42.

264 20 8
                                    


࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

f r e j a

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

"Magaling na sila," sabi ni Tegan sa'kin. "Ngunit ngayon, kailangan na muna nilang magpahinga."

"Maraming salamat, Tegan."

Ngumiti ito sa'kin at niligpit na ang tray ng pagkain upang makaalis. "Sigurado kang dito ka lang?"

"Oo, kailangan ko pang makausap si Ria paggising."

"Sige, una na ako." Lumabas na siya at nagkaroon ng katahimikan sa loob ng tent. Hinilig ko ang ulo upang mapagmasdan si Ria. Sobrang saya ko at narito siya, ngunit sa isang banda, nasasakal ako ng lungkot. Narito nga siya, ngunit si Ina—

Isang kamay ang humawak sa'kin.

Napalundag ako sa gulat. "Ria—"

"Shh," sabi niya saka bumangon. "Kailangan nating mag-usap. Pero hindi dito."

Bago pa ako makapagprotesta ay hinila na niya ako palabas ng tent. Nagtago kami sa mga dumaang rebelde at pagkatapos ay nagtungo sa tabi ng ilog. Nang makasiguro kaming wala nang makakakita sa'min ay hinawakan ako ni Ria sa mga braso.

"Ang iyong ina—"

"Ligtas ba siya?" agad kong tanong, kinakabahan.

Tumango siya. "Ligtas ang dukesa. Nagkahiwalay kami sa kaguluhan at nagkita kami ni Ban sa loob ng gubat. Pero alam kong ligtas si Dukesang Avis, sigurado ako."

"Paano?" bulong ko.

Nagkaroon ng takot sa mga mata ni Ria. Hinawi niya ang buhok mula sa kanyang mukha at tumitig sa'kin nang matama. "Sinadya kong magkahiwalay kami." Nanlaki ang mga mata ko. "Gusto kong makalayo sa kanya. Buong panahon na 'to, kinulong niya ako sa'yo. Ginamit niya ang kapangyarihan niya sa'kin upang laging manatili sa tabi mo—para bantayan ka—pero kahit ganun, hindi ko masabi sa'yo ang mga kailangan mong malaman dahil—"

Naguguluhan na ako. Ang bilis niyang magsalita at wala akong maintindihan.

"Ria, dahan-dahan lang." Hinawakan ko ang braso niya ngunit tinabig niya iyon.

"Hindi. Kailangan mong malaman. Ang totoong pagkatao ng dukesa—Ang pagkatao ko—at ang pagkatao mo."

Nanlamig ang mga kamay ko. Pagkatao...naming tatlo?

"Tayong tatlo... ay mga Markado."

Pakiramdam ko'y hindi totoo ang lahat ng naririnig ko—Ako? Isang...

"Hindi 'yun maari," iling ko. "Wala akong kapangyarihan. Ano bang sinasabi mo?"

"Iyon ay dahil minanipula ko ang mga ala-ala mo," sagot niya. Bigla na lamang akong hindi makahinga. Minanipula niya ang mga ala-ala ko? Kung ganon, ang buhay ko—ang buong buhay ko—

Isa lang bang kasinungalingan? Gawa-gawa ni Ria? "Anong ginawa mo sa'kin?!"

"Patawarin mo 'ko, binibini. Pero 'yun ay utos ni Dukesang Avis," nagmamakaawa ang mga mata niya. "Ang kakayahan niya—ay napakalakas. Kaya ka niyang pasunurin sa gusto niya. At ayokong kontrolin niya ako sa puntong wala na akong alam sa ginagawa ko, kaya sumunod ako sa mga gusto niya. Hanggang dumating ang panahon na may makakapigil sa kanya. Dahil hindi ko siya kayang kalabanin—inutusan niya akong pigilan ang sarili kong manipulahin ang ala-ala niya. Kaya ikaw—"

Pakiramdam ko'y sasabog na ang puso ko sa lahat ng nalalaman.

Humigpit ang kapit ni Ria sa mga braso ko. "Ikaw ang pag-asa ko, Freja. Bihag niya ako at ikaw ang makakapagpalaya sa'kin pati sa sarili mo."

Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon