"What are you planning to do here, Cloud?" di na nakapagpigil na tanong ni Lorraine kay Cloud dahil hindi pa tumitilaok ang mga manok kaninang umaga ay naririnig na niya itong nagbubungkal ng lupa.
"We planted mangoes yesterday, right? If it grows and the harvest is good, I'll make this a farm," sagot nito.
"Since when did you become a farmer? I thought farming is not your forte," aniya.
"You really don't know anything about me. I grew up in my Grandfather's hacienda in Davao before I studied in Manila. I got my experience there," sagot naman nito.
Natameme siya. Sapul siya nito. Kung ito'y maraming alam sa kanya, siya ay wala talagang kaalam-alam dito bukod sa mayaman ito't matalino. Nagugulat pa siya at may pambihira pa lang katangian ang lalaki. Lumaki tuloy ang respeto niya rito.
Pero bakit pa ito nagsanay maging magbubukid samantalang mayaman naman ito? Hindi nito kailangang magbanat ng buto sa pagtatanim dahil sobra-sobra na ang kayamanan nito.
Pinili niyang ibahin ang usapan. "A-ano namang gagawin mo sa farm na 'to?"
Tumigil ito sa pagbungkal at pinagmasdan ang paligid.
"Kapag lumago ang mga pananim, kukunin ko sina Ka Teryo at mga ka-baryo niya upang dito magtrabaho. Wala kasing permanenteng trabaho ang mga ka-baryo niya dahil hindi naman sa kanila ang lupang tinatamnan nila. Kapag naging maganda ang kita ng farm na naisip ko, ibibigay ko rin sa kanila ang lupain kapag naglaon."
"Gagastos ka ng malaking pera para sa ibang tao?" manghang tanong niya. Humahanga siya rito sa totoo lang. Ibang klase ang kabaitan nito.
"You know, I've got all the blessings that I need. Money, career, good family and a...beautiful wife," napatingin ito sa kanya pagkatapos. Nag-init naman ang kanyang mukha.
"But those people, Lorraine. They are deprived of the things that they need even they work hard. I want to give them what they deserve. Afterall, they were the people who work hard to make us rich. We are rich because they served us. Isn't it about time to serve them back?"
Natigilan siya sa sinabi nito. All her life, she was born rich even though she lack the love she always wanted. Wala siyang pakialam sa ibang tao. Ang gusto lang niya ay makuha ang gusto niya at masunod ang mga luho niya. Kung makapag-shopping siya dati ay humigit kumulang limang daang libo.
She didn't care about people who barely have a decent food to eat. It's not her problem anyway, those people should be taken cared by their own parents. She always thought that poor people's lives are miserable.
But then, life slapped the reality on her face. She is rich, she never starved for foods and material things, but she always end up starving for her father's love.
While Ka Teryo, he didn't have anything but he's very eager to fight for his daughter 's life.Yeah, she's rich, Lita was poor. But Lita is loved by her own father. Lita is way fortunate than her.
It's now slowly sinking to her mind that life is not about money, fame and success.
It is how you are treasured and love. It hit her hard how she couldn't think of anyone afraid of losing her. If she's gone, nobody would probably notice.This is the irony of life.
Pasimpleng pinunansan niya ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata upang di siya mahuli ni Cloud na apektado. Laking gulat niya nang akbayan siya nito at hinalikan sa ulo.
Napatingala siya rito."Did I make you cry?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Cloud.
Iniwas niya ang mukha. "O-of course not..." kaila niya saka pasimpleng idinampi ang daliri sa gilid ng kanyang mata.
Natawa ito ng mahina saka ipinihit siya paharap dito. Hinawakan nito ang ulo niya at inihilig sa dibdib nito. Napapikit siya.
"Rain, My dear, My love...always remember, whatever the consequences of this marriage...you still have me. I will still love you, okay?" mahinang sabi nito saka marahang hinagod ang likod niya.
Mapait na ngumiti siya saka
napabuntong hininga. Inaamin niyang may mainit na pakiramdam na bumalot sa kanyang katawan dahil sa sinabi nito. Init na hindi niya naramdaman kahit kanino.
Bakit tila napanatag ang loob niya sa sinabi ni Cloud? Na hindi siya nito iiwan kahit ano pang mangyari? Kahit naguguluhan ay umaasa siyang tutuparin nito ang sinabi.---------
"Come on, ride with me," nanghihikayat na sabi ni Cloud habang nakalahad ang kamay kay Lorraine.
Nagdadalawang isip siyang tanggapin ang kamay nito. Nakasakay ito sa kalabaw. Bumalik si Ka Teryo pati ang anak nitong si Lita isang linggo pagkatapos nitong manghiram ng pera kay Cloud.
Maayos na umano ang lagay ng bata, mabuti na lang daw at naisugod agad ito sa ospital. Todo pasalamat ang mag-ama kay Cloud at inofferan pa silang ililibot sila sa buong lupain sakay ng kalabaw. Napag-alaman niyang nabili pala ni Cloud ang malaking parte ng lupain na iyon.
"I can't! I'm afraid!" mariing tanggi niya saka pinandilatan si Cloud.
"Come on, I'm here. I'm not going to let you fall," paninigurado nito.
"Sige na po, Madam. Maamo naman po itong kalabaw namin. Hindi po kayo mahuhulog," wika pa ni Ka Teryo.
Walang nagawang hinawakan na niya ang kamay ni Cloud saka nagpahila dito. Agad niyang pinulupot ang mga braso sa baywang ni Cloud nang makasampa siya sa likuran nito. Humigpit ang pagkakakapit niya nang magsimula nang maglakad ang kalabaw.
"I'll kill you after this, Cloud!" nanggigigil na sikmat niya sa lalaki. Tumawa lang ito ng malakas.
"Relax and have fun, My dear," anitong nilingon siya saka kinindatan.
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
Ficção GeralLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...