CHAPTER 8

70K 1.3K 15
                                    

Nagising si Lorraine nang maramdaman ang init ng sinag ng araw na dumadampi sa kanyang balat. Napabalikwas siya ng bangon.
Nang iginala niya ang paningin sa paligid ay kumirot ang ulo niya. Wala siya sa kanyang silid.

Ang huling naalala niya ay sumuka siya sa damit ni Cloud nang nagdaang gabi. Pagkatapos n'on ay ipinasok siya nito sa kotse dahil sa kanyang panghihina. At doon na siya nakatulog. At ngayon ay nagising na siya sa ibang kuwarto.

Agad siyang sinalakay ng kaba nang mapansing iba na ang suot niyang damit. Mahabang polo na ng isang lalaki! At wala siyang pang-ibabang suot kundi ay panty lang!
Kinilabutan siya nang maisip na si Cloud ang nagpalit ng damit niya.

Mabilis siyang tumayo at akmang hahanapin ang lalaki nang makita ang isang tableta ng Paracetamol sa side table. May katabi pa iyong isang bote ng mineral water.
Saka lang niya naalala ang kirot sa kanyang ulo. Agad na ininom niya ang gamot. Mabuti na lang at nag-iwan ang lalaki ng gamot doon.

Biglang tumunog ang cellphone niya. Hinanap niya iyon at natagpuan na nakapatong sa isang malaking puting kahon. Inignora niya ang kahon at sinagot agad ang tawag kahit hindi nakarehistro ang numero niyon sa cellphone niya.




"Good morning. Have you seen the dress?" bungad sa kanya ng kabilang linya.




Agad na nakilala niya ang boses na 'yon, kay Cloud.





"What dress?" nagtatakang tanong niya.




"The white one inside the box. Open and wear it," anito.



Kunot-noong tinanggal niya ang takip sa box. May puting damit nga sa loob.




"Why would I wear this dress?"




Rinig niya ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. "You've forgotten that it's our wedding day today," paalala nito.




Nanlaki ang mga mata niya.
"W-what?! Why the sudden change of date?" natatarantang sabi niya. Pero ang totoo ay hindi niya talaga alam ang petsa.




"I did not change the date. It was in the contract."





Fuck, hindi ko pa nababasa ang nakasaad sa kontratang ibinigay niya!



"I-I am not prepared!" dahilan niya.



Napasabunot na siya sa kanyang buhok. Bakit ura-urada itong magdesisyon? Hindi niya tuloy alam ang gagawin!




"You are. Just put the dress on and you're ready for the wedding," tila kalmanteng utos nito sa kabilang linya samantalang siya ay hindi na alam ang gagawin.



Shit, siya ang handa! Baka nag-imbita na siya ng mga tao!



"Do my friends know about this?" kinakabahang tanong niya.



"I thought you want a secret marriage? You want me to call them?" sagot nito.




"Hell no! Don't tell anyone, even the media! I don't want the whole world to know I married a person like you! Gosh, this is so embarrassing!" mangiyak-ngiyak na bulalas niya.




Sandaling natahimik ito sa kabilang linya at marahas na huminga, mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.



Mayamaya ay nagsalita uli ito.
"I'm going to meet you in Mayor Andrada's office. He's the city mayor in case you dont know," seryosong sabi nito.




"W-what? Why in the Mayor's office? I thought it would be a church wedding?"




Humugot na naman ito nang malalim na hininga. "We'll just gonna do it some other time. The most important thing is...we'll get married."




Sandaling hindi siya nakaimik. Minamadali nito ang lahat. She wondered what could be his reason for the marriage. Mukha naman itong hindi mauubusan ng babae. Bakit ito nagmamadali?





"I'm going to send my driver to pick you up. Get ready by now. Bye," patuloy nito nang hindi siya kumikibo. Bigla na lamang itong nawala sa kabilang linya kahit may sasabihin pa siya.




Nanggagalaiting ibinato na naman niya ang cellphone sa kung saan. Pangalawang cellphone na niya 'yon na nasira dahil sa inis niya kay Cloud. Ipinapangako niya sa sariling pagbabayarin niya ito nang malaki sa pangongontrol nito sa buhay niya!

---------

Nagtatakang nakatingin ang Mayor kay Lorraine nang hindi siya kumikilos upang pirmahan ang papel na nasa harapan niya.
Tapos na silang basahan nito ni Cloud. Technically ay kasal na sila, pirma na lang niya ang kulang. Nauna nang pumirma si Cloud. Siya na lang ang hindi pa nakakapirma.




"Uh, Miss Lorraine?" untag sa kanya ng Mayor.




Nanginginig ang mga kamay niya habang nakatingin sa ballpen.



Am I really going to do this? nangangambang tanong niya sa sarili.



Nararamdaman niya ang mga titig sa kanya ni Cloud sa kanyang tabi ngunit inignora lang niya ito. Kapag pumirma siya sa marriage contract, para na rin niyang isinuko ang kaligayahan niya kay Cloud.



Nagulat siya nang biglang bumulong ang kanyang Kuya Hubert sa kanyang likuran.

"Sign the goddamn papers, Lorraine. Huwag mong ipahiya si Mr. Martinez!" mahina ngunit mariing bulong sa kanya ng kapatid.




Ito lang at ang Kuya Henry niya, na nasa kanilang likuran, ang inimbitahan ni Cloud na mga kaanak niya upang maging witness. Driver naman ni Cloud ang nagsisilbing witness nito.

Napahugot siya nang malalim na hininga habang pinipigilan ang pagbagsak ng mga namumuong luha saka kinuha ang ballpen at pinirmahan nang mabilis ang mga papel.




Nagpalipat-lipat ang tingin ng Mayor sa kanila ni Cloud.
"Uh...o-okay, you may now k-kiss the bride," anunsyo nito.



Nagtangkang lumapit sa kanya si Cloud ngunit itinulak niya ito. Mabilis na magmartsa siya palabas ng Mayor's office nang walang paalam. Narinig pa niya ang pagtawag sa kanya ng kanyang kapatid ngunit hindi niya ito pinansin.

Naghihirap ang kalooban niya. Parang hindi siya makahingang kasama ang mga ito.
Iyon na yata ang pinakamalungkot na sandali ng buhay niya. Habang nagmartsa sa hallway ng City Hall ay isa-isang bumabagsak ang mga luha niya. Agad niyang pinahid ang mga 'yon at isinuot ang kanyang itim na salamin.

Dumeretso siya sa kanyang kotse at pinaharurot iyon. Nagtungo siya sa bahay ni Andrew, ang amo ni Sidney. Bodyguard ni Andrew si Sidney.
Pinapasok naman agad siya ng mga tauhan ng mansyon ni Andrew at dinala kung nasaan si Sidney.

Agad itong sumalubong sa kanya, takang-taka dahil napasugod siya roon.




"O, anong nangyari sa 'yong bruha ka? Bakit ang drama mo—"




Hindi na niya pinatapos itong magsalita at agad itong niyakap nang mahigpit.



"I have to tell you something. Promise me you won't tell anyone, Sid..."




Nakatigalgal itong nakatingin sa kanya. "Drama Version 2000 something na naman ba 'yan?"




Tumango siya. Natawa ito at dinala siya sa loob upang doon sila mag-usap.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon