33.

274 19 4
                                    



࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

f r e j a

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇


Gumalaw kami bago sumapit ang bukang liwayway.

Ngayon ay nagtatago kami sa mga puno sa border ng bayan, pinagmamasdan ang mga kawal na nagpapatrol sa mga lansangan. Mukhang mahigpit na nga ang paghahanap sa aming dalawa ni Kaius. Gayunpaman, hindi naman mukhang problemado si Dean. Mukha pa nga siyang nasasabik.

"Handa ka na ba?" tanong niya sa'kin habang buhat-buhat si Kaius sa kanyang likod. Tumango ako at lumabas kami mula sa mga puno.

Markado.

Iyon ang tinawag niya sa sarili kagabi. Iyon raw ang mga taong pumasok sa isang tipan ng mga anghel at demonyo, kaloob ang kapangyarihan na ninanais mo.

Ang banal na tipan... Totoo nga iyon. Ngunit hindi lang ito sa monarkiya? Maging ang isang rebelde ay...

Kalimutan mo muna iyon ngayon, pagalit ko sa sarili. Si Dean na lang ang pag-asa naming dalawa ni Kaius. Kailangan namin siya upang makaalis sa lugar na 'to.

Mabilis kaming nagtago sa mga poste at dingding at kahit saang dilim na aming makita. Iniwasan naming makagawa ng ingay. Sa nakikita ko, mukhang pinagbabawalan nila ang mga Anjan na lumabas hangga't hindi pa umaga. Magaling, sa paraang ito walang makakakita sa amin.

"Malapit na ba tayo?" bulong ko habang pinapanood ang isang kawal na dumaan, hindi kami alintana na nagtatago sa mga basurahan.

"Nakikita mo ba iyon?" turo ni Dean sa di kalayuan.

Nakita ko ang isang paradahan ng mga sasakyan. "Pero hindi ba makikita tayo kapag dumaan tayo diyan?"

Bukod sa walang gusaling nakaharang sa paradahan ay naiilawan pa ito. Nababaliw na ba talaga ang lalaking 'to?

"Magtiwala ka sa'kin," ngiti niya. At saka ako tinulak nang mahina.

Takot akong tumingin sa kanya.

Nagbigay lang siya sa'kin ng hinlalaki. "Maglakad ka lang, at wag mag-alala. Bilisan mo ah."

Nababaliw na siya.

Isang hakbang ko lang palabas ng madilim na eskinitang ito ay babarilin ako ng mga kawal o di kaya ay mahuhuli. Ano bang sinasabi niyang maglakad lang ako?

Ginawa ko.

Naglakad ako palabas sa eskinita at nailawan ako. Pinilit kong magpokus lang sa sasakyan na aking kukunin. Kaya ko 'to. Magagawa ko 'to!

Binilisan kong maglakad at nagtago agad sa likod ng isang sasakyan. Hindi nakatingin ang mga kawal sa lugar na 'to. Tamang-tama.

Sinubukan kong buksan ang pinto, ngunit ayaw.

Lumipat ako sa isa pang sasakyan. At ayaw ding bumukas. Nagpalipat-lipat ako habang nag-iingat sa bawat galaw. Nang makarating ako sa ika-limang sasakyan, isang pick-up truck, natuwa ako nang bumukas na ito.

Ngunit-

Umalingawngaw ang alarm ng sasakyan.

Nanlamig ang buong katawan ko. Patay na!

Alala akong tumingin sa paligid at inaasahan na ang pagdagsa ng mga kawal. Pero ang nakita ko lang ay si Dean na buhat si Kaius at nakangiti. "Ayos! Nakakuha ka rin."

Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon