"Where are we going?" mataray na tanong ni Lorraine kay Cloud.
Nasa rooftop sila ng building ng kompanya ng kanyang ama habang nag-aabang daw ng helicopter. Dinala siya nito roon kahit ayaw niya. Nang magising ito kanina ay bigla na lamang itong nagyayang lumabas. Sinabihan na niya itong ayaw niyang sumama ngunit nagpumilit ito. Maganda raw ang pupuntahan nilang lugar.
Kaya ayon siya, nagtatago sa lilim at pinagmamasdan itong nakatayo sa gitna ng mainit na helipad habang nakatingala sa himpapawid. Helicopter daw ang magdadala sa kanila sa sinasabi nitong lugar.
Naninibago siya sa suot nitong damit. Naka t-shirt lang ito ng asul at khaky pants. Itim na salamin ang suot nito sa mata. Samantalang rubber shoes naman ang suot nito sa paa. Malayong-malayo sa usual get up nito sa opisina. May dating ang tindig nito, pansin niya. Papasa itong modelo dahil matangkad.
"What are you doing there? Come on, they're coming!" tawag nito sa kanya.
"I'm not gonna stand in that scorching heat!" maarteng sagot niya.
Totoo naman. Napakainit tapos patatayuin siya nito sa gitna? Nakakapangit ng balat ang sinag ng araw lalo pa't tanghaling tapat!
Iiling-iling ito at tumingala ulit. Mayamaya ay naririnig na niya ang maingay na tunog ng elise. Tumakbo ito sa direksyon niya at hinintay na makababa ang helicopter.
Napatingin siya sa nakasulat sa gilid ng helicopter.Martinez Group of Companies.
Ang kompanya pala nito ang nagmamay-ari ng helicopter na 'yon. Narinig niya dati kay Sophia na bumili rin ng sariling Private Plane si Cloud.
"Come on!" yaya nito sa kanya nang makalapag nang tuluyan ang helicopter.
Hinawakan pa siya nito sa kamay at hinila. Pumiksi siya ngunit hindi siya nito binibitiwan. Para itong bata na excited na sumakay ng helicopter. Inalalayan siya nitong umakyat ng helicopter pagkatapos ay sumunod ito. May dalawang katao ang nakikita niyang nasa harapan ng helicopter.
"How's it going, Captain?" tanong nito sa piloto.
"Everything's fine, Boss!" sagot ng piloto.
"Siya na ba si Madam, Boss? Ang ganda niya po," komento ng isang binatang lalaki na katabi ng piloto.
Nakangiting binalingan siya ni Cloud.
"Yeah, she is. She's the most wonderful woman in the world!" pagmamalaki pa nito.Inismiran lang niya ang mga ito at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana. Ilang sandali pa'y umandar na ang helicopter. Agad naman siyang hinila ng antok.
---------
Huni ng mga ibon ang nagpagising kay Lorraine. Iginala niya ang paningin sa buong paligid. Bubungan na gawa sa nipa ang agad na nakita niya. Ang kinahihigaan naman niya'y isang matigas na kawayang papag.
Am I in a hut?
Sa tabi ng papag ay nakita niya ang malalaking knapsack bag at duffel bag. Kinutuban siya. Bakit may malalaking bags doon? Napabalikwas siya ng bangon.
What am I doing here?
Naalala niyang nasa helicopter sila kanina ni Cloud bago siya nakatulog.
Agad na hinanap ng mga mata niya ang magaling niyang asawa. Nang hindi ito makita ay mabilis siyang lumabas ng pintuan ng silid. Sa labas ng pintuan ay may isang kawayang hagdan, bumaba siya agad doon.Bumungad sa kanya ang isang maliit na sala.
Puro kawayang furnitures ang naroon. Pati ang kusina ay yari lahat sa sari't saring kahoy at kawayan."Cloud?" tawag niya rito nang hindi ito makita.
"Over here!" sagot nito sa kung saan.
Lumabas siya ng pintuan nang marinig ang boses nito sa labas ng kubo. Nadaanan niya pa ang isang maliit na lanai bago tuluyang nakalabas ng bahay.
Agad na nakita niya ang lalaki. Nakahubad baro ito at pawis na pawis habang nagsisibak ng kahoy.Iginala niya uli ang mga mata sa paligid. Tila nasa isang gubat sila dahil napapaligiran sila ng mga damo at naglalakihang kahoy. Wala siyang ibang makitang bahay doon maliban sa bahay kubong kinaroroonan nila.
Muntik na siyang mapasigaw nang biglang may dumaang naghahabulang mga manok sa paanan niya."What are you doing? Where are we?"
sunod-sunod na tanong niya kay Cloud. Anong ginagawa nila sa gubat?Nahigit niya ang hininga nang humarap ito sa kanya habang tumutulo ang pawis sa buong katawan. Bumaba tuloy ang mga mata niya sa malapad na dibdib at mga abs nito.
Damn those six packs.
Agad na bumalik ang mga mata niya sa mukha ng lalaki nang magsalita ito.
"We're in the wilderness," anito habang pinupunasan ng towel ang pawisan nitong noo.
"What the hell are we doing in the wilderness?"
Ngumiti ito nang nakakaloko.
"Honeymoon."Uminit ang ulo niya sa isinagot nito. Mukhang pinagtitripan siya!
"This is your idea of honeymoon? How cheap!" patuyang balik niya. Bakit di na lang siya dinala nito sa Maldives or sa Bali kung nature ang trip nito?
"I'm a simple person, My dear. Living a simple life like this is already a happiness," anitong nagpatuloy sa pagsisibak ng kahoy.
"Well, not me! I'd rather go home than stay in this creepy forest with you! Bring me home now!" mariing utos niya.
"We'll, I like here. You can go home if you want," pag-iignora nito sa kanya.
Lalong uminit ang ulo niya.
Kinapa niya ang cellphone sa bulsa ngunit hindi niya iyon mahagilap."Where's my cellphone?" tanong niya.
"I forgot to bring it with us. Actually, I did not bring any gadget."
Naalarma na siya. "I can't live without a gadget!"
"You can. There's oxygen," pilosopong sagot nito.
Arghhh!!!!
Mukhang may pinaplano itong hindi niya magugustuhan. Ikukulong ba siya nito sa gubat na 'yon? Kung bakit kasi sumama pa siya rito! Kailangan niyang makaalis doon bago nito maisakatuparan ang mga plano.
Nang makita ang isang maliit na gate sa dulo ay mabilis na naisipan niyang lumabas upang pumara ng masasakyan. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay muntik na siyang matumba nang matisud ang high heeled stiletto niya sa mabatong lupa.
Sinubukan niya uling humakbang ngunit ganoon pa rin ang nangyari. Napatili na siya sa inis."What the hell is this place, Cloud?! Bring me home now!" nanggigigil na sigaw niya rito.
Hindi siya nililingon nito at panay lang ang pagsisibak ng mga kahoy.
"I told you, go home if you want. There is no land transportation here. The only way you can go is to call the helicopter or wait for the carabao to come here. But that carabao visits only once a week."Nanlaki ang mga mata niya.
Carabao? I'd rather die than ride a carabao!"Call your pilot to take me out of here now!" utos na naman niya.
"I gave Captain Salvador a trip for two in Hawaii. He'll come back after three weeks. The other guy is a trainee. He's a novice in operating a helicopter. You want me to call him?"
Nanggigigil na hinubad niya ang stiletto at ibinato rito. Malamang hindi niya gugustuhing sumakay sa pilotong baguhan! Baka iyon pa ang ikamatay niya!
Tiningnan lang siya ni Cloud bago masiglang hinakot ang mga sinibak na kahoy at isinampa sa balikat nito. Mukhang sanay na sanay ito sa gawaing 'yon ngunit napaghahalata pa rin sa mga kilos nito na mayaman ito. Nang-iinis pang dumaan ito sa harapan niya at pumasok sa loob ng kubo.
Alam niya, iniinis siya nito. Gusto nitong parusahan siya sa pamamagitan ng pagtira sa isang lugar na pinakaayaw niya. Ang sabi nito'y gusto nito ng truce? Mas lalo niya itong aawayin kung mananatili sila doon!
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
General FictionLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...