13.

267 20 6
                                    


࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Palasyo ng Vause, Meriga

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇


Sa totoo lang, hindi niya inakalang babalik pa si Trystan. Handa na siyang mabalitaan ang pagkamatay nito sa kamay ni Kaius—hindi sa may pakialam siya. Nais niya lang maturuan ng leksyon ang ahas na iyon. Handa na rin siyang palitan si Trystan ng bagong Grand Knight.

Ngunit nang ihayag ng mga lingkod ang pagdating ng sugatang knight, at nakita ang mukha nitong puno ng pasa ay alam niyang may mensahe itong dala kasama ng isang regalo.

May hawak talaga siyang regalo. Nais matawa ni Jiro.

"Nagbalik na ako, Kamahalan." Lumuhod si Trystan sa baba ng Hari.

Tinaasan siya ng kilay ng lalaki. "At ang mga kawal mo?"

Katahimikan. "Pinatay sila ni Kaius."

Inaasahan na niya iyon. "Kung ganon, bakit buhay ka pa?"

Yumuko nang mas mababa si Trystan at inilahad ang bitbit na kahong binalot sa mamahaling papel at laso. "Ipinapabigay sa inyo ni Kaius, Kamahalan. Nais niyang...iabot ko ang mensahe niya sa inyo."

Sa mosyon ng kamay ni Jiro ay lumapit ang isang lingkod at kinuha ang kahon mula kay Trystan. Umakyat ang lingkod tungo sa haparan ng Hari.

Ano nanaman ang nais sabihin ng halimaw na 'yon?

Tinanggal ng lingkod ang laso at marahan... maingat na inangat ang takip ng kahon. Sumingaw ang mabahong amoy at sa gulat ng lingkod ay naitapon niya ang kahon. Gumulong ang pugot na ulo ng isang kawal ni Trystan sa mga baitang ng hagdanan ng trono at nagsigawan ang mga lingkod na nakapaligid.

"Li-Ligpitin niyo 'yan!" sigaw ni Jiro. Nagyukom siya ng mga palad sa sobrang galit hanggang sa mamuti ang mga kamao. Si Trystan ay hindi makapaniwala sa laman ng regalong dinala niya at napansin ang isang papel na nilipad mula sa pagtapon.

Ang papel na nakasama sa kahon ay mahinahong dumapo sa makinis na sahig.

Pinulot iyon ni Trystan at binasa ang elegante at makurbang sulat-kamay.

Masyadong maganda ang iyong pinadalang regalo sa'kin, Kamahalan. Nagdulot ito ng matinding saya at galak.

Kaya naman, nais kong mamahagi ng isa sa'yo.

Sana'y magustuhan mo.

Lubos na nagpapasalamat,

Kaius

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon