"Honey, are you okay?"
Mula sa nilalarong carbonara sa tinidor ay nag-angat ng tingin si Lorraine sa kanyang ina.
Nag-aalalang nakatingin ito sa kanya katabi ang kanyang Uncle Pierre. Katabi naman niya ang kaibigang lalaki ng Stepfather niya na si Jean Louis Laurent, isang art collector.Napilitan siyang tumango at nag-iwas ng tingin.
Nasa Pilipinas ang kanyang ina at Stepfather upang samahan si Jean Louis. May dadaluhan daw kasi itong Art Exhibit ng isang tanyag na pintor sa Pilipinas. Isang French Businessman din si Jean Louis, halos kaedran niya. Guwapo ito, matangkad, blonde at makisig.Pero ewan ba niya at wala siyang ganang makisalumuha sa kung sino-sino lately. Kahit sa mga kaibigan niya ay tumatanggi siyang lumabas. Mas gusto pa niyang magmukmok sa condo at maghapong nakatunganga.
Simula noong magkaharap sila nina Cloud at Emily sa restaurant may dalawang buwan na ang nakakaraan ay nawalan na siya ng ganang magsaya. Sa sobrang galit niya noon sa dalawa ay pinirmahan niya agad ang kontrata at pinalayas si Cloud sa kanilang kompanya.
Oo, pinalayas niya si Cloud. May karapatan na siya dahil naisalin na sa pangalan niya ang kompanya ng kanyang ama. Ayaw niyang makita ito, ni boses nito ay ayaw niyang marinig. Galit na galit siya rito. Ganoon pala talaga siguro kapag sinasktan ka ng taong mahal mo.
Tumatapang ka.Ang pinagngingitngit pa niyang lalo ay ang hindi pagbigay ng komento ni Cloud sa ginawa niya. Gusto niyang magalit ito o di kaya'y magmakaawa na huwag niyang paalisin ito sa kompanya. Ngunit walang ni isang salitang binitiwan ito at hindi na nagpakita sa kanya. Para bang walang pakialam sa kanilang kompanya.
At sa kanya...Sa huli, napagtanto niyang para na rin niyang niloloko ang sarili. Bakit magmamakaawa si Cloud samantalang ang pamilya niya ang humihingi ng pabor dito? May sariling kompanya si Cloud at kahit mawala ang kompanya nila sa mga kamay nito'y hindi mababawasan ang kayamanan nito. Siya lang talaga itong sobrang assuming.
Dahil doon ay nadagdagan ang galit niya. Parang binalewala lahat nito lahat ng pinagsamahan nila. Mas pinili nito si Emily.
"Mu chére, would you like to come with us in Emilia Del Sol's art exhibit?"
Napilitan siyang magbaling ng tingin kay Jean Louis hindi dahil tinatanong siya nito kundi dahil sa endearment na tinawag nito sa kanya.
Mu chére...my dear. Ang laging tinatawag sa akin ni Cloud.
Napamura siya ng lihim dahil namasa na naman ang mga mata niya. Pati ang lugar kung saan naroon sila, doon siya madalas dinadala ni Cloud. Lahat na lang ay may kaugnayan kay Cloud. Paano niya pa makakalimutan ito kung laging may mga bagay na magpapaalala sa kanya tungkol sa asawa? Lalo lamang nadadagdagan ang paghihirap ng puso niya.
"Lorraine?" untag sa kanya ng ina nang hindi siya sumagot.
Napilitan siyang pumayag. "Yeah, sure. Count me in," matamlay niyang sagot.
"Alright! We're going to have a double date!" nakangiting sabi ni Jean Louis.
Nagkibit balikat siya sa sinabi nito. Sasama lang siya upang makasama ang kanyang ina. Nagi-guilty siya at hindi niya ito masyadong naestima dahil sa sarili niyang problema.
--------
"You look stunning, Mu chére."
humahangang saad ni Jean Louis habang dahan-dahang siyang lumalapit dito.
Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi niya masisisi kung humanga ito sa kanya. Napaka-glamoroso niyang tingnan sa suot na Chanel burgundy purple sleeveless long gown. Malalim ang uka niyon sa harapan kaya kitang-kita ang kanyang cleavage. Idagdag pang hindi siya nagsuot ng bra dahil padded na ang naturang gown.
Ang kanyang buhok ay pinusod niya pataas upang makita ang kanyang mahaba at mala-porcelanang leeg. Lihim siyang umaasa na makita siya ni Cloud sa ganoong ayos upang mapagtanto nitong napakalaki nitong gago upang pakawalan ang isang diyamanteng katulad niya.
"Shall we go, Mu chére?" nakangiting sabi sa kanya ni Jean Louis at iniumang sa kanya ang braso.
Pilit siyang ngumiti at umangkla sa braso nito. Nagpatianud siya nang dalhin siya nito sa sasakyan. Wala siya sa sarili habang bumabyahe. Panay ang kuwento nito ngunit nakatulala lang siyang nakatunghay sa labas ng bintana. Wala siyang ganang makipagbolahan kay Jean Louis.
Nang makarating sila sa pinagdausan ng exhibit ay muli siyang umangkla sa braso nito. Maraming tao ang nasa exhibit, hula niya'y iba sa mga ito'y mga prominenteng tao rin. Ang sabi kasi sa kanya ni Jean Louis ay hindi umano biro ang halaga ng mga paintings ni Emilia del Sol.
May nakita rin siyang mga taga-media. Nang makita sila ng mga ito'y agad silang kinuhanan ng larawan.
Namataan na rin niya ang kanyang ina at ang kanyang Uncle Pierre. May kausap ang mga itong isang matandang lalaki.Iginala niya ang paningin sa exhibit. Hindi nga naman matatawaran ang galing ng lumikha ng mga paintings. Wala siyang alam at hilig sa mga paintings ngunit hindi niya mapigilang humanga sa mga nakikita. May ibinulong sa kanya si Jean Louis na nagpahagikhik sa kanya.
Nagbiro ito sa wikang pranses. Medyo pilyo ang biro nito kaya hindi niya napigilang tampalin ang balikat nito. Mabilis namang hinuli nito ang kamay niya saka iyon ginawaran ng halik. Mabilis niyang binawi ang kamay at pinalampas ang ginawa nito. Sanay siya sa mga ganoong gestures ng mga lalaki. Lalo na sa mga foreigners.
Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya nang makita ang isang pamilyar na pigura ng isang babae sa may di kalayuan. Mukhang tumitingin din ito sa mga paintings ngunit noo'y nakamasid na sa kanya. Biglang tumibok ng malakas ang puso niya.
Patuyang nakamasid ang babae sa kanila ni Jean Louis.Madam Francesca...
Bigla siyang hindi napakali. Kinabahan na naman siya. Anong ginagawa ng Ginang doon? At mukhang nakita pa nito ang ginawa ni Jean Louis sa kanya!
Hindi ba ito nag-iisa roon? May kasama ba ito?Biglang lumikot ang mga mata niya at pasimpleng nagmasid sa paligid. May hinahanap ang kanyang puso.
Nandito ba si Cloud? Sinong kasama ng Mama niya?
Mayamaya'y may narinig siyang nagpalakpakan sa kanilang likuran. Nang lumingon siya ay halos lumuwa ang kanyang mga mata nang makita si Emily at Cloud na papasok ng exhibit. Agad na naglapitan ang mga tao sa mga ito at kinuhanan ang mga ito ng larawan.
What are they doing here? Cloud is not into arts!
"Oh, that's Emilia del Sol," bulong sa kanya ni Jean Louis at itinuro si Emily. Nalaglag ang panga niya at tiningan si Jean Louis kung nagbibiro lang ba ito.
Pero hindi, nakatingin ito kay Emily.
Emilia...Emily...Oh, God! Emily is not an ordinary probinsiyana afterall!
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
General FictionLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...