Nagmumukmok na naman si Lorraine sa kanyang silid, kaharap si Johnnie Walker. Kung dati ay hindi niya ma-take ang lasa ng alak na 'yon, at 'yong ibang mga matatapang, ngayon ay keri na niya.
Ganoon pala talaga siguro ang nasasaktan, lalaklakin ang lahat mawala lang ang sakit na iniinda. Ngayon na niya napagtanto kung bakit nagpapakalasing ang mga taong brokenhearted. Ramdam niya ang sakit na pinagdadaanan ngayon ng mga sawi. Sa sobrang sakit, iinumin niya lahat upang pansamantalang maging manhid.
Ilang linggo nang hindi nagpaparamdam si Cloud. Sa totooo lang ay nagdaramdam siya rito. Ni isang tawag ay hindi man lang nito magawa sa kanya. Ni "hi" or "hello", wala! Asawa ba talaga ang turing nito sa kanya?
"Hindi raw galit pero hindi nagpaparamdam! Damn you, Cloud! Miss na miss na kitang halimaw ka! Why are you doing this to me? After kitang paligayahin, sasaktan mo lang ako ng ganito?" bulalas niyang mag-isa habang unti-unting tumutulo ang luha sa mga mata.
Namamaga na ang mga mata niya sa pag-iyak. Kung may makakakita sa kanya ay tiyak na hindi siya makikilala agad ng mga ito. She looked like a mess. Hindi na siya mukhang international model.
Muntik na siyang atakehin sa gulat nang may kumatok ng malakas sa kanyang pintuan. Hindi na sana niya papansinin iyon ngunit nagpatuloy ang malalakas na katok.
"Who the fuck is that?" inis niyang tanong sa sarili habang padabog na tumayo sa kama na kinahihigaan.
Hindi na siya nag-abalang mag-ayos at dumeretso sa pintuan saka binuksan iyon. Sina Sidney at Ian ang napagbuksan niya. Napanganga ang mga ito habang sinisipat siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Niluwangan niya ang pinto at hinayaan ang mga itong pumasok at walang imik na tinalikuran ang mga ito.
"Lorraine, ikaw ba 'yan? Hindi ba kami naligaw ng unit?" paniniyak ni Ian nang makita ang hitsura niya.
Hindi siya sumagot at inirapan ito. Pasalampak na umupo siya sa sofa at humalukipkip.
"Why are you here? I didn't remember inviting you to come here!" masungit na sabi niya sa mga ito."Ay, ang harsh mo, 'te! Beast mode lang?" pang-iinis ni Ian saka nakangising tumabi sa kanya.
Si Sidney naman ay namaywang sa harapan niya.
"Panibagong episode na naman ba ng MMK 'yang pinagdadaanan mong loka ka? Look at yourself! Your eyes are swollen and reddened! You..." kumibot ang nguso nito na tila naghahanap ng perfect adjective na akmang i-describe sa kanya, "...you look like a Pokémon!"What the---Pokémon? A cartoon?
Narinig niya ang malutong na halakhak ni Ian sa kanyang tabi.
"Taray mo, Rain! Napa-english mo si Sidney! Mukha ka raw Pokémon, o! Nyahahahaha!" kantyaw na naman ni Ian.Si Ian ang pinakamapang-asar sa kanilang lahat. At parang sinaniban din ito ng bakla kung magsalita. Mabuti na lang at sanay sila sa bibig nito kundi ay nakahanap ito ng digmaan pang daigdig sa kanilang magkakaibigan.
"Seriously, what are you two doing here?" nakasimangot nang tanong niya, "Kung naparito lang kayong dalawa upang dagdagan ang sama ng loob ko'y hindi ako magdadalawang isip na ihagis kayong dalawa sa bintana ng unit ko!" banta niya.
Lumayo agad si Ian sa kanya at nagtago sa likuran ni Sidney.
"Ay, strong agad ang lola mo! Ano vah 'yan! May sanib ni Sadam Hussein!"Samantala, si Sidney ay nakapamaywang pa rin sa kanya, walang katinagtinag.
"Huwag mo akong aartehan, Lorraine, sinasabi ko sa 'yong babae ka, ha! Magbihis ka! Mamamalengke tayo!"
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
Художественная прозаLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...