Nakarating sina Lorraine at Cloud sa isang munting barangay. Sa palagay niya ay mga katutubo ang mga tao roon base sa hitsura at pananamit. Doon umano nakatira si Ka Teryo at Lita. Nagulat siya at naghanda ang mga ito ng isang piging upang salubungin sila. Nakalatag sa isang pahabang mesa ang mga pagkain at prutas para sa kanila ni Cloud.
Bigla tuloy siyang nahiya. Ni minsan ay hindi pa siya nasalubong ng ganoon kainit. Ilang beses na siyang sinalubong ng mga parties ng mga supporters at fans niya dati ngunit hindi ganoon kagaan sa pakiramdam niya.
Marahil ay dahil alam niyang hindi siya kilala ng mga taga-barangay ngunit tinanggap pa rin siya ng ganoon kainit. Kung si Cloud lang ay di siya magtataka. Buo at tunay ang ipinapakita ng mga katutubo sa kanyan na tila ba isa siyang napaka importanteng tao para salubungin ng mga ito ng ganoon.
Sa mundong ginagalawan niya bilang modelo at celebrity, kaunting tao lang kasi ang masasabi niyang totoo sa kaniya. Her career is full of hypocrisy, pretenses and lie.
"Magandang hapon po, Ginoo at Ginang Martinez," magkapanabay pa na bati ng mga tao sa kanila.Nahihiyang kumapit siya sa braso ni Cloud. Natatawang tiningnan siya nito.
"I didn't know you still feel shy in front of many people?" naaaliw na tanong nito.
Mahinang hinampas niya ang braso nito.
"These people are different. They don't know me. I don't want to disappoint them," katwiran niya.Mahina itong natawa. Mayamaya ay iginiya sila ni Ka Teryo sa dalawang silya at pinaupo.
May dalawang dalagitang nakangiti ang lumapit sa kanila ni Cloud saka nag-abot ng dalawang buko juice.
Naengganyo siya sa inosenteng mga ngiti ng dalawa at tinanggap ang inabot ng mga ito. Dati-rati ay hindi siya tumatanggap ng kung ano-anong inilalahad sa kanya na hindi sumailalim sa food testing. Kakatuwang hindi siya nag-alinlangang sa mga oras na 'yon.
May mga babae at lalaking nag-aaalay ng sayaw sa kanila ni Cloud sa mismong harapan nila. Napatingin tuloy siya kay Cloud. Daig pa nila ang mga politiko kong ituring ng mga ito. ginagap lang ni Cloud ang kanyang kamay at binulungan siya.
"Just go with the flow. They're nice people."
Tumango lang siya sa binulong nito. Nang sipsipin niya ang straw ng buko juice ay namangha siya. Masarap at malinamnam ang buko juice! Ilang beses na siyang nakainom ng buko juice sa iba't ibang pagtitipon ngunit wala nang sasarap pa sa lasa ng bukong iyon.
"This buko juice tastes good, Cloud. I wonder what preservatives they mixed on this," aniya kay Cloud saka pinagmasdan ang bukong hawak.
"That's 100% natural, My dear. You know, natural things are really the finest. So always be natural and true to yourself."
Nag-angat siya ng tingin dito dahil sa sinabi nito. Naka-focus lang ang atensyon nito sa sumasayaw at tuwang-tuwang pumapalakpak.
Para na rin siyang sinabihan nitong plastik siya o di kaya'y puro siya kaartehan. Kakatuwang di siya na-offend.Totoo naman. Isa talaga siyang plastik, ipokrita, inggrata at maarteng tao.
Inaamin naman niya 'yon. Siguro mapipili lang niya ang mga taong masasabi niyang nagpakatotoo siya. Sa mga kaibigan niya, kay Raphael at kay Cloud lang. Kahit sa Mommy niya ay hindi siya nagsasabi ng totoong nararamdaman. Ayaw niyang mag-alala ito. Ayaw niyang isipin nito na hindi ito nagtagumpay sa pagpapalaki ng tama sa kanya.Nang matapos ang kaunting 'production number' ng mga ito'y iginiya sila ni Ka Teryo sa pahabang mesa. May mga dahon ng saging doon na nakalatag na punong-puno ng mga kanin, ulam na hipon, inihaw na isda, pork barbecue, mga binalatang prutas at kung ano-ano pa.
Salo-salo raw ang tawag doon at magkakamay lang sila. Bigla naman siyang ginanahang kumain nang makita ang maganang pagsubo ng mga tao ng pagkain.
"Are you okay with this?" nag-aalalang tanong ni Cloud sa kanya.
Tumango siya saka kinindatan ito. "No worries. Nasanay na akong kumakain sa dahon ng saging dahil sa 'yo," nakangiting sagot niya.
Lumapad naman ang ngiti nito. Sabay na silang naghugas ng kamay saka kumain kasabay ng mga tao. Dati-rati ay ang dami niyang preparasyon bago kumain. Isang minuto siyang naghuhugas ng kamay tapos nag aaply pa ng lotion at antiseptic. Ngayon ay tila wala siyang pakialam. Tila naging carefree na siya.
-------
Laglag ang mga panga ni Lorraine nang makitang aliw na aliw na sumasayaw si Cloud habang tinutugtugan ng mga katutubo gamit ang mga tambol at instrumento ng mga ito. Pinaunlakan nito ang imbitasyon ni Ka Teryo kanina na magsayawan kasabay ng ibang mga tao roon.
Kahit kakaiba ang choreography ay hindi mukhang awkward si Cloud pagmasdan habang sumasayaw. She wondered how many girls did he dance with in America. Tila sanay na sanay ito sa pagsayaw dahil nasa timing ang mga kilos nito.
Gusto na niyang matawa. Hindi niya kasi napi-picture out ang isang stiffed at seryosong businessman na katulad nito na sumasayaw ng ganoon. She was surprised he knew how to loosen up. He was not that stiffed afterall. She realized how much she misjudged Cloud.
Tumaas ang isang kilay niya nang may isang babae ang lumapit kay Cloud at nakisabay dito. Maraming nagsasayawan doon. At siya na nababaduyan sa ginagawa ng mga ito ay nakaupo lang sa isang gilid at nakamasid.
Pero parang gusto na niyang sumingit doon at sumayaw lalo pa't titig na titig ang babae sa asawa niya habang kumekembot sa harapan nito. Hindi siya nagseselos. Malabong mangyari 'yon! Pero ang isiping may malalandi rin palang taga-bukid ay talagang nakapagpatikwas ng kilay niya.
Laking gulat niya nang umiwas si Cloud sa babae at nagtungo sa direksyon niya. Inilahad nito ang kamay sa kanya.
"Come on, let's dance. Don't be a stranger!" yaya nito.
Umiling siya.
"No, thank you. Why don't you go back there and dance with that flirty lady?"Sukat ay bigla itong natawa ng malakas sa sinabi niya. Nagsalubong ang mga kilay niya.
"Are you jealous?" natatawang tanong nito.
Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang kanyang bibig. Paano nito nasabing nagseselos siya samantalang normal lang naman ang tono ng boses niya habang nagsasalita?!
"Dream on, Cloud. That will never gonna happen!" masungit na sagot niya.
Tumawa uli ito. Nainis siya. Bakit parang pinapalabas nito na may gusto siya rito? Ang kapal ng mukha nito!
"Alright! You're not jealous! Just dance with me!" yaya uli nito.
Sa inis ay pumayag siya. Hinila siya nito papunta sa mga nagsasayawan. Agad naman niyang namataan ang babae kanina, umatras ito at lumayo sa kanila.
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagbunyi sa kalooban.
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...