ban," tawag ko dito. "Hindi ka sang-ayon sa mga plano ko?"

Hindi niya man lang ako tiningnan. "Sa tingin ko'y masyado kang padalos-dalos."

"Sagutin mo 'ko!" sigaw ni Alexis.

Tiningnan ko siya na parang langaw. "Anong mas magandang paraan para protektahan ang kalayaan natin kundi ang magtatag ng sarili nating soberanya?" Tumawa pa doon si Alexis, iniinsulto ako. Ngunit hindi ko pinansin. "Naging ignorante ako noong inisip kong basta't makalaya tayo sa emperyo ay hindi na nila tayo maaapakan. Hindi na muli; kailangan natin silang pabagsakin bago natin pangarapin ang pagsira sa sistemang sila mismo ang gumawa."

"At naniniwala kang may maipapanalo natin ang digmaan laban sa kanila? Sa dalawang malalaki at malalakas na bansa?" tanong ni Ban.

"Oo."

"Tch. Aminin mo. Kung wala kami, wala ka ring magagawa." uyam ni Alexis.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Si Ban ang nagpatuloy para sa kanya. "Hindi ko ibibigay sa'yo ang mga kawal ko para sa delikadong planong ito. Hindi susunod ang organisasyon na binuo ko sa diktadurya mo."

Ngayon ay napuno na ako. "At ano? Magtatago kayo na parang mga dagang muli?!" Sarkastiko akong tumawa. "Sa ayaw at sa gusto mo, dawit na kayo sa ginawa kong gulo. Kapag nagtago kayo o sumuko sa Trinidad—isa lang ang naghihintay sa inyo. Kamatayan!"

Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon