Halos mapugto na ang hininga ni Lorraine habang naghahalikan sila ni Cloud. Nasa elevator sila ng isang sikat na hotel and restaurant upang kumain. Dahil sila lang ang tao sa elevator ay bigla siyang nakaisip ng kapilyahan at hinalikan ito ng marubdob sa mga labi.
Gigil na gigil siya rito. Iyon ang araw na napagpasiyahan niyang sabihin na rito ang totoong nararamdaman. Na mahal niya ito.
Ayaw na niyang magpaligoy-ligoy pa upang maka-score na siya rito. Matagal na itong nagtitiis at gustong-gusto na niyang pagbigyan ito.
Nang tumunog ang elevator ay mabilis na kumalas siya sa lalaki. Bumungisngis siya nang makita niyang bitin na bitin si Cloud. Kinindatan niya ito saka ipinulupot ang kanyang mga kamay sa braso nito. Nakangiting lumabas sila ng elevator. Ibinaba niya ang kanyang kamay sa kamay nito at pinagsiklop iyon.
Natatawang tiningnan siya ni Cloud. Hanggang sa mga oras na iyon ay iniisip nitong may kailangan siya or may nagawa siyang kabulastugan dahil sobrang sweet daw niya. Kinakabahan na raw ito sa pinaggagagawa niya. Kaya minabuti niyang sabihin na sa lalaki ang totoong nararamdaman upang huwag na itong magduda sa ikinikilos niya.
Papalapit na sila sa pintuan ng restaurant nang biglang may marahas na humila sa buhok niya. Napasigaw siya sa sakit.
"Haliparot ka! Bitch! Inagaw mo ang asawa ko! Bitch ka! Nakunan ako nang dahil sa 'yo!" pagsisisigaw ng isang babae habang hinihila ang kanyang buhok. Halos mabunot ang buhok niya sa anit sa lakas nang pagkakahila nito.
Hindi nito binibitiwan ang buhok niya at hindi pa nakontentong kinaladkad siya. Mabuti na lang at walang ibang taong dumadaan.
Si Cloud naman ay gulat na gulat na pinipigilan ang babae. Kilala niya ang boses na 'yon, kay Leah!
Itinulak niya ito ng malakas. Saka pa lang nito nabitawan ang kanyang buhok. Agad naman siyang nilapitan ni Cloud.Lalong naging mabagsik si Leah at tangka na namang susugod sa kanya ngunit hinarang ito ni Cloud.
"Bitch ka, Lorraine! Inagaw mo sa akin si Raphael! Ikaw ang dahilan kaya niya ako hiniwalayan! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nakunan!" umiiyak na sabi nito.
Agad na umalma siya. "That's not true! I didn't take your husband away from you!"
Saka lang niya napansin na nawala nga ang umbok sa tiyan nito.Nagtangka na naman itong sumugod sa kanya ngunit pinigilan ni Cloud.
"Sinungaling! Pumunta ka sa Condominium niya! Nagkita at nagsiping kayo roon! Huwag mong itanggi dahil nakita kita!"
Natigilan siya. Naalala niya ang araw na nagpunta siya sa condo ni Raphael. Napatingin siya kay Cloud. Madilim ang anyo nitong nakatitig sa kanya habang pinipigilan ang pagwawala ni Leah.
"D-dont listen to him, Cloud! She's m-making up stories!" paliwanag niya agad kay Cloud.
"Bakit ka nauutal? Dahil totoo! Hayop ka, Lorraine! Tinatawagan mo ang asawa ko! Ang dami n'yong conversations sa cellphone niya! Nakita kong nagtext siya sa 'yo na magkikita kayo sa condo niya kaya hindi ako umalis ng araw na 'yon, inabangan kita sa lobby ng condo. Ilang oras pa'y nakita kitang pumanhik sa unit niya! Nagtatalik kayo sa loob! Nakunan ako ng araw na 'yon dahil sa panibugho! Hayop ka!"
Hindi niya maalis ang tingin sa asawa niya.
Gusto niyang pabulaanan ang sinasabi ni Leah. Wala siyang kasalanan!
Kinakabahan siya sa nakikitang anyo ni Cloud. Hindi ito nagsasalita ngunit nakikita niyang nakatiim bagang ito. Gusto niyang magpaliwanag!"Bakit hindi ka makasagot, Lorraine? Dahil totoo, hindi ba? Nakakahiya ka! Naturingan kang modelo, tinitingala ka ng karamihan ngunit grabe ang kalandian mo! Hindi ka na nahiya!" patuloy ni Leah.
Hindi na siya nakapagtimpi at sinampal ang babae. Natigalgal ito. Si Cloud naman ay marahas na pinigilan siya.
"Stop it!" mariing banta nito sa nanlilisik na mga mata.
Lalo siyang kinabahan. Iyon na yata ang pinakamadilim na anyo nitong nasaksihan niya.
"C-cloud, it's not true...please, believe me!" pagmamakaawa niya rito.
Hindi ito sumagot. Mabilis namang nakawala si Leah sa mahigpit na pagkakahawak ni Cloud at sinugod uli siya. Hinila uli nito ang buhok niya.
"Malandi ka talaga!" pagsusumigaw uli ni Leah.
Galit na galit na gumanti siya ng sabunot dito. Si Cloud naman ay hinila papalayo si Leah sa kanya. Mayamaya'y may naramdaman siyang mga kamay na humawak sa kanyang braso at inilayo rin siya kay Leah.
Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Raphael. Alalang-alala ang mukha nito saka siya pinihit at niyakap. Uminit ang ulo niya't itinulak ito saka malakas na sinampal.
"Mga walang hiya! Mga taksil! Hayop ka, Raphael! Aminin mo ang totoo! Nagkita kayo sa condo mo! Nagkita kayo!" umiiyak nang sabi ni Leah.
Hindi naman umimik si Raphael at sa halip ay yumuko. Lalong namuhi siya sa lalaki. Sa ginawa nito'y mas lalong iisipin nina Leah at Cloud na totoo ang mga paratang sa kanila!
Sinampal niya uli ito."Tell them the truth, Raphael! I didn't sleep with you that day!" galit na bulyaw niya rito.
"I'm sorry, Lorraine. Leah...she caught us...our baby died..."
Lalo siyang nagalit. Anong kinalaman niya sa pagkawala ng anak ng mga ito? Walang namamagitan sa kanilang dalawa! Binalingan niya si Cloud. Gusto na niyang maiyak sa nakikitang poot at sakit sa mukha nito habang nakatingin sa kanila ni Raphael.
Mayamaya'y nagdatingan ang mga security guards at kinausap sila. Pinauwi ng mga ito sina Leah at Raphael ngunit hindi siya pumayag. Kailangan magpaliwanag ni Raphael sa asawa niya! Kailangan nitong linisin ang pangalan niya!
Ngunit walang salitang umalis ito kasama ang nagwawalang si Leah. Nang makaalis ang dalawa'y agad na nilapitan niya si Cloud.
"C-cloud, what t-they just said is a big lie...I didn't sleep with Rap---"
"Stop it, Lorraine..." mahina ngunit nakatiim bagang na sabi nito.
"But you need to listen to me!"
"I said stop it!" singhal nito sa kanya na nagpatigil sa kanya. Hindi pa siya pinagtataasan ng boses nito, noon lang.
Naalarma siya nang bigla siyang talikuran nito at mabilis na humakbang paalis. Hinabol niya ito at pinigilan sa mga braso. Ngunit marahas itong pumiksi.
"C-cloud, please..." pakiusap niya.
"Please, I'm hurting... Just stay away from me this time..."
Napaiyak siya sa naririnig na pait sa boses nito. Niyakap niya ito mula sa likuran.
"Cloud, you're the one that I lov---"
Natigilan uli siya nang tanggalin nito ang pagkakayapos niya sa katawan nito. Walang salitang iniwan siya nito at tuloy-tuloy na umalis. Napahagulhol na siya.
I love you!
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
General FictionLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...