CHAPTER 12

63.7K 1.5K 66
                                    

Kanina pa hindi mapakali sa kakakamot, palo at himas ng balat si Lorraine. Maraming lamok doon at tila pinupuntirya ang mala porcelana niyang balat. Namumula na ang balat niya sa mga kagat.

I cant believe I'm being bitten by mosquitoes. Ni hindi ako pinapadapuan ng langaw ng Mama ko!

Gumagabi na ngunit nagtitiis siya kasama ang mga lamok at mga nakakarinding mga insekto sa gubat at ang tanging tanglaw lang niya'y isang gasera. Wala umanong ilaw ang kubo at tanging gasera lang at malaking lampara sa loob ng bahay ang gagamitin nila. Mabuti na lang at napakaliwanag ng buwan kaya naaninag niya ang labas ng kubo.

Frustrated na frustrated siya. Grabe ang pahirap sa kanya ni Cloud, hindi niya napaghandaan. Feeling niya'y matagal na nitong pinagplanuhan iyon. Napakatuso nito!

Nang matanaw si Cloud na paparating ay agad siyang tumayo at sinalubong ito. May karga itong dalawang malalaking balde ng tubig. Inutusan niya ito kanina na igiban siya ng tubig dahil gusto na niyang maligo. Malagkit na ang pakiramdam niya dahil sa pawis. Hindi siya sanay na walang air-condition ang bahay. Mabuti na lang at ang nasa loob pala ng duffel bag na nasa kuwarto ay mga damit niya.

Agad naman itong tumalima sa utos niya at nagpaalam na mag-iigib lang daw sandali. Ang sandali nito ay umabot ng isang oras. Takot na takot siya lalo pa't hindi niya alam kung ligtas ba ang gubat sa mababangis na hayop.

"Where have you been? I've been waiting for you since forever!" mataray na salubong niya kay Cloud.

Napakagat labi siya nang makita ang naglalakihang muscles nitong naggagalawan habang nagbubuhat nang malalaking balde. Nakahubad baro na naman ito at nakasampay ang t-shirt sa balikat.

Nagtuloy-tuloy ito sa likod ng kubo. Nakasunod lang siya rito.
Ibinaba muna nito ang mga balde sa loob ng maliit na cubicle na yari sa ratan at nipa bago hinihingal na sumagot.

"I've been to the river," tila pagod na pagod na sagot nito.

Nagtaka siya. "River? You took that water from the river?"

Tumango ito saka umupo sa silyang bakante. Nagpunas ito ng pawis.

Sinundan niya ito at pinamaywangan. "You want me to take a bath using a water from the river? Is that even safe? I bet there are salmonella and pseudomonas breeding in there!"

Kunot-noong tumingin ito sa kanya. Hinihingal pa rin ito. Napalunok siya nang makita ang kumikintab na mga muscles nito dahil sa pawis. Parang kay sarap paglandasin ang mga kamay niya sa katawan nito.

Bigla siyang pinamulahan ng mukha sa naisip.

What are you thinking, Lorraine? Erase your embarrassing thoughts!

Nagsalita ito.
"Seriously, My dear, if you don't want to use the water, I'll use it. I didn't walk kilometres just to be scared by salmonella and pseudomonas. That's the only available source of water we have. "

Nagngitngit ang kalooban niya sa sinabi nito. Pinapahirapan talaga siya! Kapag nagpatuloy naman ang kaartehan niya'y walang mangyayari sa kanya. Patuloy siyang manlalagkit at mangangamoy.

"Fine! I'm gonna use it!" napipilitang sabi niya. Nagpalinga-linga naman siya para hanapin ang banyo.
"Where's the bathroom?"

Itinuro nito ang maliit na cubicle kanina.
Napamaang siya. Nang silipin niya ang loob ay may nakita nga siyang isang toilet bowl doon. Mukha naman iyong malinis ngunit nadidiri pa rin siyang maligo o magbawas doon. Idagdag pang madilim sa loob.

"I'm gonna take a bath in this creepy room alone?" nahihindik na tanong niya.

Napangiti ito na siyang ikinatigil niya.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon