Tulalang nakatitig lang si Lorraine sa labas ng pinto ng Intensive Care Unit. Inatake ang kanyang ama kanina at isinugod nila ito sa ospital.
Mabuti na lang daw at nadala agad nila ito sa ospital kundi ay baka namatay ito. Ngayon ay naka-admit ito sa ICU at comatosed.
Hanggang sa mga oras na iyon ay tulala pa rin siya. Nanginginig ang kanyang mga kalamnan, abot-abot ang kanyang kaba. Takot na takot siya kanina. Naiinis siya sa sarili at nakaramdam na naman siya ng awa sa ama.
Napagtanto niyang kahit malaki ang galit niya rito'y malaki pa rin ang puwang nito sa kanyang puso. Hindi niya pa rin ito matiis. Ang lahat ng pagsisikap niyang huwag nang magpa-apekto sa kaniyang pamilya ay nabaliwalang lahat. At iyon ang ikinaiinis niya sa sarili.
Pinahid niya ang kanyang luhang unti-unting dumadaloy sa kanyang mga pisngi.
Fuck these tears! Fuck this life!
"Lorraine..."
Gulat na napatingin si Lorraine sa kanyang tabi nang biglang may magsalita. Ang kanyang Ate Hanna. Hindi niya namalayang nakarating na pala ito. Masyado kasi siyang lunod sa sariling emosyon kaya hindi niya naramdaman ang pagdating nito.
Ang kanyang Ate Hanna ang sumunod sa kanyang Kuya Hubert. Babae ito ngunit hindi rin sila naging malapit isa't isa noong nakatira pa siya sa mansyon ng kanilang ama. May kumakalat na tsismis noon sa mansyon na inggit umano ang Ate Hanna niya sa kanya dahil mas maganda siya rito.
Hindi niya pinagpapapansin ang mga tsismis noon kahit totoo naman.Hindi niya ito kinibo at patuloy lang na nakatitig sa pintuan ng ICU. She hated her too. Silang lahat na mga tinatawag niyang "kapamilya".
"I'm surprised you're here. Nandito ka ba para sa manang makukuha mo kung sakaling mamatay si Daddy?" patuyang wika nito.
Pagak siyang natawa sa sinabi nito. Wala pa rin itong ipinagbago! Nagpigil siyang singhalan ang kanyang Ate kahit iyon ang gustong-gusto niyang gawin. Wala na itong pinagkatandaan kahit humigit trenta na ang edad nito.
Siya, maghahabol sa pera ng ama niya? Kahit pagsamahin ang pera ng mga ito ngayon ay mas mayaman pa rin siya.
Imbes na magtaray ay sarkastikong sinagot niya ito sa malumanay na boses."Bakit, Ate, may makukuha pa ba ako sa manang matagal na ninyong nilustay? Kaya nga niya ako ibinenta, diba? Dahil wala na siyang pang sustenar sa mga luho ninyo."
Wari hindi nito nagustuhan ang isinagot niya dahil narinig niya ang marahas na paghinga nito. Wala pa rin siyang pakialam."Ang yabang mo, naging supermodel ka lang, ang taas-taas na ng tingin mo sa sarili mo! FYI, you're still the social climbing bastard who had the delusion of being a member of our family! Hindi mababago ng kinang ng kasikatan mo ang tingin namin sa 'yo!" nanggagalaiting sabi nito.
Naikuyom niya ang kanyang mga palad sa pagpipigil na sampalin ito. Kung makapanghusga ito ay akala mo kung sinong malinis. Masakit isiping kung sino pa ang kadugo niya'y ang mga iyon pa ang nag-iisip ng masama sa kanya.
Pauyam siyang ngumiti.
"This social climbing bastard you're talking to will save the company that feeds you, Ate," matapang na sagot niya.Nasa kanya nakasalalay ang kompanya nila. Kapag hindi siya pumayag magpakasal sa tycoon na pinagbentahan ng ama nila sa kanya ay tapos ang maliligayang araw ng mga ito.
Umismid ito sa isinagot niya. "That's the only worth you have in our family anyway. Gotta give it up to you though," sarkastikong saad nito.
Hindi siya nagpahalatang uminit ang ulo niya sa sinabi nito. Paano niya kaya naging kapatid ang mga ito? Ano bang nagawa niyang kasalanan sa pamilya niya at kung tatratuhin siya'y parang hayop?
"At least I have worth in the family, unlike you...a parasite," maanghang na balik niya sa kanyang Ate.
Nakita niya sa kanyang peripheral vision na tuluyan nang napatid ang pisi nito at marahas na napatingin sa kanya.
Sasagot pa sana ito nang biglang bumukas ang pintuan ng ICU at lumabas ang isang nurse."Miss Lorraine Salve?" tanong ng nurse.
Agad siyang tumayo at isinukbit ang kanyang Prada bag sa balikat.
"Yes?""Puwede na raw po kayong pumasok sa loob, Maam. Magsuot lang po kayo ng gown, face mask at disposable cap sa ulo."
Tumango siya at nagtuloy-tuloy na pumasok sa ICU kasunod ng nurse. Hindi na niya inabala ang sariling lingunin ang Ate niya na alam niyang nagpupuyos na ang loob sa kanya.
Serves her right! I don't care what she feels. I don't care what anyone feels anymore! They don't even care about me! masaklap na sabi niya sa sarili.
Nang abutan siya ng nurse ng gown, mask at cap ay agad niyang isinuot iyon sa katawan. Mayamaya ay iginiya siya nito sa kama kung saan nakaratay ang kanyang ama.
Pinagmasdan niya nang mabuti ang hitsura nito May tubo sa loob ng bibig nito na nakakonekta sa isang monitor.
Ayon sa mga doktor kaninang tumingin sa kanyang ama ay iyon daw ang nagsisilbing buhay nito. Kapag tinanggal iyon ay tiyak katapusan na ng buhay nito.Kahit pilitin niyang maging matapang ay hindi pa rin niya maiwasang panghinaan ng loob habang nakamasid sa ama. Sumingaw na naman ang mga butil ng luha niya.
Lumapit siya sa gilid ng kama nito. Ang dating dominante at matapang na lalaking kilala niya ay alipin na ngayon ng mga aparato ng ospital. Inaamin niyang masakit makita ang kanyang ama sa ganoong ayos.
Pinahid niya ang kanyang masaganang mga luha bago nagsalita."I'm going to marry him..." aniyang napalunok pa.
"I will do what you want even it cost me my happiness, my love and my life. I will do everything for you, because---it's hard to admit but---I still love you. I don't even know why I still do despite what you did to me. You and your family don't even deserve my kindness. You should thank God you have a stupid daughter like me who will do stupid things just for you," tuloy-tuloy na litanya niya kahit alam naman niyang hindi siya naririnig nito.Pinahid na naman niya ang kanyang mga lintek na luhang ayaw tumigil sa pag-agos.
Nagpatuloy siya.
"O-one more thing....p-please stay strong," garagal ang boses na sabi niya.
"Don't die. You can survive this. I'll bring your company back...I promise..."Hindi niya alam kung bakit niya nasabi iyon. Marahil ay ganoon niya ito kamahal.
Nakapagdesisyon na siya. Susundin niya ang gusto ng kanyang ama alang-alang sa kompanya. Alang-alang sa kaligayahan nito. Iyon ang huling shot niya para patunayan ditong mabuti siyang anak at napalaki siya nito ng tama kahit pa nagkulang ito ng pagpapakita ng pagmamahal sa kanya.Natigilan siya nang biglang may sumungaw na luha sa gilid ng mata ng kaniyang ama.
He can hear me?
Naririnig siya nito!
But why is he crying? He felt sorry for me? That's a bullcrap! He doesn't have any conscience!
Mabilis na inayos na niya ang sarili at lumabas ng ICU. Sa kabilang pintuan siya lumabas dahil ayaw niyang makita ang nakakabuwesit na hitsura ng Ate niya.
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
General FictionLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...