Masigabong palakpakan kasabay ng isang standing ovation ang isinukli ng mga audience sa grupo nina Lorraine matapos ang kanilang matagumpay na Fashion Show. Kasabay ng masigabong palakpakan ang pagbagsak ng mga confetti mula sa bubungan. Bakas sa mukha ng mga tao ang satisfaction sa kanilang isinagawang event.
Iginala niya ang paningin sa buong arena at nakangiting kumaway-kaway sa mga audience. Nasa gitna siya ng stage kasama ng iba pang mga modelo. Kumakanta uli ang RNB artist kanina. Hindi na niya maalis ang ngiti sa kanyang mukha dahil sa umaapaw na kaligayahan.
Alam niyang magiging matagumpay ang event na iyon. May tiwala siya sa grupo nina Heather at Winona at sa ibang mga taong nasa likod ng show. Natutuwa siya dahil hindi pa siya nagtatanghal sa Pilipinas, ngayon lang. At tumaba ang puso niya dahil napakalaki nang pagtanggap sa kanila ng mga Pilipino. Hindi siya nagsisising sa sariling bayan niya inialay ang huling pagrampa.
It was worth it!
Nang matapos ang show ay agad silang nagtungo sa backstage. Panay papuri sa kanila ng kanilang director at coordinator, pati na rin ang ibang mga sponsors ng show katulad ni Mrs. Adrianna Galvez Murphy.
Napalingon siya nang biglang may kumalabit sa kanya mula sa likuran. Si Raphael.
"Congratulations!!" masayang bati nito sa kanya.
Hindi niya magawang magsungit dahil sa sobrang kaligayahan sa puso. Gumanti siya ng ngiti rito at nagpasalamat.
"Thank you! You did great too!" balik niya rito.
Hinawakan nito ang kamay niya.
"You're the most gorgeous and stunning model out there. You set the stage on fire. I've always adored your talent, Lorraine," papuri nito sa kanya."Thank you," tipid na sagot niya.
Nagulat siya nang yakapin siya nito. Wala siyang nagawa kundi gumanti ng yakap. Hindi na niya binigyan ng kahulugan ang mga yakap nito. Alam niyang natutuwa lang ito sa tagumpay nila. Sa isang linggong pagsasama nila ni Raphael sa event na iyon ay hindi na ito nagtangkang pumorma pa sa kanya.
Pinanindigan nito ang pangakong hindi na siya guguluhin. Naging propesyunal ito at ginawa ang dapat nitong gawin. Kahit pa minsan ay nanunudyo ito sa kanya at sinusungitan niya, hindi naman ito nagtangkang ipilit ang gusto nito.
Alam nitong mahal niya si Cloud.
Nang maalala ang asawa niya'y bigla na lamang may isang lalaking sumulpot sa harapan nila ni Raphael. Agad silang kumalas ng yakap sa isa't isa at hinarap niya ang lalaki na mukhang siya ang sadya dahil nakatingin ito sa kanya. May bitbit itong isang pumpon ng bulaklak."Miss Lorraine Salve?" tanong ng lalaki.
"Yes?"
"Someone gave this to you," anito sabay abot ng pumpon ng mga bulaklak.
"From whom?" tanong niya at agad namang tinanggap ang mga bulaklak.
"He didn't say his name. I guess you can just read the card inside," anang lalaki saka yumuko sa harapan niya at nagpaalam.
Napatingin siya sa mga bulaklak. Mga lilies at red roses ang naroon. Naalala niya tuloy ang mga paborito niyang itanim na mga bulaklak noong nasa bundok pa sila ni Cloud.
Agad naman niyang sinipat ang card.Congratulations on your success. You look very wonderful tonight.
Iyon lang ang nakasulat. Walang pangalan ng sender. Nagkibit balikat siya. Baka galing iyon sa isa sa mga sponsors. Ilang minuto pa ay natapos nang magsalita ang kanilang coordinator. Pumasok naman agad siya sa kanyang dressing room. Puno ng mga bulaklak sa loob ng silid. Humahalimuyak ang amoy ng mga iyon sa loob.
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
General FictionLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...