CHAPTER 29

58K 1.1K 11
                                    

Hindi mapakali sa upuan si Lorraine habang nakaupo sa silyang iminuwestra ng secretary ng ama niya na upuan niya. Nasa Conference Room siya kasama ang mga executives ng kompanya pati ang mga kapatid niya. Pinapatawag silang lahat ni Cloud para sa isang urgent meeting.

Hindi niya alam kung bakit kailangan ang presensya niya roon. Hindi namna siya dumadalo sa kahit anong pagpupulong ng mga ito tungkol sa kompanya dati.

Kanina pa niya tinatawagan si Cloud ngunit nakapatay ang cellphone nito. Alam niyang galit o di kaya'y nagtatampo ito sa kanya. Kagabi ay hinatid lang siya nito sa condo niya at hindi na bumaba. Walang paalam na pinaharurot nito ng sasakyan sa kung saan. Hindi rin ito natulog sa condo niya.

Inaamin niyang nag-aalala siya rito lalo pa't masama ang loob nito sa kanya. Natigil siya sa pag-iisip nang marinig ang front door na bumukas at makitang pumasok si Cloud. Napalunok siya sa seryosong anyo nito.

Agad na nagsitayuan ang mg tao, kasama na ang mga kapatid niya at nagbigay galang sa lalaki. Napilitang tumayo rin siya at ginaya ang mga ito.

"Good morning, Chairman," sabay-sabay na bati ng mga tao kay Cloud.

Tumango lang si Cloud at sumenyas na umupo na ang mga ito. Nakita niyang nahagip siya nito ng tingin ngunit hindi siya pinansin at nagsalita.


"I know this meeting is a bit of a surprise because we just had our latest meeting yesterday. But this meeting is very important because I'm appointing a new President for this company," panimula nito.

Nakarinig siya ng mga bulung-bulongan sa kanyang tabi. Kahit siya ay nagulat dahil biglaan ang pagtatalaga nito ng bagong Presidente ng kompanya. Ito kasi ang current Chairman at acting President habang wala ang kanyang ama.



"And I'm deeply honored to announce that I'm appointing the new Presidency title of Salve Corporation to the one and only...Madam Lorraine Salve Martinez."



Laglag ang panga niya sa narinig. Lalong umugong ang bulungan. Ang mga kapatid iya ay tila natamaan ng kidlat sa gulat. Si Cloud naman ay seryosong tumayo at pumalakpak habang nakatingin sa kanya. Nagsityuan na rin ang iba at nagpalakpakan. Ang mga kapatid niya ay hindi maipinta ang mga mukhang nakatingin sa kanya.


"W-wait!" pigil niya sa mga ito.
Tumayo siya at hinarap si Cloud.
"Are you serious, Cloud? I'm not fit to be the next President of this company!" mariing pagtutol niya. Nananadya ba ito?


"I don't joke around in business, Madam President. I have the authority to appoint anyone in this company," seryosong sagot nito.



"B-but I don't have the s-skills and experience!" kontra na namna niya.



Nahuli pa niya ang pag-ismid ng mga kapatid niya, lalo na ang kanyang Ate Hanna. Lalo siyang nainis.



"You don't have to worry about that. All of us here will guide you for your new entitlement. You will not work alone, we're going to be a team," seryosong saad nito saka binalingan ang mga kapatid niya. "...right, Hanna, Hubert and Henry?"


Kahit nagpupuyos ang kalooban ay tumango ang mga ito ng sabay-sabay.

Lalong hindi siya napakali. Dumagundong na ang kanyang kaba. Anong pumasok sa kukute ni Cloud? Bakit siya nito sinusubo sa gulo?

God, what is happening? What's wrong with Cloud?

--------

Titig na titig si Lorraine sa repleksyon niya sa salamin. Nasa Executive Restroom siya. Kinurot niya ang pisngi. Nasaktan siya. Totoo ang nga nangyayari. Hindi siya nananaginip lang. Presidente na siya ng kompanya nila!

Fuck you, Cloud! Why are you torturing me?

Napatingin siya sa may pintuan ng biglang bumukas iyon. Pumasok ang Ate Hanna niya.
Nahuli niya ang pag-ismid nito sa kanya. Hindi niya pinansin ito at nagpatuloy sa pagre-retouch.


"Bilib din naman ako sa 'yo, Lorraine. Ilang gabi mo bang sinasayawan sa kama ang asawa mo para mabingwit mo ang titulong pang Presidente?" nang-uuyam na tanong nito.


Pinagtaasan niya ng kilay ang repleksyon nito sa salamin.

"Actually, hindi pa man nagsisimula ang sayaw, nasa akin na ang titulo. Ganoon siya kabaliw sa akin," sarkastikong sagot naman niya.

Hindi niya uurungan ang pang-aalipusta ng mahadera niyang kapatid.


Tumikwas ang gilid ng mga labi nito.
"Why am I even surprised? How many men have you seduced just to get what you want?"


Nginitian niya ito.
"Not as many as you had."

Biglang nabura ang ngiti nito.
Alam niya, natamaan niya ang napakatayog nitong pride. Kabit kasi ang Ate niya ng isang politiko habang kasal ito sa dating asawa.
Kung makapuna ito sa kanya ay parang wala itong sariling mantsa sa katawan.

Iniwan niya ito at nagtuloy-tuloy na lumabas ng Restroom. Nagngitngit ang loob niya sa kapatid. Patutunayan niya ritong hindi siya ganoon kababaw na katulad ng iniisip nito.

May utak siya. Matalino siya! Hindi man siya ganoon kagaling, atleast pinagkakatiwalaan siyang patakbuhin ang napakalaking kompanya!

Mabilis na nagmartsa siya papunta sa opisina ni Cloud at tuloy-tuloy na pumasok.

Nagtinginan lahat ng mga tao roon na halatang nagulat sa biglaan niyang pagsulpot. Nagtaka siya at nandoon pa ang mga executives ng kompanya. Akala niya'y adjourned na ang meeting kanina pa. Mukhang may pagpupulong pang nagaganap doon, minus lang ang mga kapatid niya.

"Yes, Madam President?" untag sa kanya ni Cloud.

Napangiwi siya ng lihim sa ginamit nitong pantukoy. Kinikilabutan siya sa pagtawag nito ng 'Madam
President' sa kanya. Tila hindi bagay sa karakter niya.

"I n-need to talk to you...in private," aniya.

Sandaling pinagmasdan siya nito bago nagpasiyang putulin ang meeting at magalang na pinauwi ang mga executives. Hanga talaga siya sa professionalism nito. Bagay na bagay dito ang tawaging 'Chairman'.

Nang mag-alisan lahat ng mga tao roon at naiwan silang dalawa ni Cloud ay agad siyang lumapit dito.

"What do you want?" seryosong tanong nito.

Gusto na niyang mairita sa patuloy nitong pang-iignora sa kanya at pagpipilit na maging seryoso sa kanyang harapan. Alam niyang galit ito sa kanya pero masyado na itong OA.


"Teach me all I want to know about managing this company!" matapang na sabi niya.

Tumaas ang isang kilay nito saka sumandal sa swivel chair at pinagsiklop ang mga kamay. Mataman itong nakatingin sa kanya.

"What made you change your mind? You were so hesitant earlier," tanong nito.


"Let's just say...I want to prove that I'm not just beautiful, I have brain and skills too."

Nakita niya ang munting ngiti nito ngunit nawala agad. Namamalikmata lang yata siya. Ganunpaman ay pinanindigan niya ang sinabi at handang sumailalim sa training nito.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon