CHAPTER 42

58.2K 1.1K 7
                                    

Nginangatngat na ng selos si Lorraine habang nakamasid kina Cloud at Emily na nasa harapan ng mga tao. Nagsasalita si Emily patungkol sa isang partikular na painting habang ibinabahagi sa mga tao ang kuwento sa likod ng painting na iyon.

Nasasaktan siya habang nakikitang proud na proud si Cloud sa babae. Ganoon din ito sa kanya dati. Lagi siya nitong ginagabayan at pinapalakas ang loob. Ngayon ay sa ibang babae na nito ginagawa iyon.

Napag-alaman niyang pinsan ni Condrado si Emily. Si Cloud ang nagpaaral at sumuporta sa babae hanggang makatapos. Nang makatapos ay tinulungan ito ni Cloud na lalo pang humusay sa pagpinta dahil iyon umano ang talento ng babae. Pinag-aral ito sa mga de kaledad na institusyon sa Pilipinas at sinabak sa iba't ibang contests sa loob at labas ng bansa.

Malaki ang utang na loob ni Emily sa asawa niya. Kung hindi dahil kay Cloud, hindi nito mararating ang tinatamasa nitong tagumpay.

At naiinis siya. Alam niyang maganda ang hangarin ni Cloud ngunit ayaw niyang magmagandang loob ito sa iba, lalo na kay Emily! Dapat sa kanya lang! Baliw na yata siya pero ganoon talaga siya magmahal.

Pero ano pang saysay nang pagseselos niya? Wala na sila ni Cloud. Hinding-hindi na sila magkakabalikan. Lalo pa't napag-alaman niyang hindi pala simpleng probinsiyana lang si Emily. Kaya pala mabilis siyang ipinagpalit ni Cloud sa babae!


"Can I have a wine?" bigla niyang naisaloob kay Jean Louis. Biglang gusto niyang uminom. Naiistress na siya masyado sa mga nakikita.


"After Emily's speech, Mu chére," sagot naman ni Jean Louis.


Isa pa ito! Hibang din kay Emily!
Magsama kayong lahat, mga buwesit!
Akmang aalis siya nang hapitin siya ni Jean Louis sa baywang.


"Not so fast, mu chére. Do you think I'm gonna let you drink alone?" nakangising sabi nito.



Naaamoy na niya ang hininga nito sa lapit ng mga mukha nila. Sinubukan niyang alisin ang kamay nito sa baywang niya at lumayo rito. Sakto namang natapos na ang speech ng malanding si Emily.

Agad na hinawakan niya ang kamay ni Jean Louis upang pumunta sa buffet table kung saan ang mga inumin. Nang makarating sa buffet table ay agad na kumuha siya ng champagne at inisang lagok iyon.
Mayamaya'y tumugtog ang isang jazz music.



"What the---why there's a music?" naiiritang tanong niya kay Jean Louis. Nagsimula na ring magdatingan ang mga tao sa buffet.




"I guess that's Emilia's favorite genre," sagot nito na umiinom rin ng champagne. Umiindayog pa ito sa saliw ng musika.


"What's this, an exhibit or a birthday party? A baduy will always be baduy even she became famous!" iritable pa ring sabi niya.


Natawa na ito. "Woah! Chill! Relax, mu chére! Are you having your period?"


Inirapan niya ito. "No!"



Nagulat siya nang bigla na naman siyang hapitin nito at bumulong sa kanyang tenga.

"Nice. I was thinking we could play in your bed tonight."



Gusto sana niyang itulak ito dahil sa kabastusan nang mahagip ng tingin niya si Cloud. Biglang nabitin sa ere ang hininga niya. Mukhang katulad niya'y nagulat din ito at nandoon siya. Katabi nito si Madam Francesca.
Mayamaya'y dumilim ang anyo ng lalaki nang makita ang mga braso ni Jean Louis na nakapulupot sa baywang niya. Ang mukha nila ay magkalapit pa habang patuloy pa rin si Jean Louis na bumubulong sa kanyang tenga.

Kung nasa direksyon siguro siya ni Cloud ay magmumukhang hinahalikan siya ni Jean Louis sa pisngi. Kaya ba madilim ang anyo nito? Puwes wala siyang pakialam! Magselos din ito gaya nang ginagawa nito sa kanya!

Ilang sandali pa'y pinagsiklop ni Jean Louis ang mga kamay nila at hinila siya sa mga paintings na nakasabit. Isa isa nilang tinitingnan ang mga iyon. Nang malaman niyang si Émily ang may gawa ng mga paintings ay biglang pumangit iyon sa paningin niya.

Hindi niya mapigilang lingunin si Cloud. Nasa gilid na ito ng buffet table at mariing nakamasid sa kanya. May hawak itong kopita ng alak. Napalunok siya nang masalubong ang mga mata nila. Nag-iba na ang dating nito. Hindi na ito nagsusuot ng salamin sa mga mata at may tumutubo ng maliliit na balbas sa ilalim ng baba nito.

He looked ruggedly handsome. Pati ang suot nitong long sleeve polo ay hindi na naka-tucked in gaya ng dati. Nakalabas na ang laylayan niyon at nakatupi ang mga sleeves. Ang unang tatlong butones niyon ay nakabukas. May nakapatong namang itim na coat sa suot nitong long sleeve.

Napakagat labi siya. Ang sexy nitong tingnan. Natakam tuloy siya rito. Biglang parang nag-init ang pakiramdam niya dahil sa nag-aapoy na mga titig nito. Sunod-sunod ang pag-inom nito sa kopita. Nabahala na naman siya at baka malasing ito. Baka ito ang nagmamaneho ng sasakyan.

Napaigtad siya nang biglang sumayad ang kamay ni Jean Louis sa puwetan niya paakyat sa kanyang nakalantad na likod. Alam niyang hindi nakaligtas ang ginawa nito sa mga titig ni Cloud. At hindi nga siya nagkamali dahil lalong nagdilim ang mukha ni Cloud. Kinabahan siya.

Minabuti niyang hilahin papalayo si Jean Louis sa may unahan para makaiwas sila sa mga mapanuring tingin ni Cloud.



"Hey, why do you want us to go in a dark place? Are you horny now?" nakangising tanong sa kanya ni Jean Louis.


Naaasiwa siya sa pinagsasasabi nito pero may munting tinig din sa kanyang kalooban nanagpapasalamat at medyo touchy sa kanya si Jean Louis. Para makaganti man lang siya kay Cloud. At tuwang-tuwang siya dahil mukhang umepekto! Nangagalaiti na marahil ito ngayon!

Hah! Serves him right!

Unti-unting bumabalik ang mood niya. Kung kanina'y iritable siya ngayon ay nagiging magaan na ang pakiramdam niya. Kahit pa nakikita niyang madilim ang anyo ni Cloud, ang malamang naaapektohan ito sa presensya nila ni Jean Louis ay sapat ng dahilan upang magbunyi ang kalooban niya. Ibig sabihin lang n'on ay may nararamdaman pa ito sa kanya!

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon