"Takte ka, noong isang araw ka pa pala nandito pero 'di ka man lang nagpasabi? Nasaan ang pasalubong kong Toblerone?"
Kahit mabigat ang loob ni Lorraine dahil sa sunod-sunod na problema ay di niya napigilang mapangiti sa bungad sa kanya ni Sidney. Kahit malakas ang tugtog ng musika sa club ay naririnig pa rin niya nang klaro ang boses nito. Kararating lang nito sa club kung saan niya piniling magkita silang magkakaibigan.
Oo, naging magkaibigan silang anim. Siya, si Sophia, Guia, Resha, Ian, at Sidney.
Mula noong insidenteng nangyari sa kanila labinlimang taon na ang nakakaraan ay hindi na sila mapaghiwalay na anim. Naging matalik silang magkakaibigan. Parang natagpuan nila sa presenya ng isa't isa ang kakulangang hinahanap nila sa pamilya nila.Naging supporters nila ang isa't isa. Tagapagtanggol, taga-pakopya ng assignment, tagapayo, tagaluto, tagapakinig sa kadramahan, sandalan kapag may problema, at minsan nga'y kasabwat sa mga kalokohang gustong gawin o malusutan.
Naging ganoon sila ka-close. Sino nga bang mag-aakala?
"Toblerone? God, Sid, may mga anak na ang iba sa atin, tapos ikaw—nanatiling kumakain ng Toblerone!" naiinis na natatawang sabi niya sa kaibigan.
Kinuha niya ang basong may laman ng whisky at inisang lagok iyon. Napangiwi siya sa tapang ng lasa ng alak. Hindi siya mahilig uminom kahit sa mga social gatherings niyang dinadaluhan. Hanggang light drinks lang siya.
Ayaw niyang nalalasing. Ayaw niyang ma-toxicate dahil nakakapangit iyon ng balat.Kapag hindi na niya kinakaya ang problema ay doon lang niya naiisipang uminom ng hard pero sinisiguro niyang kasama niya ang mga kaibigan or else sa condo na lang siya iinom mag-isa. Pero minsan hindi rin siya nag-iisa dahil biglang sumusulpot si Sidney at nakikitagay.
Mabuti na lang at free sina Ian, Sophia at Sidney nang araw na iyon. Nayaya agad niya ang mga itong mag-Club kahit busy ang mga schedules. Iyon nga lang, hindi nakasama sina Resha at Guia. Si Resha ay nasa ibang bansa kasama ang asawa nito upang ipagamot ang anak na si Dan-dan. Si Guia naman ay buntis at hindi puwedeng gumala ng gabi.
Hindi mahilig ang mga kaibigan niya na pumunta ng club pero dahil nagpumilit siya, walang nagawa ang mga ito. Kahit pa siguro sabihin niyang tatalon siya sa bangin ay sasama ang mga ito. Ganoon sila ka-solido!
Ika nga, good friends dont let you do crazy things alone."Nakailang baso na ba 'to?" tanong ni Sidney kay Sophia na tahimik lang na nag-iisketch sa Ipad nito sa kanyang tabi. Fashion Designer si Sophia. Siya ang rumarampa ng mga designs nito minsan.
"Three," sagot ni Sophia habang nakatuon pa rin ang atensyon sa Ipad.
Napapalatak si Sidney.
"'Nak ng—-tatlo! Ano na naman bang drama mo, Rain?"Umingos siya at hinugot sa bag ang dalang imported pack ng almond galing Paris pagkatapos ay ibinato niya nang malakas kay Sidney. Agad naman nito iyong sinalo at nakangising tumabi sa kanya.Paborito nito iyong papakin.
"Alright!" tuwang-tuwang sabi nito. "'Yan ang gusto ko sa 'yo, eh. Alam mo kung paano ako suhulan!"
Iiling-iling na napapangiti siya. Hinanap ng mga mata niya si Ian dahil feel na niyang sumayaw. Nauna na kasi itong sumayaw kanina. Sa paghanap niya kay Ian ay nahagip ng mga mata niya ang isang lalaking nakaupo mula sa bartender counter may isang metro ang layo sa kinauupuan nila. Mariing nakatitig ito sa kinaroroonan nila, particularly ay sa kanya.
Ewan ba niya at bigla siyang natigilan. Sumikdo nang malakas ang kanyang dibdib. Pamilyar sa kanya ang mga titig nito. Hindi nga lang niya maalala at hindi niya masyadong maaninag ang hitsura ng lalaki dahil sa dilim ng club.
Pero sigurado siyang nakita na niya ang lalaki. Makapagpigil hininga ang mga titig nito. May hatid na ibang kilabot. Tila ba hinihipnotismo siya dahil hindi rin niya maalis ang mga mata sa mga mata nito. Natitigilan siya sa reaksyon ng kanyang katawan. Hindi niya ugaling makipagtitigan sa kung kani-kaninong lalaki. Isnabera siya ayon sa mga nanliligaw sa kanya.
Palagay niya'y katulad niya ring nag-a-unwind ang lalaki roon. Hindi pang party goers ang dating nito. Sa suot nitong long sleeve polo na naka tucked-in sa itim na slacks—mukha itong nag-oopisina. Madilim at malalim ang mga mata nito. Tagos sa kanyang laman ang seryoso nitong mga titig.
Bigla siyang nagbawi ng tingin nang maalala ang huling pag-uusap nila ng Company Lawyer ng kanyang ama. Alas otso daw ng gabi ng araw na iyon ay nakipag-set ng date ang tycoon na mapapangasawa niya upang makausap umano siya ng personal at nang mapag-usapan na rin nila ang kanilang kasal.
Ngunit hindi siya sumipot bagkus ay niyaya ang mga kaibigan na lumabas sa club na iyon. Hindi niya sigurado kung naghihintay pa ang tycoon na iyon sa restaurant na pinag-usapan nila dahil alas-onse na ng gabi.
Nang mapadako uli ang tingin niya sa lalaking nasa bar counter ay nawala na ito.Hinanap niya ito ng tingin sa lahat ng sulok ng club ngunit hindi na niya ito nakita.
Napasandal siya sa upuan at tulalang nakatitig sa mga lights na sumasayaw sa ere."May problema ka ba, Drama Queen?" untag ni Sidney sa kanya saka siya inakbayan. Napangiwi siya sa bigat ng braso nito, parang troso!
Drama Queen ang bansag nito sa kanya dahil dinaig pa raw niya ang mga tauhan sa Maalaala Mo Kaya sa dami ng hang-ups niya sa pamilya.
Napatingin siya rito habang puno ang bibig na ngumunguya ng almond. Napaka-unlady like talaga nito pero naaaliw naman siya rito. Ito ang mortal enemy niya noong high school, ni sa hinagap ay hindi niya aakalaing darating ang panahon na magkakatabi sila sa upuan habang nagkukuwentuhan.
Pero hindi pa siya handang magkuwento sa mga ito. Marahil ay sasabihin lang niya sa mga kaibigan ang totoo kapag nakawala na siya sa sigalot na kinakaharap niya.
"Gosh, what have you been eating, Sidney? Your arm is heavier than the elephant's!" reklamo niya at marahas na inalis ang kamay nito.
"Ang arte!" nakairap na sabi nito saka pinasukan ng mga almonds ang bibig niya.
Muntik na siyang mabilaukan sa ginawa nito kaya binatukan niya ito nang malakas.
Agad itong nakailag saka lumipat ng upuan. Ang lakas ng tawa nito. Natawa na rin si Sophia."Guys, c'mon! Let's dance!" yaya sa kanila ni Ian na biglang lumitaw sa kanilang harapan habang umiindak sa tugtog. May kasayaw na itong isang lalaki na hindi nila kilala.
Inabot niya ang bote ng whisky at sinalinan na naman ng alak ang kopita niya. Inisang lagok niya uli iyon at sumama kay Ian.
Namimiss niya si Raphael. Gusto niyang makita itong muli. Pero paano? Ikakasal na siya sa iba!Learn to let go of your dreams of becoming Raphael's wife, Lorraine. You are not destined to be happy. You are born to be miserable with the man you will vow to marry.
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
General FictionLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...