CHAPTER 24

60.7K 1.3K 6
                                    

Isang matandang nakaratay sa old fashioned classy style na kama ang nabungaran ni Lorraine nang igiya siya ni Cloud sa loob ng kuwarto ng Lolo nito.

Hindi mukhang may sakit sa puso ang matanda. Matikas pa ang pangangatawan nito at nakangiti pa habang niyayakap si Cloud. Nandoon lang siya sa isang gilid at nakamasid sa mag-lolo na mahigpit na nagyayakapan. Hindi makakailang mahal na mahal ng matanda si Cloud dahil naiiyak pa ito habang nakayapos sa asawa niya.

"I missed you, Lo!" ani Cloud sa matanda.

"I missed you too, Apo!" mangiyak-ngiyak na sagot naman ng matanda.

"Lo, I have a surprise for you. I'm already married!" masayang balita ni Cloud.

Nagliwanag ang mukha ng matanda. Agad naman siyang nilapitan ni Cloud at hinila papalapit sa abuelo nito.

"Magmano ka kay Lolo," bulong sa kanya ni Cloud.



What? How to do that?
Alumpihit na kinuha niya ang kamay ng matanda at idinampi sa noo niya.

"M-magandang umago po, L-lo," nahihiyang bati niya.

Kinabahan siya ng tinitigan siya nito ng mabuti.
"Are you the infamous Lorraine Salve?"



Nabigla siya sa tanong ng matanda dahil kilala siya nito.
Inakbayan naman siya ni Cloud na nginitian ang Lolo nito.

"Yes, she is, Lo. The one I promised you."



Kunot noong napatingin siya kay Cloud. Anong ibig nitong sabihin?



"I'm glad you finally made her your wife, Apo. I can now rest in peace with the hands of our Lord knowing my grandson married the woman of his dream. I wished Sophia and Condrado get back together though...I would really be happy to leave this world."




Natigilan siya sa sinabi ng matanda. Kung ganoon ay nangako si Cloud dito na iuuwi siya roon bilang asawa? Iyon ba ang dahilan kung bakit nagmamadali itong makasal sila?

Tinanggal ng lalaki ang pagkakaakbay sa kanya at nilapitan ang Lolo nito.




"Don't say that, Lo. You're not going to die. You will still play with your grandchildren with me and Sophia."



Namula siya sa sinabi ni Cloud. Gusto niyang kurutin ito sa pinagsasasabi nito.



Pinagmasdan niyang mabuti si Cloud habang kausap ang matanda. Larawan ito ng isang apo na malaki ang respeto at pagmamahal sa Lolo nito. Ganoon din kaya ito sa magiging anak nila?

Namula na naman siya sa naiiisip.

What are tou thinking, Lorraine? You're not going to bear his child! You will bear Raphael's children and no one else!

-----------

Hindi mapakali si Lorraine habang nasa mahabang mesa at kumakain kasama sina Cloud at ang Mama nito. Kasunod nilang dumating sa mansyon ang Mama ni Cloud na si Madam Francesca Martinez na nanggagaling pa sa Australia. Doon kasi nakatira ang ginang kasama ang asawa nito.

Ang Papa naman nila Cloud ay hindi nakarating dahil naipit sa mga meetings. Nagsagawa raw kasi ng expansion ang kompanya ng mga ito sa Australia kaya hindi maiwan ang trabaho. Ang Lolo ni Cloud ang ama ni Mrs. Francesca.

Nako-conscious siya habang kasalo ito sa pagkain lalo pa't wala itong kangiti-ngiti sa kanya. Matagal na niyang kilala ito, mga bata pa lamang sila ni Sophia.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon