CHAPTER 26

59.4K 1.1K 9
                                    

"Where are you?"



Napakagat labi si Lorraine sa tanong na iyon ni Cloud mula sa cellphone na hawak niya. Kanina pa siya nito tinatawagan ngunit hindi niya sinasagot. Nang makasampung tawag na ito ay saka pa kang niya sinagot dahil bigla siyang nakonsensya. Baka mag-alala ito ng husto.



"I am in the...uh...mall," pagsisinungaling niya.



Ang totoo ay nasa isang fine dinning restaurant siya at naghihintay kay Raphael. Nag-usap silang doon magkikita.



"Can you please come here in your Dad's office if you're not busy?"


Kumunot ang noo niya.
"Why?"



"I have some important things to discuss with you regarding your father's company. If you don't mind, I need you here ASAP."


Shit, bakit ngayon pa? Magkikita kami ng lalaking mahal ko!

"How important it is? Can we discuss it over the phone? I'm kinda...busy," pagsisinungaling niya.



Ayaw niyang magsinungaling kay Cloud hangga't maaari. Nakokonsensya talaga siya. Pero wala siyang choice.


"Important matters shouldn't be discussed over the phone, My Dear," seryosong sabi nito.



Nahihimigan na niyang medyo naiiinis na ito sa kanya. Sino ba namang hindi? Nag-usap sila nitong magkikita sa kompanya ng ama niya kanina ngunit mas pinili pa niyang siputin si Raphael kaysa rito.



"Are you coming?" untag nito.


Wala siyang nagawa kundi pumayag. Baka kapag ininis pa niyang lalo ito ay hindi nito ayusin ang gusot sa kompanya nila.


"Okay, fine! You won!" bulyaw niya rito sa kabilang linya.


Tatawagan na lang niya si Raphael upang kanselahin ang pagkikita nila.

----------

"Pinapunta mo ako rito para lang sa mga basurang ito?!"


Hindi na napigilan ni Lorraine ang pag-apaw ng kanyang inis nang inabot uli ni Cloud ang panibagong kontratang ibinigay nito sa kanya dati, na hindi na niya matandaan kung saan niya nalagay.

Ni hindi niya nabasa kahit unang pahina ng kontratang iyon.


"My dear, you need to read what are the statements in the contract to know where do you stand in the company," kalmanteng sagot nito.




Nakaupo ito sa swivel chair ng kanyang ama, nakasandal at magkasiklop ang mga kamay na nakatingin sa kanya.



"I don't stand in anything that concerns my father's company, Cloud. I'm just a payment for their debt!



Biglang nagsalubong ang mga kilay nito.
"Don't say that. Don't even think about that. You're not just a payment, My dear. You're the owner of the company now."



Pagak siyang natawa.
"Dahil pinakasalan mo ako? No thanks, Cloud. I don't need your mercy...and I don't need this company! I earn millions in my career!"



Iiling-iling itong tumayo saka lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa kamay at tinitigan sa mga mata.

"Tell me, are you happy with your career because you love what you're doing, or you're just happy because you love the attention the people are giving you which you hardly get from your father?"


The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon