28.

249 17 1
                                        


Sa gitna ng mga nagtatakbuhang tao at mga kawal na nagbabarilan ay isang babaeng kalmadong nakatanaw kay Freja sa entablado. Tinutukan siya ng baril ni Emily–Oh Milly, ang tagal kitang hindi nakita, isip ng babae.

Tiningnan niya ang kahel-pulang marka sa kanyang palad.

At ibinulong, "Tigil."

At sa isang kisapmata'y huminto ang lahat. Ang mga tao'y tila nagyelo sa oras at ang bibig ni Freja'y bumubuo pa lang ng salita. Ang mga mata'y nakatulala lamang sa ere at walang gumagalaw. Alam ng babaeng hindi siya dapat magtagal, dahil bawat segundo' y kapalit ng segundo ng sariling buhay.

Inakyat niya ang mga baitang at kinuha ang sariling baril mula sa sinturon. Inayos niya ito sa kamay ni Freja at tinutok sa noo ng Emperador. Patawad, Emperador Armand. Ngunit kailangan ka nang mamatay upang sirain ang babaeng 'to.

Nang maaayos niya na ang baril sa kamay ni Freja ay nilapit niya ang bibig sa tenga nito. Alam niyang hindi siya maririnig nito kapag nagbalik na ang diwa nila, pero binulong pa rin niya.

"Sinira mo ako," matamis at galit niyang bulong. "At sisirain kita. Ito na ang simula, Freja. Tandaan mo ang pangalan ko."

Hinaplos niya ang pisngi ni Freja at niyukom ang kabilang kamay sa suklam.

"Nagbalik na ako. Nagbalik na si Calla."

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon