CHAPTER 36

57.6K 1.2K 13
                                    

"WHAT?!"

Magkasabay na tanong ng mga kaibigan ni Lorraine habang tigalgal na nakatingin sa kanya. Gulat na gulat ang mga ito, lalong-lalo na si Sophia. Sino ba namang hindi? Isiniwalat lang naman niya sa mga ito na asawa niya si Cloud.


"Don't joke, Lorraine. That's not funny. Don't make fun of my brother," tila galit na sabi ni Sophia nang makahuma ito.


Napadako lahat ang atensyon nila kay Sophia dahil sa tono ng boses nito. Bigla siyang na-guilty dahil hindi niya agad ipinagtapat ang katotohanan. Ito pa na naturingan niyang bestfriend at kapatid ng lalaking pinakasalan niya.

Tumayo siya sa harapan nito. Nakaupo ito sa isang couch katabi sina Guia at Resha.


"Soph, I'm sorry but that's not a joke. I married your brother. We've been married for several months now. Please forgive me for not telling this to all of you."


Nanatiling magkasalubong ang mga kilay nito. Alam niya, nagtatampo ito. Kilala niya si Sophia, mahirap paglihiman ito dahil matampuhin itong tao.


"And why did you just tell us now?"

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago umupo at nakisiksik sa sopang kinauupuan nito. Binigyan naman siya ng space ni Guia upang makaupo siya ng maayos. Nasa bahay sila nina Guia at sadya niyang tinawagan ang mga ito upang magpulong doon.

Nangingilid na ang mga luha niya dahil sa paghihirap ng kalooban.
Kailangan na niya ang tulong ng mga ito, lalo na si Sophia. Magmula nang araw na talikuran siya ni Cloud ay hindi na niya nakita at nakausap pa ito. Ilang beses na niya itong tinatawagan ngunit nakapatay ang cellphone nito.

Hindi rin niya alam ang address ng bahay o condominium nito. Kahit isa sa mga empleyado nila ay hindi alam kung taga saan si Cloud. Hindi rin kasi ito pumapasok sa trabaho. Hindi niya ito mahagilap. Kinakabahan na siya!



"Bakit ka ba naiiyak? Binubugbog ka ni Cloud?" puna ni Sidney.


Umiling siya. Si Sidney lang ang bukod tanging nakakaalam nang pagpapakasal niya kay Cloud. Wala itong naging komento o pagtutol sa nangyari na siyang ipinagtaka niya noon.

Palagi kasi itong nega sa lahat ng mga desisyon niya sa buhay. Parati itong kumokontra. Samantalang sa kasal nila ni Cloud, nag thumbs up lang ito.


"You've been married for how many months and you decided to tell us now. You kept it hidden to us for a reason that you only know. I wonder why you spilled it out now. Is there something wrong?" tanong ni Guia sa kanyang tabi.


"I...I love him. I need your help," garagal ang boses na sagot niya habang nakayukong pinipigilan ang pagpatak ng mga luha.


Walang ni isang nag-react sa sinabi niya. Mayamaya'y biglang tumayo si Sophia. Nagtatakang napatingala siya rito.

Humalukipkip ito sa harapan niya, halatang nagpipigil sa galit.

"I don't believe you, Rain. Kilala kita. We've been friends since forever kaya alam ko kung ano ka. You don't have the capability to love a man because you haven't moved on from Raphael and you have hang ups with your Dad!"


Napamaang siya sa sinabi ni Sophia. Of all people, ito ang inaasahan niyang uunawa sa kanya at tutulong upang magkabalikan sila ni Cloud.


"But it's true!" giit niya.

Umismid ito.
"Anong tulong ang gusto mo? As far as I know, mahal ka ng kapatid ko noon pa man. I doubt if he really moved on even he had past relationships with other women! Did you do something?"

Hindi siya nakakibo. Galit na talaga si Sophia. Hindi nito maitago iyon sa boses nito. Ang ibang mga kaibigan niya'y tahimik lang na nakikinig sa kanila. Kahit si Sidney, na madalas maingay ay tikom ang bibig.

"I hurt him and I want him back!" walang paligoy-ligoy na sabi niya.


"For what? To hurt him again? Let him go! Let him find someone who deserved his love! We're friends, Lorraine, but I'm sorry to tell you that I don't like you for my brother. Let him find a woman who can make him happy!"


Unti-unting nagbagsakan ang mga luha niya. Ganoon ba ang tingin ni Sophia sa kanya? Kunsabagay, hindi niya ito masisisi. Saksi ito sa pang-aalipusta niya kay Cloud dati. Vocal siya sa disgusto niya kay Cloud dati sa harapan ni Sophia. Paulit-ulit naman nitong sinasabihan ang kapatid na tantanan na siya.

But things are different now. Her world turned upside down when she fell in love with Cloud. Nakilala niya itong mabuti at nahulog na ng husto ang loob niya rito. Mahal na mahal na niya ito. Mas malalim ang pagmamahal niya rito kaysa dati kay Raphael.

"I can make him happy!" sa wakas ay nasabi niya. Mahal nila ni Cloud ang isa't isa. Bakit hindi ito liligaya sa kanya?

"No you can't! You're selfish! You just want his attention and love, not him! Feeling mo lang 'yan. Kapag nagising ka sa kalokohan mo, marerealize mong hindi mo pala mahal ang kapatid ko. Iiwan mo siya at sasaktan na naman uli!"


Uminit ang ulo niya sa sinabi nito. Marahas siyang napatayo.

"Who are you to tell me that?!" galit na bulalas niya.


Tumayo na sina Guia at Ian nang makitang nagkakainitan na sila ni Sophia. Hindi iyon ang unang beses na may nakaalitan siya sa mga kaibigan niya ngunit iyon ang unang beses na napikon siya ng tuluyan kay Sophia. At nang dahil lang kay Cloud!


"Kilala kita mula ulo hanggang paa, Lorraine. We both are selfish and spoiled. Maghanap ka ng ibang lalaki, susuportahan kita. Huwag ang kapatid ko. Hiwalayan mo siya sa lalong madaling panahon bago ko makalimutan na kaibigan kita!" asik nito.

Napatiim-bagang na nagsukatan sila nito ng tingin. Mayamaya'y hinawakan ito ni Ian.


"Girls, geez, stop this drama! Minsan lang tayo magkitakita tapos mag-aaway pa kayo," pagpapakalma ni Ian.


Kahit si Guia at Resha ay hinihila na siya upang umupo.
Nang makaupo siya'y biglang tumunog ang cellphone niya.
Agad niyang sinagot iyon nang makitang tinatawagan siya ni Attorney Francisco.


"Yes, Attorney?"

"Have you signed the contract already, Miss Lorraine?"


"What contract?"


"The one Mr. Martinez gave you."



Naalala niya ang kontratang pilit na pinapipirmahan sa kanya ni Cloud noon.

"N-no. What about it?"

"I think you need to sign it now before it's too late. He signed a petition for your annulment."

Tila may sumaksak sa puso niya dahil sa narinig.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon