CHAPTER 50

65.4K 1.1K 37
                                    

Napatda si Lorraine sa nagbabadyang galit sa mukha ni Cloud. Noon lang niya napagtantong hindi niya naitago ng mabuti ang kanyang pills.

Pero mas mabuti na ring nahuli siya nito para hindi siya tago ng tago. Para na rin malaman nito na wala pa siyang planong magkaanak.
Lumunok siya at tinanggal ang nakabara sa lalamunan. Sinubukan niyang magpakahinahon kahit kinakabahan siya sa madilim na anyo nito.


"J-just recently. I consulted an OB," sagot niya sa tanong nito.


Humigpit ang pagkakahawak niya sa tuwalyang nakatakip sa kanyang katawan nang panlisikan siya nito ng mga mata.


"You've consulted an OB? For what?" nakatiim bagang na tanong nito.

Napalunok na naman siya.
"I wanted to use a contraceptive."


"Why? Don't you want a baby?"

"No. N-not yet!" pag-amin na niya.


Natigalgal ito sa sinabi niya at maang na nakatingin lang sa kanya. Mayamaya'y napasandal ito sa nakasarang pinto at iiling-iling.

"You didn't read the contract, do you?"



Umiling siya saka lumapit dito.
"To hell with that contract, Cloud! Don't let it control us anymore! We love each other that's why we stick to this marriage!"



Malungkot na nakatingin lang ito sa kanya, tila nadismaya.
"Lorraine, marriage is not just about love. It's about starting our own family."


Nainis siya sa isinagot nito.
"Did you marry me just to give you a child, Cloud?"


"We both know I married you because I love you and I want you to be the mother of my children!"


"I will be the mother of your children!"


"But why are you using a contraceptive?"
Tumaas na ang boses nito.


"Because I want us to spend time with each other alone. Just the two of us for the meantime, okay?" pagpapaintindi niya rito.


Nanatiling nakatitig ito ng mariin sa kanya. Lumapit pa siya lalo rito at niyapos ito sa baywang. Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Hinawakan niya ang baba nito at pinaharap ito sa kanya.


"Hey, huwag ka ng magalit," paglalambing niya kahit malakas na ang kabog ng dibdib niya.


Tinitigan na naman siya nito ng mariin sa mata. Natatakot siya sa tuwing ginagawa nito iyon. Tila kasi binabasa nito ang tumatakbo sa utak niya.



"I don't want to force you to do what you don't like but be honest with me. Why don't you want to have a baby yet? Is it about your fear of losing your figure? Is it about your fear of having a responsibility? Or both?" diretsang tanong nito.


Damn, this man really knows me.


Useless nang magtago ng sekreto dito dahil kilalang-kilala siya nito.
"Yes! I hated the idea of becoming a mother. I think I don't have the capability to be one. You know I wasn't raised well. I have emotional burdens inside. I have enormous insecurities. I have this fetish to be perfect. I want to be beautiful in your eyes, Cloud."


"I told you I don't care about how you look. I will still love you even if you become fat, old, saggy and ugly!"


"I don't believe you! I can see how you become proud of Emily!" hindi niya napigilang maibulalas.

Napanganga ito sa sinabi niya.
"Emily is out of the picture, for god's sake!"


"Yes, she is! I have my biggest insecurity with her! She's beautiful, talented and successful. Your Mom and Sophia likes her."


Nagsalubong ang mga kilay nito at naguguluhang nakatingin sa kanya.
"Don't you trust me? I told you a million times that I love you! I will not love somebody else."


Hindi siya nakaimik. Nanatili siyang nakayakap dito. Masisisi ba siya nito kung ganoon siya ka insecure sa Emily na 'yon? Hindi pa siya nagmahal ng katulad ng kanyang pagmamahal kay Cloud sa buong buhay niya. Hindi pa siya natakot ng ganoon katindi na mawala ang isang tao.

Ilang sandali silang nagpakiramdaman lang at hindi nagsalita. Nararamdaman niyang galit ito sa lakas ng pintig ng puso nito't bilis ng paghinga.
Mayamaya'y hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at inilayo sa katawan nito.

Walang salitang lumabas ito ng banyo at iniwan siyang nag-iisa. Nanghihinang napasandal siya sa sink at hinagod ang buhok niya. Ngayon nama'y nagtatampo na ito sa kanya. Ano bang nagawa niyang mali?

-------------

"Hey, Lorraine!"


"H-hethear?" tanong niya sa kabilang linya. Totoo ba ang naririnig niya? Tinatawagan siya ng manager niya sa isang local number? Kung ganoon ay nasa Pilipinas ito?


"Who else, pumpkin? I'm in Philippines!"

Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi nito. Ilang buwan na niya itong hindi nakikita. Mag-iisang taon na yata magmula nang umuwi siya ng Pilipinas at maikasal kay Cloud. Ang bilis ng panahon.

"What's up?" masiglang tanong niya.


"Winona, called me. They're gonna do a series of fashion events in your country so I came here. And guess what? You're going to be one of the models!" excited na balita nito.

Nabura ang ngiti niya. Matagal na niyang sinabihan itong hindi na siya magre-renew ng kontrata sa Flash and Ramp dahil nagpakasal na siya kay Cloud. Isang buwan na lang ay mag-e-expire na ang kontrata niya sa agency. Noong una ay ayaw nitong pumayag dahil nasa kasagsagan siya ng kasikatan niya at siya umano ang pinakasikat at highest paid na modelo nito. Wala rin daw problema kung mag-asawa siya.

Pero nakapag desisyon na siya. Mas gusto na niya ang pagpapalakad ng kanilang negosyo. Gusto rin niyang lagi siyang nasa tabi ni Cloud.


"But I told you I wont ramp anymore. I'm married, right?" pagkaklaro niya rito.


Nakikinita na niyang umikot ang mga mata nito sa kabilang linya.
"Yeah, right! Tell your husband this will be your last show and I'm gonna leave you alone!"

Bigla naman siyang nahiya kay Hethear. Malaki ang utang na loob niya sa manager sa pagbulusok ng kanyang career pataas. Ito ang sumoporta't nag-train sa kanya ng mabuti upang gumaling sa pagrampa.

Pero hindi niya alam kung paano iyon sasabihin kay Cloud. Napag-usapan na nilang titigil siya sa pagrampa at aatupagin ang negosyo ng ama niya. Medyo nagtampo pa naman ito ng malaki sa kanya dahil pa rin doon sa nakita nitong pills. Hindi na nga siya masyadong nilalambing nito kamakailan.

"W-would it take long?" tanong niya.

"Just a few photoshoot and a fashion show, Sweetie. It wouldn't take much of your time. Can I get a 'yes'?"

Bumuntong hininga siya.
"O-okay. Count me in."

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon