19.

300 21 10
                                    


࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

k a i u s

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇



Bakit hindi ka na lang mamatay, huh?

Tulala ako, mga siko'y nakasandig sa mga hita. Ulo'y nakayuko.

Bakit hindi ka na lang mamatay, bastardo ka?! Wala kang kwenta! Katulad ka ng mga magulang mong walang kwenta!

Marahas kong tinakpan ang mga tenga ko. "Patay ka na...hindi ka totoo..."

Nagbago ang boses. Hindi na boses ng duke na kumupkop sa'kin.

Kundi boses ng isang babae. Boses ni Freja.

Kaius. Pwede bang mamatay ka na?

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Nagising ako.

Hinabol ko ang hininga at tumingin sa kisame, dinama ang malambot na unan, tiningnan ang tatlong lock sa pintuan. Nangangamoy sopas at lason ang buong kwarto. Kailangan ko palang palinisan ang kalat sa sahig.

Ngunit ngayon, kuntento akong mahiga muna.

Kinakalimutan ang mga plano, babaguhing mundo, kaaway at gulo. Panandalian.

Ngumiti ako nang mapait.

"Minsan naiisip ko rin, Freja-" bulong ko sa hangin. "-kung mas masarap ang kamatayan kesa ang buhay kong ito."

Sa bulsa ko, nilabas ko ang kwintas na aking napulot at nagningning ito sa Liwanag ng buwan. Isang rosas na ginto, sumisimbolo sa pag-ibig.

"Dahil sa'yo kaya nawalay ako sa mga kapatid ko. Sa taong nagmamahal sa'kin. Dahil sa'yo, hindi ko na mararanasang umibig nang totoo!"

At ako'y bumulong, "Sino kaya siya upang maging dahilan ng iyong desperasyon?"

Napuno ako ng inggit.

Kung ako'y pumanaw balang araw, magiging dahilan rin ba ako ng iyong pagtangis?

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Hindi kami nagpansinan buong araw. Ngunit wala akong pakialam. Nang magkasalubong kami sa pasilyo habang parehong sinusundan ng mga lingkod at Grand Knight ay tila hindi kami magkakilala.

Nakikita ko sa mukha niya—ang pagsisikap niyang maging blanko.

Pero nababasa ko ang galit at hinanakit niya sa'kin sa ilalim ng maskara. Naiintindihan ko iyon. Tinawag ko siyang duwag at ayaw niya 'yun. Gusto ko lang naman na mapagnilayan niya ang sarili niya.

Natapos ang araw at naghiwalay kami ng landas.

Siya, sa kwarto niya. Ako, sa aking silid.

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Kaya lang, kinabukasan, nagkaroon ako ng kahiya-hiyang sandali.

Dumating ako sa silid ng hapagkainan, iyong lugar na una naming kinainan ni Freja, at nagulat ako nang naroroon na pala siya at kumakain. Nagkatitigan kami, malalaki ang mata at sabay na naglayo ng tingin.

Aalis ba ako o hindi?

Aalis o hindi? Ngunit kung hindi, sabay kaming kakain sa isang mesa?

Ngunit tadhana na ang nagdesisyon. Bago pa ako makaalis ay nagsalita ang isang lingkod na kinakabahan- "Kamahalan, umupo na po kayo. Kanina pa po kumakain ang prinsesa."

Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon