WARNING: Guys, this is again...a SPG chapter. I will not warn you not to read this because I know...you will read it anyway. Hehehe! Kaya, observe censorship na lang po.
-------------------
Napapansin ni Lorraine na nagiging madalas na ang pagkikita nina Cloud at Condrado. Laging lumalabas ang mga ito, daig pa ang magjowa.
Naghihinala na siya kay Condrado, palihim ba nitong inaaalam kung nasaan din si Sophia? Sa pagkakaalam kasi niya, ayon kay Cloud, hindi alam ng lalaki kung nasaan si Sophia. Pero malakas ang kutob niyang may kinalaman si Condrado sa pagkawala ng kaibigan niya.
Nararamdaman niya iyon sa tuwing nagtatangka itong kausapin siya ngunit binabara at sinusungitan niya. Makailang beses siyang nasita ni Cloud dahil sa inaasal niya. Bestfriend kasi nito si Condrado. Ang gusto nito'y maging malapit din siya sa bestfriend nito gaya nang pagiging malapit nito kina Guia at Resha.
Pero anong magagawa niya? Nawawala ang kaibigan niya at ang asawa nito ang pinaghihinalaan niya! Ayaw naman niyang sabihin kay Cloud dahil baka ito ay mag-alala rin. Iyon ang huling nanaisin niya sa asawa dahil masyado na itong stress sa trabaho lalo pa't nagpaplano ang kompanya nitong mag-expand na naman sa ibang bansa.
Ngayon ay kumakain siyang mag-isa. Nagluto siya ng marami ngunit ang magaling niyang asawa ay lumabas kasama si Condrado. Magpinsan talaga ito at si Emily, parehong kaagaw niya sa atensyon ni Cloud.
Napatingin siya sa pintuan nang biglang bumukas iyon at pumasok ang kanyang magaling na asawa. Nakangiti ito habang lumalapit sa kinaroroonan niya. Nagulat ito nang makita na ang daming pagkain sa mesa.
"Nagluto ka?"
"Hindi! Minagic ko lahat ng 'yan!" masungit na sagot niya. Nabubuwesit siya rito sa totoo lang.
Natawa ito saka umupo sa upuan pagkatapos ay kinuha ang nakataob na plato at kutsara. Nakangiting kumuha ito ng pagkain saka inilagay sa plato.
Tumikwas ang kilay niya."Akala ko ba lumabas kayo ni Condrado? Hindi kayo kumain sa labas?" masungit pa ring tanong niya.
"Kumain," matipid na sagot nito.
"Eh, bakit ka pa kumakain? What if magka dyspepsia ka?" inis nang tanong niya.
"I don't want to waste your effort. I know you cooked these for me."
"You've wasted my efforts already when you chose to hang out with that Condrado all the time!"
Hindi ito sumagot at parang maamong tupa lang na tahimik na kumakain.
Hindi nabawasan ang inis niya. Nang matapos siya sa pagkain ay walang paalam na nagtungo siya sa silid at nagsimulang maghubad para maligo. Pumasok siya ng banyo at kinuha ang kanyang pills. Bumili siya ng mga iyon noong isang araw.
Saka lang niya napag-isipan mag contraceptives. Hindi niya alam kung anong mararamdan ni Cloud sa ginagawa niya pero para din naman iyon dito. Hindi pa siya handa. Ayaw ma muna niyang magkaanak at malosyang.
Nagsisimula na siyang pumasok sa shower nang biglang bumukas ang pinto. Mukhang nagulat si Cloud nang makitang nandoon siya ngunit napalitan naman agad ng paghanga sa mga mata nito nang mapagmasdan ang hubad niyang katawan.
"S-sorry," mabilis na paumanhin nito at tangkang isasara ang pinto ngunit tinawag niya.
"Hey!"
Bantulot na sumilip ito sa nakaawang na pinto.
"Yes, My dear?"Naikot niya lang ang mga mata at hinila ang necktie nito para lumapit sa kanya. Nang makapasok ito ng tuluyan ay mabilis na hinila niya ang batok nito at inangkin ang mga labi. Gumanti naman agad ito ng halik.
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
General FictionLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...