CHAPTER 63

58.7K 1K 28
                                    

Nakatulalang nakatitig si Lorraine sa kawalan matapos niyang mabasa ang kontratang pinapirmahan sa kanya ni Cloud dati. Ang laki niyang tanga dahil hindi man lang niya nagawang basahin ni isang pahina ng kontratang iyon noon.

Me and my fuckin' stupid pride!

Naisabunot niya ang mga kamay sa buhok. Nabubuwesit siya sa sarili.
Ang unang nakasaad sa kontrata ay ang pagkakaroon nila ng respeto ni Cloud sa isa't isa. Kapag may isang gumawa ng kabulastugan ang isa sa kanila ay automatikong magiging null and void ang kontrata. Halimbawa ng kabulastugan na ito ay ang pagkakaroon ng kabit o di kaya'y pagbabanta sa buhay ng isa sa kanila.

Kasunod na kondisyon ay ang petsa at lugar ng kasal nila ni Cloud. Simbahan ang unang venue ng kasal ngunit may nakasad naman doon na kung ayaw ng isa sa kanila ni Cloud ng simbahan, puwede iyong palitan basta ang petsa ay mananatili.

Kaya pala hindi siya nagpapigil na pakasalan ako sa City Hall noon.

Ang pangatlong kondisyon ay ang pagkakaroon expiration date ng kasal nila ni Cloud. Isang taon, sa parehong araw at buwan ng kasal nila ay ang expiration date ng kanilang kasal. Kapag umabot ng isang taon ang kasal nila at hindi nila nagawang mahalin ang isa't isa ay automatic na hahantong sa annulment ang lahat, tutol man ang isa o hindi.

Ayos na sana dahil obvious naman na mahal nila ni Cloud ang isa't isa, imposibleng mangyari ang annulment. Subalit may karugtong na pambuwesit ang pangalawang kondisyon.

Sa loob ng isang taong pagsasama ay kailangan nilang makabuo ng isang supling. Kung halimbawa'y hindi sila nagmahalan sa loob ng isang taon ngunit nakabuo sila ng supling, hindi sila maaaring maghiwalay.

Nginangatngat na siya ng panghihinayang at pagsisisi.
Kaya pala pursigido si Cloud na magkaanak sila dahil ayaw nito ng annulment. At siyang luka-luka, nag-pills pa!

Buwesit ka talaga, Lorraine!
Kung nagpabuntis ka kay Cloud sa loob ng isang taon, may panghahawakan kang dahilan upang huwag ka niyang  hiwalayan  kahit pa ayaw na niya sa iyo! naiinis na kausap niya sa sarili.

Ang nakasaad sa pang-apat na kondisyon ay ang pagsasalin ni Cloud sa kompanyang ipinagbili ng ama niya rito sa pangalan niya kapalit nang pagpapakasal niya rito. Sa madaling salita, binili ni Cloud ang kompanya para lang legal na maisalin iyon sa pangalan niya. Ang kapalit ay ang pagpapaka-'puta' niya rito ng isang taon.

Kahit i-rephrase pa ng ilang ulit ang pang-apat na kondisyon, iyon ang ibig sabihin niyon. Ang maging puta muna siya ni Cloud bago nito ibigay sa kanya ang kompanya nila. Pero sa lahat ng puta, siya ang pinaka masuwerte dahil pinakasalan, nirespeto, pinahalagahan, at minahal siya ng lalaking bumili sa kanya. 

Sa lahat ng mga nagawa niyang mga kamalian sa buhay, iyon ang hindi niya kailanman pagsisisihan. Dahil sa kamaliang iyon—sa pagpayag niyang bilhin siya ni Cloud —nagawa niya itong makilala at mahalin ng lubosan.
Naranasan niyang ibigin at umibig ng wagas, na siyang hindi pa niya naranasan kahit kaninoman.

Ang panglimang kondisyon, wala siyang makukuha kahit isang kusing sa kayamanan ni Cloud.
Kumunot ang noo niya sa nabasa.
Aanhin ko ang kayamanan ni Cloud, eh, mayaman naman ako?
Malamang ang ama niya ang nagpagawa ng kontratang binabasa niya. Minsan nang nasabi sa kanya ng kanyang ama noon sa ICU na ang kompanya lang ang habol nito sa kasunduan nito kay Cloud at hindi ang kayamanan nito.

Matayog ang pride ng kanyang ama. Kung hindi siguro ito frustrated na maipasalin sa kanya ang kompanya nila ay hinding-hindi ito lalapit kay Cloud. At dahil na rin siguro nakita nito na mabuti at mapagkakatiwalaang tao si Cloud ay hinayaan siya nitong ipakasal sa lalaki.

Kaya pala ang init ng dugo ni Madame Francesca sa kanya. Akala siguro nito'y hahakutin niya lahat ang ari-arian ng pamilya nito.

Isampal ko kaya ang mga bank accounts ko sa mahaderang matandang 'yon nang magising siya sa katotohanang hindi lang sila ang mayamang pamilya sa Pilipinas!

Agad naman siyang nagsisi sa naisip. Kahit naman ganoong kasuklam-suklam si Madam Francesca, mother-in-law niya pa rin iyon at nanay ng asawa niya. Dapat niya itong respetohin dahil genes nito ang nananalaytay sa katawan ng pinakamamahal niyang asawa. At dapat na rin siyang magpakabait! Kaya siguro inuulan siya ng kamalasan sa buhay dahil sa kamalditahan niya.

--------------------

"Anong ginagawa natin dito, Lorraine?" nagtatakang tanong sa kanya ni Ian.

Pinuwersa niya itong samahan siya sa isang Art Exhibit kasama si Caloy, ang fiancee nito. Dahil formal ang exhibit na 'yon dahil nga si Emilia del Sol na naman ang may pakana, nagsuot sila ng formal ni Ian.

Walang ideya ang kaibigan niyang ang pakikipagsundo niya kay Madam Francesca ang sadya niya roon. Nagpasiya na siya, lulunukin na niya ang kanyang pride at makikipagsundo sa mother-in-law niya. Hindi niya masisisi ito, ina itong nagmamahal sa anak kaya iniiwas nito ang lahat ng mga taong puwedeng manakit kay Cloud.

At isa na siya roon...
Kaya babaguhin niya ang pagkakakilala nito sa kanya nang sa ganoon ay magbago ang desisyon nitong ilayo ang asawa niya.


"Art Exhibit ito, girl. Umayos ka, my mother-in-law is here. Susyal 'yon!" pasimpleng bulong niya habang hinahanap sa mga mata sina Madam Francesca.

"And so? Anong kinalaman ko sa biyenan mo?"

Pinandilatan niya si Ian.
"You, wench! We have talk about this. I need you to help me gather attentions!"


Maarteng humalukipkip ito. "Anong tingin mo sa akin,? Attention seeker? KSP? My God, Rain, I'm the President's daughter tapos you want me to make a scene here? Like, hello? Are you serious?"


"No, of course not! You're not a KSP, my friend. That's an understatement. You're more than a KSP!"
Para namang hindi niya alam kung paano umandar ang bibig ni Ian.

Sumimangot ito saka inirapan siya. Ang fiancee nito ay nasa likuran lang at nakaabang sa kanila. Pansin niyang lalong gumuwapo si Caloy habang nakamasid sa kanila. Dati na itong guwapo kaso nuknukan ng suplado at seryoso. Ngayon ay ngumingiti na ito. Malamang ay dahil iyon sa kamandag ni Ian.

Kaya tama ang desisyon niyang dalhin doon si Ian at kuntsabahin sa pinaplano niya. Talented sa pang-uuto ang kaibigan niya. Matutulungan siya nitong kausapin si Madam Francesca.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon