CHAPTER 58

58.4K 1.2K 84
                                    

Hindi makatulog si Lorraine. Kanina pa siya pabaling-baling sa higaan,  hindi naman siya nakainom ng kape. And she skipped alcohol just for today. Galing kasi siya sa bahay ni Resha, tumulong kuno sa pagluluto para sa ihahanda kay  Railey.

She's more of a "panggulo" rather than a help in her kitchen by the way. Wala siyang ibang ginawa kundi tumunganga sa kabila nang pagiging abala ng mga kaibigan niya. Lagi tuloy siyang nasisigawan si Sidney at sinasabihang batugan.

Napatigil siya pabaling-baling at napatitig sa kisame. She has a naging feeling that something's not right or going to be like that. Hindi siya mapakali sa hindi malamang kadahilanan. Apart from missing Cloud ay tila may bumabagabag sa isipan niya na hindi niya matukoy. Her body is already exhausted but her mind is alert as a bull.

Geez. I wanna sleep now!

Napatingin siya sa relo, alas cinco na ng hapon. Dapat alas siyete ay gising na siya dahil iyon ang oras ng simula ng party sa bahay nina Sophia. Nagpasiya siyang pumikit uli. Makalipas nang ilang pabaling-baling sa higaan ay sa wakas, nakatulog na rin siya. Pero alas siyete na.

Alas otso nang magising siya. Pupungas-pungas siya habang na-aayos ng sarili. As usual, nasabon siya ni Sidney nang makarating sa bahay nina Sophia.
Medyo marami-rami na ang mga tao sa bahay ng kaibigan niya, mostly mga bata. Children's party daw kasi.

Agad na namataan niya si Raphael na kumukuha ng larawan nina Railey at Sophia. Mukhang maayos naman ang pagtrato ni Sophia kay Raphael. Kunsabagay ay wala itong ideya sa mga nangyari sa kanila ng lalaki recently. Napakislot siya nang biglang sundutin siya ni Sidney sa tagiliran.

"Pauwiin mo na nga ang Raphael na 'yan. Panggulo lang siya rito!" nakasimangot na bulong nito sa kanya.

Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya mula kay Sidney.
"He is definitely not. Nakita mo bang abala siya sa pagkuha ng mga pictures nina Railey?"

"Kaya naman nating gawin 'yan, hindi na siya kailangan! Para ano pa't nandiyan si Ian?"

Napailing-iling siya. "Why are you so salty, Sidney? As far as I can remember, I'm the one who had been brokenhearted because of him and not you."

Inirapan siya nito. "Hoy, kapag dumating ang espesyal na bisita nina Sophia at nakita niya kayong magkasama, bahala ka na sa buhay mo, ha? Pagod na akong gumawa ng paraan para lumigaya kang babae ka!" paasik na sabi nito.

Biglang pumintig ng malakas ang puso niya sa narinig. Espesyal na bisita? May darating pa ba sa party na 'yon? Kanina pa sinasambit ni Sidney ang espesyal na bisitang iyon.

Hindi kaya'y ang tinutukoy nitong espesyal na bisita ay si...Cloud? Lalong lumakas ang pintig ng puso niya. Kaklarohin niya sana kay Sidney ang sinabi nito kaso mabilis na nagmartsa ito paalis.

Namataan naman niya si Raphael na papalapit sa kanya at nagtatakang sinundan ng tingin si Sidney. Napansin siguro nito ang pag-aalburoto ng babae. Hindi niya tuloy matuloy sundan ang kaibigan.

"Hi," bati ni Raphael sa kanya.

"H-hi," ganting bati niya rin sa pilit na ngiti. Bumabagagabag tuloy sa isipan niya ang sinabi ni Sidney. Hinanap niya uli sa mga mata ang kaibigan. Nagkandahaba na ang leeg niya sa paghahanap kung saan ito umupo.

"You look lovely," nakangiting komento ni Raphael.

Napilitan siyang sumagot. "T-thank you. You looked great too."

"I uhm...can I talk to you for a minute, Rain?"

Hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito dahil tumugtog na nang malakas ang children's song sa party.

"Rain?"

Napatingin tuloy siya rito. "I-I'm sorry?"

"Can I talk to you for a while? Preferably somewhere else where we can clearly hear each other."

Napilitan siyang tumango at sumunod dito. Nagtungo sila sa loob ng isang bakanteng silid ng bahay. Hula niya ay TV room iyon dahil may malaking smart tv sa loob at mga naglalakihang couches. Walang ibang tao roon maliban sa kanila ni Raphael.

"You were saying...?" untag niya agad dito dahil hindi na siya makapaghintay na mag-usap sila ni Sidney.

Saglit na tumitig ito sa mga mata niya saka humugot ng malalim na hininga.


"I'm going back to London a day after tomorrow," anito.

"That's great. I'm happy for you," tanging naisagot niya.

"You wouldn't even ask me to stay?" malungkot na tanong nito. Lumambong ang mga mata nito na tila nakikiusap habang nakatitig sa kanya.

Nagtaka siya sa reaksyon at sinabi nito.
"Why would I ask you to stay? I mean, that's your dream, isn't it? Follow what makes you happy."

"But...you're my biggest dream, Lorraine. It's hard to admit but I still love you," malungkot na sabi nito.


Nag-iwas siya ng tingin dito. Bigla siyang nailang sa sinabi ni Raphael. Akala niya'y matagal na nitong tanggap na wala na siyang nararamdaman dito.

"Rain..."

Napaatras siya nang biglang lumapit ito sa kanya at hawakan ang kamay niya saka iyon dinala sa mga labi nito. Agad niyang binawi ang kamay ngunit nanatiling nakahawak ito sa kanya na tila ba ayaw siyang pakawalan.


"I thought you understand? I'm in love with my husband, Raph. I no longer feel anything for you. Just plain friendship," pagpapaintindi niya rito.

"I just want to make sure."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
"What?"

Nanlaki ang mga mata niya nang bigla nitong tawirin ang distansiya sa pagitan nila at angkinin ang kanyang mga labi. Aatras sana siya ngunit mabilis nitong naipulupot ang mga braso sa kanyang katawan.

Ang sumunod na nangyari ay bigla siyang nakarinig nang pagbukas ng pinto. Naitulak niya nang malakas si Raphael sa pangambang makita sila ni Sophia o isa sa mga kaibigan niya.

Ngunit mas matindi pa pala sa mga naiisip niyang puwedeng makakita sa kanila ang totoong nakasaksi sa paghalik sa kaniya ni Raphael. Paglingon niya sa pintuan ay tila tinakasan siya ng dugo sa buong mukha. Tumahip ng malakas ang kanyang dibdib.

Cloud!

Para siyang tinamaan ng kidlat. Ang lalaking nagdulot sa kanya nang matinding pangungulila ay nagbalik na! Ngunit hindi siya makagalaw habang sinasalubong ang gulat at nasasaktang mga mata ni Cloud sa harap ng pintuan. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Raphael pagkatapos ay ibinalik sa kanya. Parang may pumiga sa puso niya nang mabasa ang sakit at panunumbat sa mga mata nito.

Matagal na niyang inaasam na bumalik ito ngunit nakita pa siya nito sa alanganing sitwasyon. Hindi tuloy niya mahagilap ang mga salitang sasabihin habang kaharap ang galit na mga mata nito.
Ilang segundo pa ang lumipas bago ito kumilos at isinara nang malakas ang pinto. Doon lang siya tila natauhan.

Cloud!

"Cloud!" sigaw niya kahit alam niyang hindi na siya naririnig nito. Pumiksi siya sa pagkakahawak ni Raphael at tumakbo papalabas ng pinto.

Alam niya, may iba nang tumatakbo sa isipan ng asawa niya. Gusto niyang magpaliwanag. Gusto na niyang magkaayos sila. Gusto na niyang makasama ito. Gusto na niyang mayakap at mahalikan ito. Ngunit tuloy-tuloy ito sa paglabas ng bahay.

Tumakbo siya ng malakas. Wala siyang pakialam kahit ilang beses siyang muntikan nang madapa at matapilok dahil sa taas ng takong ng mga sapatos niya. Ayaw niyang mawala si Cloud sa paningin niya nang hindi siya nakakapagpaliwanag.

Nang sa wakas ay naabutan niya ito ay mabilis niyang pinigilan ito sa braso. Aktong papasok na ito sa driver's seat ng sasakyan nito.

Ngunit natulala siya nang mag-angat ito ng tingin sa kanya at masaksihan niya ang mga luhang naglalandas sa mga mata nito. Iyon ang unang beses na nakita niya itong umiyak!

He's crying. Oh my God, it's breaking my heart. What have I done?

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon