CHAPTER 55

57.8K 1.1K 10
                                    

Ilang araw ng wala si Cloud sa tabi ni Lorraine. Hindi man lang ito tumatawag. Kumpirmadong iniiwasan siya nito. Gusto niyang puntahan ito ngunit paano? Hindi nga niya alam kung saang bansa ito nagpunta!

Grabe, hindi pala talaga maganda ang maglihim sa minamahal mo. Baka feeling niya, pinaglalaruan ko lang siya.

Napabuntong hininga siya at nagpatuloy sa pagmamaneho ng kanyang sasakyan. May pupuntahan siyang isang tao. Isang taong hindi niya kailanman inaasahang hihingan niya ng tulong sa problema nila ni Cloud. Si Emily.

Wala na siyang choice. Tinawagan na niya lahat ang puwede niyang mapagtanongan, pati ang opisina nina Cloud, ngunit hindi agad-agad nagbibigay ng impormasyon ang mga ito kahit pa sabihin niyang siya ang asawa ni Cloud. Hindi rin pala ipinaalam ni Cloud na nag-asawa na ito sa sarili nitong kompanya.

Hindi niya magawang mainis sa asawa dahil sa paglilihim nito sa relasyon nila. Tinupad lang naman nito ang kasunduan nila dati na walang makakaalam nang pagpapakasal nila.

Ngayon tuloy siya nagsisisi sa kasunduan nilang iyon na siya pa ang may pakana. Kahit pa nagsasama na sila sa iisang bubong ay hindi pa rin pala nila pinag-uusapan ang estado ng relasyon nila. Baka nalalabuan na si Cloud sa kanya.

Napabuntong hininga na naman siya. Si Emily na lang ang tanging pag-asa niya. Sana ay hindi ito galit sa kanya at tulungan siyang matukoy kung nasaan si Cloud. Hindi kasi siya ang klase ng babaeng naghihintay sa lalaki. Alam naman niyang may kasalanan siya kaya gusto niyang magpaliwanag. Matayog ang pride niya ngunit pagdating sa mga mahal niya sa buhay ay nagpapakumbaba siya. Lalo na kung ayaw niyang mawala ang kanyang asawa sa  buhay niya.

Nang makababa siya sa harapan ng condominium na tinutuluyan ni Emily ay agad siyang pumunta ng reception. Napag-alaman niyang ang pamilya ni Cloud din ang nagmamay-ari ng condominium na iyon.

Nang makalapit siya sa reception ay agad siyang nagtanong kung saang unit nakatira si Emily. Emilia del Sol ang ginamit niya.

"Emila del Sol is in Unit 4 but sorry to say, Maam, she's not here right now. She's currently out of the country," imporma ng receptionist.

A fuckin' unlucky day for me!

"May I know when she's gonna come back?"

"We don't know, Maam."

"Okay, thank you," aniyang tumalikod na at humakbang palabas ng Condominium.



"Nakakainis! Kung kailan kailangan ko ang Emily na 'yon, saka pa siya wala. Grrr..." inis na kausap niya sa sarili.


Natigil siya sa paghakbang papalabas ng front door. Bakit parang iba ang pakiramdam niya sa sinabi ng receptionist? Bakit parang may humahatak sa kanyang puntahan ang unit ni Emily? Totoo kayang wala ito sa bansa? Malay niya bang nakabalik na ito at hindi ipinaalam sa receptionist?

Mabilis siyang nagtungo sa elevator at pinindot ang fourth floor. Ewan ba niya at iba talaga ang kutob niya. Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang receptionist kanina. Ganoon na siguro siya ka-desperadong kausapin si Emily.

Nang makarating sa unit ni Emily ay agad niyang pinindot ang door buzzer sa labas ng pinto. Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa ring nagbubukas sa kanya.

"I guess the receptionist is right. I'm just stubborn," aniya sa sarili habang kaharap ang nakasara pa ring pinto.


Nag-buzz uli siya sa loob, idiniin pa niya ang pagpindot na tila ba gusto nang sirain ang buzzer sa inis niya. Mali ang instinct niya kanina! Buzz siya ng buzz kahit alam niyang wala namang magbubukas sa kanya. Sa huli ay itinigil na niya ang katarantadahan at bagsak ang mga balikat na tinalikuran ang pintuan ni Emily.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon