Lorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life.
Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gumagawa ng ingay ang tunog ng six inches Versace heels ni Lorraine habang binabaybay niya ang hallway papuntang opisina ng kanyang ama.
Suot ang kanyang Valentino Black Tube Dress na tinernohan ng sa kanyang Black Valentino Studded Hand Bag, sinabayan pa ng walang kangiti-ngiti niyang mukha at pagkembot ng baywang—daig pa niya ang naglakad sa runway ng isang fashion week.
Ang mga empleyado ng kanyang ama na nakaharang sa kanyang dinadaanan ay agad na nag-alisan at nagsitabihan sa mga sulok. Parang nakakita ng artista ang mga ito habang humahangang sinusundan siya ng tingin.
Napaismid siya ng palihim. Mabuti na lang at takot ang mga empleyado doon sa kanyang ama dahil kung hindi, baka dinumog na rin siya ng mga ito para magpa-picture at autograph.
Muntik na nga siyang hindi makaalis kanina sa condo unit niya dahil maraming tao sa labas. Natunugan siguro ng mga ito na nasa bansa siya kaya sumugod sa labas ng condominium niya. Mabuti na lang at mabilis ang mga guards at pinadaan na lang siya sa likod upang hindi makita ng mga tao.
She wore all black, pati ang buhok niyang burgundy dati ay pinakulayan niya ng itim. Black is the color of her day. She was obviously not happy. In fact, she dressed herself like she's going to a funeral. She hated her father after what she heard from her mother last week. Agad siyang lumipad pauwi ng Pilipinas nang marinig ang balita ng kanyang ina.
Makikipagtuos siya sa kanyang ama. She wants to know the truth, straight from his mouth. Her mother said he's facing bankruptcy. Nagulat siya sa balitang iyon dahil magaling na businessman ang kanyang ama at masyado nitong pinahahalagahan ang kompanya nito. He can afford to lose his family but not his company.
Alam niyang hindi siya kailanman mamahalin nito bilang anak ngunit hindi niya lubos akalaing darating ang puntong gagawin nito ang lahat upang huwag lang mawala dito ang negosyo nito---kasehodang ibenta siya nito na sarili nitong laman at dugo!
Ayon sa kanyang ina, isinanla ng kanyang ama ang negosyo nito sa isang mayamang business tycoon at ngayon ay naniningil na ito ng kabayaran. Dahil hindi nakabangon ang negosyo ng kanyang ama ay siya raw ang ginawang pambayad nito sa tycoon na iyon.
Dahil siya raw umano ang hininging kabayaran ng mismong tycoon. Naghahanap umano ng bride ang tycoon at siya ang natipuhan! Kapag ibinigay siya ng kanyang ama ay mawawala na ang lahat ng pagkakautang nito.
Sinong ama ang gagawa n'on sa sarili nitong anak? Wala itong pakialam sa puwedeng mangyari sa kanya o sa nararamdaman niya basta lang ay masunod ang gusto nito! Ibinenta siya nito!
Hindi niya alam kung bakit siya ang ginawang pambayad nito samantalang ang dami pa nitong mga ari-arian at higit sa lahat, may mga kapatid pa siya. Legal na mga anak nito ang mga iyon. Bakit siya, na isang bastarda, ang ipinambayad nito? Ganoon ba siya ka walang halaga rito? Lalong nagpuyos ang kalooban niya.