Chapter 68

65.4K 1.3K 40
                                    

"Hi," ulit niya, nakangiti.

You dare smile in front of my bleeding heart? I though I have succeeded to close the wound you have created in my heart but here you are again, wrecking it all over! Why, Cloud? After a year of endless misery and pain you have caused me, you can still manage to put a smile on your face while I...I can barely breathe looking at you right now?

Napalunok siya at nag-iwas ng tingin dito. Hindi niya kayang manatiling nakatitig dito. Parang sasabog ang dibdib niya. Namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata. Mabilis niyang ibinaba si Railey at inihakbang ang kanyang mga paa. Wala siyang particular na pupuntahan ngunit gusto niyang makalayo. Gusto niyang umiwas kay Cloud...
Hindi pa kakayanin ng katinuan niyang makita ito.

Nagpasiya siyang magtungo sa patio. Tahimik doon at walang tao. Nanginginig na humawak siya sa haligi. Ang lakas pa rin ng impact nito sa kanya. Anong nangyari sa isang taon na sinanay siyang wala na ito sa buhay niya? Na pinili nitong palayain siya kapalit ng kaligayahan nilang dalawa? Akala ba niya ay manhid na siya sa sakit? Akala ba niya ay okay na siya? Na hindi na niya ito kailangan upang lumigaya?

Ang ikinasasama pa ng loob niya ay lalo itong gumuwapo, kumisig at nagmukhang bata. Tila ba nakabuti pa rito ang paghihiwalay nila dahil nawalan ito ng stress. Samantalang siya, oo at maganda pa rin siya, pero hindi maipagkakailang nawalan siya ng sigla at kinang. Kumbaga hindi na siya blooming. Napaka-unfair ng buhay!

"Teka, bakit ba ako nandito at nag-e-emote? I should be there! Dapat ipakita ko sa kanya na okay lang ako. I managed to survive without him like what he did without me. Gone are those days that I needed him to be be happy. I am a different person now. I've overcome all the struggles. Facing him is just a piece of cake!" pagpapalakas niya ng loob sa sarili.

Pinunasan niya ang kanyang mga luha at humugot nang malalim na hininga. She gathered her strength.
"Hindi ka magbe-break down. Kaya mo 'yan!" pagapapalakas niya ng loob sa sarili at nagmartsa pabalik sa loob ng bahay.

Hindi na niya muling namataan si Cloud. Ang mga kaibigan niya ay busy sa kani-kanilang mga anak. Si Sidney ay ininguso sa kanya si Jackson na mag-isang nakaupo sa mesa. Nakonsensya na naman siya sa lalaki at nilapitan ito.

"H-hey." Idinantay niya ang kamay sa balikat nito. Agad itong napalingon.

"Hey! Where have you been?" nakangiting sabi nito.

Umiiwas sa ex ko.

"I just took some fresh air outside," kaila niya.

"Am I making you uncomfortable?"

Mabilis siyang umiling saka umupo sa tabi nito.
"No, not at all."

Napadako ang tingin niya sa mga batang nagkakagulo sa gitna. Lumakas na naman ang pintig ng puso niya nang makita doon si Cloud at mukhang si Santa Clause na namumudmod ng mga laruan sa mga bata. Kaya pala ito pinagkakaguluhan. Aliw na aliw ito habang isa-isang inaabot ang mga laruan sa mga bata. Ayaw man niya ay napako na naman ang mga mata niya rito.

Napatingin siya sa binti nito, mukhang magaling na iyon dahil nakakakilos na ito nang maayos. Nilulukob na naman nang kung anong emosyon ang dibdib niya. Bakit gusto niya itong sugurin at yakapin? Nababaliw na yata siya. Walang indikasyong gusto nitong makipagbalikan dahil hindi naman siya nito kinausap.

Dumako ang tingin niya sa mga mata nito. Kumikislap iyon at punong-puno ng kasiyahan. Parang wala itong pinagdaanan s disposisyon nito ngayon. He seems like a different person. Naka-moved on na kaya ito? Malamang. Kasal pa rin sila pero sa papel na lamang. At tiyak niya, kaya ito bumalik ay upang ungkatin ang mapait nilang nakaraan para matuldukan na iyon.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon