CHAPTER 16

63.8K 1.4K 21
                                    

Kanina pa pinagmamasdan ni Lorraine si Cloud habang nagbubungkal ng lupa sa bakuran. Matapos nitong alisin lahat ang mga naglalakihang mga damong ligaw doon ay akala niya'y titigil na ito sa ginagawa, hindi pa pala. May plano yatang tamnan ng lalaki ang bakuran ng kung ano mang naiisip nito.

Kahapon pa siya nito hindi kinikibo. Simula noong sambitin niya ang pangalan ni Raphael nang kamuntikan nang may mangyari sa kanila. Ewan ba niya at nagi-guilty talaga siya. Hindi naman niya magawang mag-sorry.

Bakit siya hihingi ng tawad samantalang wala siyang kasalanan? Kasalanan nito dahil lumampas ito sa limit nito. Hindi siya dapat hinahalikan nito ng ganoon dahil hindi sila ordinaryong mag-asawa.

Pero bakit mabigat sa kanyang dibdib ang hindi pagpansin ni Cloud sa kanya? Hindi siya mapakali. Kapag kinakausap niya ito ay panay tango at iling lang ito. Ni hindi siya tinitingnan. Nabubuwesit siya!

Nagpasiya siyang tulungan ito sa ginagawa. Kinuha niya ang makapal na gloves saka isinuot sa mga kamay. Pagkatapos ay kinuha niya ang spare na pala. Nahagip ng peripheral vision niyang napansin siya nito ngunit nagpatay malisya at itinuloy ang ginagawa. Siya naman ay sinimulan nang bunglakin ang lupa.

Napamura siya ng lihim nang mapagtantong hindi pala madali ang gagawin niya. Bumaon ng husto ang pala sa lupa at nahihirapan siyang bunutin iyon. Napatingin siya kay Cloud upang sana'y magpatulong bunutin ang pala ngunit abala ito sa ginagawa. Ni hindi siya tinatapunan ng tingin.

Humugot siya ng malalim na hininga saka pwersahang hinugot ang pala. Nang mahugot iyon ay nawalan siya ng balanse at diretsong bumagsak at napahiga sa lupa. Napadaing siya sa sakit nang maramdamang tumama sa malaking bato ang puwetan niya.

Nagulat siya nang may mga kamay na umalalay sa kanya upang makatayo. Si Cloud. Walang ekspresyon ang mukha nito ngunit halata naman sa kilos na nag-alala ito sa kanha. Nagbunyi ang kalooban nya. Napangiti siya ng lihim nang may maisip na kalokohan.



"Ouch, it hurts!" kunwari'y daing niya at hinawakan ang balakang.




Hindi ito kumibo at binitiwan siya. Akmang tatalikuran na siya nito nang gawin niyang eksaherado ang pagdaing.





"Oh my...it really hurts! I think I broke my pelvis..." mangiyak-ngiyak na drama niya.




Narinig niya ang pagbuntong hininga nito saka siya binalikan at walang salitang pinangko. Agad naman niyang ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito. Ngiting-ngiti siya habang pinagmamasdan ang seryosong mukha nito. Diretso lang ang tingin nito at hindi siya pinapansin saka naglakad papasok sa loob ng kubo.

Nadismaya siya nang walang salitang ilapag siya nito sa sopang yari sa kawayan. Akmang iiwan na naman siya ng lalaki nang hilahin niya ang kamay nito. Kunot-noong binalingan siya nito.




"Hindi mo ba mamasahein ang pilay ko sa likod?" aniyang hinaluan pa ng lambing ang boses.




Mariin siyang tinitigan ng seryoso nitong mukha. Medyo kinabahan siya. Bumalik na naman ang poker face nito. Nagtungo ito sa silid niya at tila may kinuha sa loob ng bag saka mabilis na bumalik at initsa sa kanya ang isang ointment. Nagtuloy-tuloy na itong lumabas ng kubo. Naiwan siyang nagpupuyos ang kalooban.




"Ang hirap palang amuhin ng lalaking 'yon!" naiinis na sabi niya sa sarili.

--------

Hapon na nang matapos si Cloud sa ginagawa sa bakuran. May naipunla na itong mga sprout ng mga halaman kanina na nakasilid sa isang itim na plastic. Hindi niya alam kung anong halaman 'yon. Ang ginawa niya'y ginaya niya ang ginagawa nito at tinulungan ito sa pagtatanim kahit walang permiso nito. Mabuti na lang a hinayaan siya.
Wala silang pansinan kanina habang nagtatanim.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon