CHAPTER 21

59.5K 1.2K 10
                                    

Diskumpyadong nakatingin si Lorraine sa hawak na basong may lamang pinakuluang inumin ng iba't ibang halamang gamot. Ang sabi ni Nana Mila ay ipainom niya agad iyon kay Cloud habang mainit pa upang bumaba agad ang lagnat ng lalaki.

Ang problema, habang tinititigan niya ang laman ng baso ay hindi niya mapigilang mapangiwi. Kulay putik iyon na may lumulutang pang mga maliliit na dahon. May kakaiba pang amoy na kahit sino sigurong may sakit ay mas gugustuhin pang huwag na lang gumaling kaysa inumin iyon.

Parang gusto niyang isaboy na lang iyon sa labas ng bintana ngunit nang tingnan niya si Cloud na nakabalot sa kumot habang nakaabang sa kanya ay hindi niya mapigilang mapabuntong hininga.

Gising na si Cloud ngunit mataas pa rin ang lagnat. Sinisipon na rin ito at medyo sumasakit daw ang lalamunan. Nakasandal itong nakaupo sa silid na pinagtulogan nila kagabi.

Ayaw man niyang ibigay ang inumin dito ay wala siyang magawa. Kaysa naman mangisay doon ang asawa niya'y pipiliin na lang niyang painumin ito ng kulay putik na inumin.

Muntik na siyang mapalundag nang may magsalita sa kanyang likuran.



"Napainom n'yo na po ba kay Ser Cloud ang halamang gamot, Madam?" untag sa kanya ni Nana Mila na di niya namalayang nakatayo na pala sa may pintuan.




"Uh...i-ipapainom ko na po sa k-kanya," mabilis na talima niya saka lumuhod sa harapan ni Cloud at inabot dito ang baso.




"What's that?" mahinang tanong nito. Namamaos kasi ang boses nito.



"Uh...err...herbal medicine. Nana told me this is known to lower down a person's high temperature. But, uhm...just don't breathe while drinking this," mahinang paalala niya upang hindi siya marinig ng matandang babae.




Kumunot ang noo ni Cloud habang tinatanggap ang baso.
"Why?"




"I kinda doubt if this tastes good. I'm not even sure it's edible," pahayag niya ng saloobin.




"You don't have to worry. Nana Mila is known to be a healer in this bario. This will surely be effective," pambabalewa nito sa paalala niya.




"Bahala ka," inis na sabi niya rito saka ito inirapan.




Hinipan muna nito ang inumin. Nahuli niya itong napangiwi nang malanghap ang amoy ngunit nagpatuloy naman sa paghipan.
Tumaas ang kilay niya.

Sige, ipagpatuloy mo 'yang pagkukunwari mo. Tingnan lang natin lung di ka sumuka kapag nalasahan mo 'yan!

Ngingitian pa nito si Nana Mila na nakamasid pa rin sa kanila bago ininom ang halamang gamot. Gusto na niyang matawa nang makitang sumama ang templa ng mukha nito saka napayuko para siguro ikubli kay Nana Mila ang reaksyon nito sa inumin.

Naglabasan ang mga ugat nito sa noo tanda ng matinding pagpipigil na huwag isuka ang nainom.

Kahit natatawa sa ayos ni Cloud ay hindi niya mapigilang mahabag sa lalaki. Masama na nga ang pakiramdam nito, pinainom pa ito ng ganoong lasa ng gamot.




"O siya sige, inumin mo 'yang lahat, Ser Cloud, upang mabilis na bumaba ang lagnat mo, ano? Huwag kang mag-alala at marami pang ganyan sa kaserola, magsabi ka lang," bilin ni Nana Mila sa lalaki.





Ngumiti naman ang lalaki saka tumango sa matanda. Nagpaalam na ang matandang bumalik sa kusina. Nang makaalis si Nana Mila ay mabilis pa sa alas kuwatrong nakatakbo si Cloud sa may bintana at sinuka ang natitirang laman ng inumin.

Hindi na niya napigilang matawa ng malakas.




"Don't say I didn't warn you," natatawang sabi niya rito.




Pinahid nito ang bibig at walang imik na bumalik sa pagkakaupo sa sahig. Napatitig ito sa laman ng baso. Akala niya'y itatapon nito ang laman niyon ngunit nagulat siya nang hipan nito uli ang inumin. Mabilis na inagaw niya rito ang baso. Kunot noong binalingan siya nito.





"God, why do you still want to drink this horrible herbal medicine if it's killing you inside?" naiinis na tanong niya rito.





"Nana Mila made an effort to cook this one for me. And she said it's good for me, right? I can endure the taste if it will make me feel better after," sagot nito.





Gusto niyang singhalan ito ngunit nagpigil siya. Mas inuuna pa nito ang mararamdaman ng ibang tao kaysa sa nararamdaman nito. Awang-awa na siya sa hitsura nito. Kanina pa ito sumisingha sa hawak nitong tuwalya. Ang ilong at mga mata nito'y namumula na.

Sa inis ay tumayo siya saka isinaboy ang laman ng baso sa labas ng bintana. Nagsalubong ang mga kilay nito sa ginawa niya.




"Why did you do that? I told you I'm going to drink it!" nagtatakang tanong nito.




Hindi na siya nakatiis.
"That's it, Cloud. Game is over! Let's go home! I'm bringing you to the hospital right now!" matigas na desisyon niya.



Natigilan ito sa sinabi niya saka nag-iwas ng tingin.
"I'm fine...you don't have to bring me to the hospital," mahinang tugon nito.





Naiinis na siya sa lalaki.
"You're not fine! You have a fuckin' fever! You need to go to the hospital!" eksaperado nang sabi niya saka lumuhod uli sa tabi nito. Hindi na niya napigilang magmura kahit iniiwasan na niya iyon dahil ayaw nito.

Hindi ito kumibo at patuloy lang na nakatitig sa kanya. Naiintindihan niyang may misyon ito sa lugar na iyon at gusto nitong bigyan ng pangkabuhayan ang mga tao ngunit kailangan din nitong isipin ang sarili.




Hinaplos niya ang mukha nito saka masuyong tinitigan sa mga mata.
"I promise I let you come back here after your fever is gone. Please, listen to me this time, Cloud. I'm worried about your health."




Nag-iwas uli ito ng mga mata.
Tumingin ito sa kawalan saka humugot ng malalim na hininga. Ngumiti ito ng matipid sa kanya saka tumango.



Nagliwanag ang mukha niya. "Is that a yes?"




Tumango uli ito. Niyakap niya ito ng mahigpit saka kinintilan ng halik sa noo dahil sa katuwaan. Akala niya'y makikipag-argumento na naman ito sa kanya
Siguro nga'y masama talaga ang pakiramdam nito dahil hindi na nito pa magawang tumanggi.






The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon