Chapter 69

69.4K 1.4K 81
                                    

"Salamat, Cloud! Ang bait mo talaga. Sa uulitin!" nakangising paalam ni Sidney nang ihimpil ni Cloud ang sasakyan nito sa harapan ng condominium building ni Sidney.

Wala siyang nagawa kanina kundi pumayag sa kalokohan ni Sidney na magpahatid kay Cloud. Ang problema, maiiwan siyang mag-isa dahil lalabas na ng kotse si Sidney! Hindi niya kayang mag-isang kasama si Cloud! Mamamatay siya sa ilang!

Hindi tuloy niya mapigilang isipin na sinadya ni Cloud na unang ihatid si Sidney upang maiwan siyang mag-isa kasama nito. Ngunit agad din niyang kinastigo ang iniisip. Malamang na mauuna talagang maihatid si Sidney dahil mas malapit ang condo nito kaysa sa condo niya. Hindi sa kung ano pa man.

Nang magtangkang lumabas ng sasakyan si Sidney ay nahila niya nang wala sa oras ang damit na suot nito.

"Anong problema mo?" kunot noong tanong ng kaibigan niya.

"Sama ako. I m-mean, d'yan na muna ako sa condo mo," kunway sabi niya para maiwasang mapag-isa sila ni Cloud.

Tinanggal ni Sidney ang kamay niya sa damit nito. "Hindi puwede. Wala kang paglalagyan sa itaas. Nandoon si Andrew sa itaas at inuukopa ang nag-iisang kwarto ko. Sa sala nga ako natutulog."

"It's okay—"

Pinandilatan siya ni Sidney.
"Tigilan mo nga ako, Lorraine! Umuwi ka na!" masungit na sabi nito saka mabilis ding umibis ng sasakyan at malakas na isinara ang pinto.

Naiwan siyang natetense. Thirty minutes pa ang layo ng condo niya. Thirty minutes din silang magsosolo ni Cloud sa kotse nito?

Diyos ko, hindi ko kaya. The awkwardness is killing me.

Napakagat labi siya nang paandarin muli ni Could ang sasakyan. Wala silang imikan sa loob. Ni hindi ito nangungumusta o sumisilip sa kanya sa reviewer mirror. Kahit sana tanungin man lng nito kung humihinga pa ba siya dahil kanina pa naninikip ang dibdib niya habang pinagmamasdan ito. Kanina pa kumakabog nang malakas ang dibdib niya. Mas malakas pa yata ang tibok ng puso niya kaysa sa ulan sa labas. Mas amoy panis pa ang laway niya kaysa sa expired na de lata.

Hindi ganoon ang inaasahan niyang magiging trato nila sa isa't isa kapag nagkita sila. Akala niya ay magiging okay sila, hindi pala. Gusto niyang itanong kung kumusta na ito sa isang taong hindi sila nagkasama? Kung paano nito nagawang mag-move on dahil siya, hirap na hirap siyang mapagtagumpayang gawin iyon. Marahil ay nakahanap na ito ng ibang makakapagpasaya rito kaya mabilis lang itong naka-recover.

Ang dami niyang tanong kaso duwag ang dila niya. Ayaw niyang magbukas ng usapan dahil baka madala siya nang sariling emosyon at umiyak. Mas nanaisin niyang pagmasdan lang ito nang tahimik sa malayo kaysa ungkatin nila ang nakaraang pilit niyang kinakalimutan. Pero alam niya, hahantong din sa katapusan ang lahat. Nahuhulaan niyang itutuloy na nito ang naudlot na annulment. Mabuti na rin iyon upang finally ay magkaroon na sila ng official closure.

Nagtaka siya nang biglang huminto ang sasakyan. Narinig niyang sinusubukan nitong paandarin uli iyon pero hindi na umandar pa. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan at lumabas para buksan ang hood ng kotse. Bigla naman siyang nag-aalala at malakas pa naman ang buhos ng ulan sa labas, tiyak na mababasa ito.

Duh, nabuhay nga siya nang mabalian siya ng buto, ulan pa kaya?

Bumuntong hininga siya at tahimik na naghintay.
Ilang minuto pa ay pumasok uli ito ng sasakyan, tagaktak ng tubig ulan ang mukha at katawan, saka pinaandar uli ang kotse. Awa ng Diyos ay umandar iyon.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon