35.

249 19 1
                                    



Hinawi ni Trystan ang buhok ni Sigrid mula sa kanyang batok.

Tumitig ang lalaki sa markang nandoon at humalik siya sa balat ng prinsesa. Nagdala iyon ng singhap sa labi ni Sigrid. Ang mga labi ng kanyang nobyo ay sing-init ng apoy na nakaukit sa kanyang batok. Ngunit bukod doon ay nararamdaman din niya ang pagkaawa. Sa totoo lang, basang-basa na niya ang iniisip ni Trystan.

"Papatayin niyo na sila?" bulong niya.

Tumigil sa paghalik si Trystan sa batok niya.

"Oo."

Para mapalabas si Kaius at Freja, rinig ni Sigrid mula sa utak ni Trystan.

"Naiintindihan kong traydor si Anwen at Cian," sabi ni Sigrid at hinarap si Trystan, humawak sa kanyang kwelyo nang mahinahon. "Pero wala ba tayong magagawa? Si Kaius—may kakayahan na siyang patayin ka noon, pero pinili niyang pakawalan ka."

Numipis ang labi ni Trystan. "Hindi iyon para sa'kin kundi para sa sarili niyang rason. Wag kang makaramdam ng pasasalamat sa lalaking iyon."

Lumambot ang tingin ni Sigrid at humawak sa mga pisngi ng lalaki. "Oh, alam ko iyon. Ngunit nakakalimutan mo din ba?"

Pinatong ni Trystan ang mga palad sa mga kamay ni Sigrid.

"Alam niya ang sikreto nating relasyon," bulong ng prinsesa. "Kahit nagsinungaling siya na may ninakaw siyang liham mula sa'kin ay alam niya. Pero kahit ganun ay hindi niya iyon binunyag kahit marami siyang panahon para gawin iyon."

Kumurap-kurap si Sigrid.

"Naguguluhan ako," bulong nito. "Kung bakit pinili niyang ingatan ang sikretong iyon gayong kalaban niya tayong dalawa."

Inuunahan nanaman siya ng kabaitan niya.

Nasaktan nang kaunti si Sigrid sa naisip ni Trystan pero iniling niya ito. Mukhang napagtanto naman ng lalaki ang naisip kaya napayuko siya. "Patawad. Nababasa mo nga pala ang isip ko." Huminga siya. "Wag mo nang isipin si Kaius. Ito ang mismong rason niya kung bakit hindi siya nagsumbong—ang makaramdam tayo ng utang na loob sa kanya."

Hinawakan niya ang baba ni Sigrid at inihilig ito.

"Wala tayong utang na anuman sa kanya, Sigrid."

Wala nga ba, isip ng babae. Nakaramdam siya ng saglit na pagkahilo. Masyado na niyang ginagamit ang kapangyarihan. Titigilan na niyang manilip sa utak ni Trystan.

"Isa siyang kaaway," matigas na paalala ng nobyo. "Sa oras na maging mabait ka sa kaaway, talo ka na. Naiintindihan mo ba, mahal ko?"

Tumango si Sigrid at niyakap siya ng binata.

"Trystan," bulong niya. "Paano kung...mabasa ko ang utak ni Kaius? At malaman kong isa siyang mabuting tao? Ano kayang gagawin ko?"

Kumalas si Trystan at ngumiti nang mapagmahal. "Wag mo nang sayangin ang lakas mo. Kahit basahin mo ang utak niya, sigurado akong wala kang makikitang diperensya."

Pero paano nga?

Humawak siya sa batok niya. Ang markang ito, isip ni Sigrid, na bigay ng aking ina—ay nais kong gamitin sa tama. Dahil iyon ang nais ng puso ko.

Kung mababasa ko ang utak ng kaaway...

At makita ang magandang hangarin doon...

Ano nga kaya...

Ang gagawin ko?

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon