"Mon Dieu, Lorraine, where have you been?!"
Medyo inilayo ni Lorraine ang kanyang tenga sa kanyang cellphone upang hindi mabingi sa lakas ng boses ni Heather, ang kanyang manager sa Paris. Hindi maitatago sa boses nito na hindi nito nagustuhan ang ginawa niya.
"Je suis désolé!" hingi niya ng paumanhin, "I had a vacation in Philippines," paliwanag niya.
"Vacation? You didn't even bother telling me? I was dead worried!"
Hindi siya nakakibo. Kasalanan naman talaga niya dahil ora-orada siyang umuwi ng Pinas noon dahil sa galit sa kanyang ama. Hindi siya nagpaalam dito kahit may mga series of shows sila sa iba't ibang panig ng Europa.
"I'm sorry..." ulit niya.
"It's too late to apologize now. I cancelled your shows! I don't know what's going on with you, Lorraine, but please don't do this next time. This will make a bad impression in your name!" pangangaral nito.
Wala siyang nagawa kundi ay sumang-ayon sa sinabi nito. Actually ay hindi naman siya nanghinayang sa mga na-cancel niyang shows. Isa siya sa mga sought after at one of the highest paid supermodels sa mundo. Halos magkumahog ang mga Fashion Designers at Prominent brands para lang rumampa siya sa mga designs at brands ng mga ito.
"By the way, Lorraine, someone's looking for you the other day," patuloy nito.
"Who?"
Sumandal siya sa sopang kinauupuan."A certain photographer from London, his name is Raphael Luna."
Napatuwid siya ng upo.
Tumahip ng malakas ang dibdib niya nang marinig ang sinabi ni Heather. Hinahanap siya ni Raphael! Finally ba ay nagpasiya na itong ituloy ang naudlot nilang pagmamahalan?"W-what did he say? What does he want from me?" di magkamayaw na tanong niya.
"Uh...nothing in particular. He wants you to call him urgently. He looked like he wanted to talk to you so bad."
God, what does he want?
Hindi na siya mapakali. Gusto na niyang makausap si Raphael! Anong kailangan nito sa kanya? Palagay niya'y hindi siya matatahimik hangga't hindi niya ito nakakausap!"Where is he? Is he still in Paris? Do you know his contacts?"
"Well, he gave me his calling card. Let me send it to you later," anito.
"Not later! I want it now!" di makapaghintay na sabi niya.
"Okay, okay! Jesus, you're one heck of an impatient lady!" atungal nito.
Hindi na niya pinakinggan ito at mabilis na pinatay ang kanyang cellphone upang tanggapin ang isi-send nito.
Nangangatal siya. Hindi niya maipaliwanag ang excitement na nararamdaman niya habang naghihintay sa calling card ni Raphael. Hindi na siya makapaghintay na matawagan at makausap ito. Namimiss na niya ang lalaki!Iyon ang unang beses na nag-iwan ito ng calling card. Hindi kasi nito sinasagot ang mga pangungumusta at pangungulit niya rito dati.
Isnabero siya sa personal.Hindi niya mapigilan ang pag-usbong ng pag-asa sa kanyang dibdib.
Umaasam siyang sa pag-iwan nito ng calling card sa kanya ay bubuksan nito muli ang nasarhan nilang nakaraan.Napatingin siya sa pintuan ng kanyang silid nang makarinig ng kaluskos.
Si Cloud.
Agad siyang napatayo sa inuupuang sopa nang makita ito. Nakabihis ito na siyang pinagtakhan niya. Nakadamit pantulog lang ito nang iwan niya kanina.
Nang makaalis sila sa gubat na tinirhan nila ay dineretso sila ng helicopter sa isang ospital. Nang masuri ng mga doktor si Cloud ay pinayuhan itong umuwi at magpahinga. Hindi raw gaaninh masama ang lagay nito at kaya lang gamutin sa bahay.
Kailangan lang daw nitong magpahinga at inumin ang mga niresetang gamot upang gumaling. Dahil mahina pa si Cloud ay hindi niya ito pinayagang mag-drive ng sasakyan. Ipinatawag niya ang driver nito upang ihatid sila sa condominium unit niya.
Doon niya pansamantalang dinala si Cloud upang mabantayan niya. Hindi niya kasi alam kung susundim nito ang payo ng mga doktor na magpahinga dahil sadyang workaholic si Cloud. Baka magpilit agad itong magtrabaho sa kabila ng kalagayan nito.
"Where are you going?"
Agad niya itong nilapitan saka hinawakan sa braso nang magtangka itong lumabas ng condo niya.
Namumutla pa ang bibig at mukha nito."My Mother called, she said Lolo is dying," sagot nito sa nag-aalalang boses.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata nang makitang hawak hawak nito ang cellphone. Itinago niya iyon kanina dahil baka may tumawag dito mula sa opisina.
"But you need to rest, Cloud!" giit niya sa lalaki.
Ngumiti ito ngunit hindi abot sa mga mata. Hinaplos nito ang mukha niya saka siya masuyong tiningnan.
"I'm so touched by your concern, My Dear, but I'm okay. You don't have to worry about me. I need to go to my Lolo before it's too late," nakikiusap na sabi nito.
Ayaw pa rin niyang pumayag. Lalo itong maiistress kapag pinuntahan nito ang Lolo nito. Nasa Davao pa iyon!
"I'm going with you!" bigla niyang naibulalas. Nag-aalala talaga siya rito. Hindi niya kayang hayaan itong umalis sa ganoong kalagayan.
Nakita niyang nagulat ito sa sinabi niya.
"A-are you sure?" paniniyak nito.
"Of course, I am! I am always sure with my decision, Cloud. And besides, I don't ----"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla na lang siya nitong hinapit saka niyakap ng mahigpit. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito.
"Thank you, My dear. I was planning to introduce you to my grandfather but I don't know how to tell you."
Sandali siyang hindi nakapagsalita. Matagal na niyang alam na Lolo's boy si Cloud. Ang kuwento ni Sophia sa kanya dati, si Cloud daw ang paboritong apo ng abuwelo nito. At matagal na umanong kinukulit sina Sophia at Cloud ng matanda na mag-asawa na.
Hahayaan na lang muna siguro niyang magpanggap sila ni Cloud harapan ng Lolo nito upang kahit papaano'y makapagdulot sila ng kasiyahan sa matanda.
But what about Raphael? Don't let opportunity slipped in your hand, Lorraine! This is your chance to finally be happy!
Bumigat ang loob niya sa naisip. Palalampasin na muna niya ang pagkakataon. Kapag nakarating na sila ng Davao ay saka na lang niya tatawagan si Raphael.
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
Художественная прозаLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...