44.

270 16 3
                                    


"At ang emperyong iyon ay tatawagin kong Kaian," deklara ni Kaius. Saka kinasa ang baril. "Ngayon, sindihan niyo na ang gyerang ito."

Ngunit bago maiputok ni Kaius ang baril ay bumagsak sa gilid niya si Sigrid.

Muntik nang mawala ang ilusyon ng balat-kayo ni Dean bilang Sigrid, at nahintakutan si Kaius nang makitang nahihirapan na itong huminga. Masyado nang matagal ang paggamit nito ng Marka. Umalalay si Kaius sa kanya at nagmamadaling nagsalita sa earpiece. "Ekko, hindi na kaya ni Dean. Tapusin na ang operasyon na 'to."

Binuhat niya si Sigrid at nagmamadaling umalis ng entablado.

"Prinsesa!" sigaw ni Trystan at tangkang sumugod, ngunit nagtuos sila ng espada ni Cian. "Hindi kita hahayaan!"

"Kamahalan, umalis na tayo!" Dumating si Rhaine sa gilid ni Emily at Jiro at binaril ang mga lamparang palamuti sa kabaong ng Emperador. Sumabog ang mga ito at nabalot ang mga bulaklak ng apoy.

Mabilis itong kumalat at binalot ang paligid ng usok.

"Trystan!" sigaw ng lumilikas na si Jiro.

Tumango ang Grand Knight nito at sa isang buwelo ay nagkalansing ang kanilang mga espada ni Cian. Dahil sa matagal na pagkaka-kulong ay walang lakas si Cian upang paghandaan ang malakas nitong atake kaya nabitawan nito ang kanyang sandata.

Sa susunod na atake ni Trystan ay desidido itong kunin na ang buhay niya ngunit- "Cian!" sigaw ni Anwen, na sumalo ng opensa gamit ng sariling espada. "Ayos ka lang ba?"

Nang bumaril si Ekko sa direksyon ni Trystan ay walang nagawa ang binata kundi tumakas na rin.

"Prinsesa..." ang tanging naibulong nito paalis ng lugar na iyon.

Bakit mo kami tinraydor?

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

"Ano nang mangyayari ngayon, Rhaine?" Walang emosyon sa boses ni Emily, nakatulala lamang siya sa labas ng sasakyan na patungong Khragnas. "Isa na tayong kahihiyan sa emperyo. Namatay ang Emperador sa'ting pangangalaga at ngayon ang Emperatris ay..."

Humawak si Rhaine sa kamay ng Reyna. "Wag kayong mawalan ng pag-asa. Kailangan na lang nating pabagsakin ang Kaius na 'yon. Magwawagi tayo sa digmaan na 'to, Reyna."

Humigpit lang ang kapit ni Emily sa bestida.

Samantala—

"Bwiset, bwiset, BWISET!" Kada salita ay sinisipa ni Jiro ang upuan sa loob ng envoy pabalik ng Meriga habang si Trystan ay walang imik. Hindi pa rin siya makapaniwalang gagawin iyon ni Sigrid. Ano nang mangyayari sa prinsesa ngayong kakampi na siya ng kalaban?

Kapag dumating ba sa punto, mapapatay ko ba siya? isip ni Trystan.

"Hindi ako makakapayag na pahiyain mo ako ng ganito," bulong ni Jiro, ramdam ang galit na nagbabaga. "HINDI!!"

Nang makalagpas ang dalawang sasakyan sa kalahati ng bawat tulay—ang hilagang tulay patungong Khragnas at ang timog na tulay tungong Meriga—ay tumiklop ang bawat kalahati sa hugis na 'L'. Sa ganung paraan, wala nang makakapasok na kahit anong sasakyan sa Anja.

Sa border ng Anja ay pinalabas ang matatayog na pader mula sa ilalim ng lupa na nireserba sa panahon ng digmaan. Isa-isang lumitaw ang mga kanyon at iba't-ibang depensa na inilagay sa metal na pader. Teknolohiyang Merigan-Khragna ngunit gawa sa dugo't pawis ng mga manggagawang Anjan.

Papalubog ang araw nang makumpleto ang pagtayo ng pader sa malaking bansang-isla ng Anja. Ngayon isa na silang garrison.

"Ina, magkakaroon po ba ng digmaan?" turo ng isang bata sa mga pader na kumulong sa kanilang lahat.

Anja Trilogy 01: KhragnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon