09.

357 23 8
                                    



࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

k a i u s

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Binilang ko ang mga minuto.

Isang minuto at dalawampung segundo.

Isang minuto at dalawampu't isang segundo.

Isang minuto at dalawampu't dalawang segundo.

Isang minuto at dalawampu't tatlong segundo.

Isang minuto at-

"Kaius!" sigaw ng babaeng dumadabog sa pinto ko. Narito na siya. Ngumisi ako at tumungo sa pinto, maingat na tinanggal ang tatlong lock, at iniuwang iyon.

"Anong kailangan mo?" pagpeke ko ng pagiging inosente.

Nanggagalaiti siya. "Anong 'anong kailangan mo'? Ako dapat ang nagtatanong sa'yo niyan!" Mabuti at hindi pa ako nabibingi sa boses niya. "Bakit mo kinandado ang kwarto ko, ha?"

Ah, kung gayon, nalaman na niya.

"Hindi ako makapasok! At ayaw akong pakinggan ng mga lingkod. Anong inutos mo sa kanila ha? Inutos mong ikandado ang kwarto ko?!"

Ngumisi ako. "Aba, malay ko."

"Sinungaling ka!"

"Ako 'yon. Sinungaling. Huh."

"Hindi ka nakakatuwa ah!"

Kibit-balikat. "Hindi naman ako nagpapatawa."

"Ipabukas mo ang kwarto ko, ngayon na!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "At pag ayaw ko?"

Hinawakan niya ang pinto at pilit pumapasok, ngunit pinipigilan ko gamit ng katawan ko. Halos matawa ako, halos lang, dahil sa impit na mukha niyang nahihirapan. Namumula na ang mga pisngi niya.

Dahil doon, hindi ako nakapaghanda nang bigla niyang sapakin ang mukha ko.

Napaatras ako at tuluyan niyang pinasok ang silid ko-- namin, silid namin 'to bilang Hari at Reyna kung natuloy ang kasal namin. Pero hindi iyon ang mahalaga ngayon.

Hawak ko ang ilong ko na buti na lang ay hindi nagdugo. "Sinapak mo 'ko?" di ko makapaniwalang tanong.

"Hindi, sinipa kita. Sipa. Malamang, sapak? Gamit ko nga 'yung kamay ko, diba?" irita niyang sabi. Nagpameywang siya at tumitig. "Ano, gagalaw ka o hindi?"

Sinapak niya ako.

Bago 'yun ah? "Ang lamya mong sumapak. Dapat nabali na ang ilong ko nang ganun kalapit."

Nakaramdam ako ng kaunting pagmamalaki sa kanya-- kaunti lang-- dahil kahit papano, kaya naman niyang manapak. Malamya lang talaga.

"Wala akong pakialam sa ilong mo," inis niyang singhal. "Ipabukas mo na iyon dahil nais ko nang matulog."

Umiling ako, natutuwa. "Dito ka matutulog."

"Dito?" walang emosyon niyang tanong.

"Oo."

"Sa kama, sa tabi mo?"

"Oo."

"Pinagloloko mo ba ako?" pinandilatan niya naman ako. "Hindi. Hindi ako dito matutulog. Hari ka ng Anja, pero hindi mo ako asawa't Reyna. Isa akong bihag!"

Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon