Isang buwan ang matuling lumipas. Hindi tinantanan ni Cloud si Lorraine sa pagtuturo ng mga kinakailangan niyang malaman tungkol sa pagma-manage ng kompanya.
Inaamin niyang medyo nahihirapan siya dahil kailangan niyang magsimula sa umpisa. Pero dahil magaling magturo at hindi boring si Cloud ay mabilis niyang naiintindihan ang mga bagay-bagay na itinuturo nito.
Para itong batikang propesor sa kolehiyo kung makapagturo. Kunsabagay ay nagtapos at nag-masteral nga naman ito sa Harvard.
Habang nagsasalita ito sa harapan niya'y hindi niya mapigilang pagmasdan ito habang nakapangalumbaba.
"I conducted a quality control in your company's product, and as I've noticed, most of your products failed to give an excellent quality review. I was surprised because this company alloted a huge budget for this but it didn't meet the highest quality criteria you are aiming," mahabang litanya nito.
Nanatiling nakatitig lang siya rito. Hindi pumapasok sa utak niya ang pinagsasasabi nito. Nakatuon ang atensyon niya sa mukha nito. Dati pa niyang napapansin na may nunal ito sa noo. Maliit lang 'yon at hindi nahahalata agad.
Totoo pala ang kasabihan na kapag may nunal sa noo, matalino. Ang noo rin nito ay medyo malapad ngunit bumabagay naman sa hugis ng mukha nito.
Dumako ang tingin niya sa mga mata ng lalaki. Noong high school pa lamang siya'y alam na niyang malamlam ang mga mata nito. Trademark yata iyon ng pamilya Martinez. Ang ilong nito ay matangos. Bumaba ang mga mata niya sa mga labi nito.
Napakagat labi siya. Namimiss na niya ang mga labing 'yon. Minsanan na lang siyang halikan nito. Sa pisngi at hindi na sa labi. Alam niyang malaki pa rin ang tampo nito sa kanya dahil doon sa tagpong nasaksihan nito sa kanila ni Raphael.
Medyo dumidistansiya na ito sa kanya ng kaunti. Hindi na rin ito natutulog sa condo niya. Walang kaso iyon dahil lagi naman silang magkasama sa trabaho. Actually ay may sariling mesa siya sa opisina nito. Gusto niya roon para kapag may hindi siya naiintindihan ay madali siyang nakakapagtanong.
"Are you listening, Madam President?"
Bigla siyang nagising sa pagkakatulala sa tanong nito. Kunot noong nakatingin ito sa kanya. Agad siyang uqayos ng upo at tumikhim.
Nagkunwari siyang nakikinig.
"Uh...uhm...the status of the company---""I was talking about the quality of our product, not the company's status, Madam," pagtatama nito.
Namula ang mukha niya sa hiya. Huling-huli siya nito!
Nagpatuloy siya kahit hiyang-hiya.
"Y-yes, that's what I'm talking about! Anyway---""I think you need a break. Let's have a break for one hour," putol nito sa sasabihin niya.
Tumayo ito at inayos ang kurbata.Nang hindi siya tumalima ay nagsalita uli ito.
"I think I'm overloading you with these boring business matters. Try to relax, eat, go to the restroom, call someone or do whatever you want in an hour."
Pero nag-e-enjoy pa ako sa discussion natin!
Nakamaang na nakasunod lang siya ng tingin dito. Akmang lalabas na ito ng pinto nang magsalita siya.
"I-I want to eat. Y-you're not going to treat me?"
Natigilan ito at napatingin sa kanya.
"Why...do you want to be with me?"Nakokonsensya naman siya sa tanong nito. Napuno na siguro ito sa dami ng masasakit na salitang ibinato niya rito dati. Lumapit siya rito at ipinulupot ang mga kamay sa braso nito saka humilig sa balikat nito.
"I want to eat pasta. Treat me to the nearest Pasta House," malambing na sabi niya.
Umarko ang mga kilay nito at nagtatakang nakatingin sa kanya. Bumungisngis lang siya.
Damn, being pa-cute is totally not my style! Sana tumalab sa mokong na 'to.
Nahuli niya ang pagngiti nito ngunit mabilis na bumalik sa pagkaseryoso ang mukha. Bakit ba ito nagpipigil? Ang dami talaga nitong arte! Nasiyahan naman siya nang pumayag ito at nangakong dadalhin siya sa isang pasta restaurant.
------
Misery is the picture of my life without you. Please, see me. I miss you, my love.
Natigilan si Lorraine nang mabasa ang text sa kanya ni Raphael. Matagal na silang nagtetext at nagtatawagan ngunit hindi siya pumapayag na makipagkita rito. Natatakot siya. Natatakot siyang baka malaman ni Cloud at baka masira ang pamilya nito.
Kahit ano pang sabihin ni Raphael, asawa na nito si Leah. Hindi niya maaatim na maging mistress. At hindi niya maaatim na manira ng pamilya dahil lang sa pansariling kapakanan niya.
"I thought you want to eat pasta?" untag sa kanya ni Cloud.
Mabilis na itinago niya ang cellphone sa bulsa at nagpatuloy sa pagkain. Alam niyang hindi nakaligtas sa mga mata nito ang ginawa niya ngunit nagkibit balikat lamang siya at nagkunwaring magana sa pagkain.
Hindi siya makatingin ng diretso sa nanunuring tingin nito. Nawala ang ngiti nito kanina. Napalitan na naman ng seryosong awra. Nahuhulaan ba nito kung sino ang nagtetext sa kanya?
Nabitawan niya ang tinidor na hawak nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hindi niya sana sasagutin iyon ngunit nagpatuloy iyon sa pagtunog.
"Answer your phone," utos nu Cloud sa seryosong tono. Nakasandal ito sa upuan at sumisimsim ng wine habang pinagmamasdan siya.
Ayaw niyang sagutin dahil alam niya kung sino iyon, si Raphael. Naka-set ang numero nito sa isang ringtone.
"If you don't want to answer, let me," patuloy ni Cloud.
Doon na siya kinabahan at mabilis na pinatay ang cellphone. Bakit ba nangungulit sa kanya si Raphael? Ilang beses na niya itong sinabihang tigilan na siya!
"You know, a car wont continue running without a go signal," makahulugang sabi ni Cloud.
Napatingin uli siya rito. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya.
"What do you mean?" naguguluhang tanong niya.
"A man won't stop chasing a woman if she didn't give him a reason to stop," patuloy nito.
Nakukuha niya ang gusto nitong ipahiwatig. Iniisip nitong binibigyan niya ng rason si Raphael na habulin siya. Kinabahan siya. Alam ba nito ang patuloy niyang pakikipag-usap kay Raphael?
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
General FictionLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...