34.

323 19 1
                                    


࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

f r e j a

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇


Dinala na ni Dean si Kaius sa isang tent sa kampo habang ako naman ay hinihintay si Alexis na bumalik. Kasalukuyan akong nakatayo sa labas ng isang kahoy na istraktura na tinawag nilang 'paliguan'. Hindi ako mapakali. Lahat ng taong mapapadaan ay tinitingnan ako nang makahulugan.

Hindi yata tanggap ang presensya ng tulad ko dito.

"Eto na!" masayang sabi ni Alexis nang ilapag ang timba ng maligamgam na tubig sa loob ng paliguan. Lumabas siya. "Pasensya na at natagalan. Ito rin pala 'yung mga damit. Dito lang ako sa malapit para bantayan ang pinto. Freja? Ayos ka lang?"

"Huh? Ah," kumurap ako. "Oo. Um, sige. Salamat nang marami, Alexis."

Nagkamot ako ng tenga.

"Hindi ko akalain na makikita kitang muli," sabi ko. Hindi ako makatingin sa kanya dahil baka bumuhos ang luha ko. Si Alexis ang...nagpapaalala ng buhay na nawala sa'kin. At kapag tiningnan ko siya...Maaalala ko lang na wala na si Ina at si Ria.

Kinuha niya ang mga pisngi ko at pinilit akong tumingin sa kanya.

"Ligtas ka na," bulong niya. "Hindi mo alam kung gaano ko kagustong puntahan ka sa Galeon para kunin ka. Nang marinig ko kay Ban ang plano ng hayop na Kaius na 'yun, sobrang nagalit ako. Ninais kong pigilan iyon ngunit hinarang nila ako dito. Hiniling ko na wag iyon matuloy. Kaya naman, sobrang saya kong hindi iyon nagtagumpay. Dahil ibig sabihin nun ay may posibilidad na makasama kitang muli."

Pinatulo ko ang mga luha ko at binaon ang aking mukha sa dibdib ni Alexis.

"Sobrang saya kong narito ka," iyak ko. "Sobra, sobra, sobra."

Hinaplos niya ang aking buhok. "Ako rin, Freja. Hindi na tayo maghihiwalay uli."

Ang init niya, ang pamilyar niyang katawan at bango, ang boses niyang mababa at ang hawak niyang nagpapatahan sa'kin—ngayon ko lang uli napagtanto kung gaano ko siya hinahanap-hanap.

Si Alexis, ang matalik kong kaibigan, ay nasa harap ko nang muli.

Wala na akong mahihiling sa ngayon.


࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Pagkatapos kong makaligo at makapagpalit ay nagkaroon ako ng magandang tingin sa kampo. Lahat ng tao ay abala at may ginagawa. Ang mga istraktura dito ay gawa sa kahoy at dahon. Naisip kong paano ito naitago nang matagal sa mata ng monarkiya?

At naalala kong si Ban nga pala ang punong Heneral ng militar ng Anja.

Si Ban, na ayon kay Kaius, ay ang lider ng mga rebeldeng ito.

Kaya naman pala.

"Si Ban, narito na ba siya?" tanong ko kay Alexis. Umiling siya at malungkot akong tiningnan. "Hindi pa siya dumadating. Pero may tiwala kaming lahat sa kanya. Magbabalik siya."

Oo naman. Dahil kung nawala siya'y paano na lang kami? Kinabahan ako. Hindi pwedeng madakip si Ban, dahil mapapahamak ang lahat ng narito pag nangyari iyon.

"Wag ka nang sumimangot," ngiti ni Alexis. "Sigurado akong magiging maayos lang ang lahat."

Binaba ko ang tingin ko. "Alexis, gaano ka na katagal na rebelde?"

Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon