Pinaglakbay ni Lorraine ang kanyang mga mata sa napakalaki at napakagandang bahay sa kanyang harapan. Pinuntahan niya mismo ang address na ibinigay sa kanya ni Cloud dati na hindi niya sinipot. May iba siyang kutob sa address na 'yon. Kahit anong pananaliksik at pag-iimbestiga kasi ang gawin niya, hindi niya talaga mahanap ang totoong lokasyon ng bahay ni Cloud.
Walang nakakaalam o matinik lang talaga itong magtago? Magtago sa kanya! At iyon nga, dahil may kutob siya sa address na 'yon kaya pinuntahan niya. At dinala siya ng mga paa niya sa napakagandang bahay na iyon. Napahanga siya sa disenyo ng bahay, mukha iyong palasyo! Naalala niya tuloy ang pangako sa kanya ni Cloud dati na ipagpapatayo siya nito ng palasyo. Iyon na kaya 'yon?
Stop dreaming, Lorraine! Asa ka pang ipagtatayo ka niya ng bahay sa lahat ng sakit na idinulot mo sa kanya!
Humugot siya ng malalim na hininga saka nagpasiyang pumasok na ng gate. Napakalaki ng gate ngunit napakatahimik paligid. Walang ibang mga kapitbahay.
Typical of Cloud. He values his privacy so much.
Pinindot niya ang tila isang doorbell sa gilid ng gate. Agad na umalingawngaw ang tunog niyon sa buong buhay. Naghintay siya sa labas at patuloy na pinagmamasdan ang kapiligiran. Ilang minuto ang lumipas ngunit walang nagbukas ng gate. Sinubukan niya uling pindutin ang doorbell ngunit ganoon pa rin, hindi pa rin bumubukas ang gate.
Tama ba ang desisyon niyang pumunta doon? Tama ba ang kutob niya? Nandoon ba talaga si Cloud o umaasa na naman siya sa wala? Bumuntong hininga siya at sa huling pagkakataon ay pinindot uli ang doorbell. Gusto na niyang maiyak nang hindi man lang gumalaw ang gate.
This is it. Who am I fooling with? Cloud's not here...
Bagsak ang mga balikat na tumalikod siya sa gate at hinakbang ang mga paa niya paalis. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo ay biglang tumunog ang lock ng gate saka iyon dahan-dahang bumukas. Namilog ang mga mata niya habang patuloy iyong pinagmamasdan. Kusang gumagalaw ang gate upang pagbuksan siya. Mukhang may komokontrol doon sa loob.
Dahan-dahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa upang pumasok. Umakyat siya sa malaking hagdanan papuntang main door ng bahay. Hindi niya na kailangang kumatok dahil hindi pa man siya nakakalapit sa pinto ay agad na bumukas iyon. Nagtuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng malaking bahay.
Habang pumapasok siya ay hindi niya mapigilang humanga sa mga nakasabit na naglalakihang paintings sa bawat sulok ng bahay. Pamilyar sa kanya ang mga paintings na iyon, kay Emily! Biglang nabuhay ang pag-asa niya, baka si Cloud nga ang nakatira doon!
"Madam?"
Napalingon siya nang may magsalita sa likuran niya. Isang matandang naka-unipormeng pangkatulong.
"Y-yes?" agad na sagot niya.
"Maam, ipinapatawag po kayo ni Sir sa loob ng living room," anito.
Sir? Oh my god, sino? Is it Cloud?
Lumakas ang pintig ng puso niya."May I know who is he?" tanong niya sa katulong.
Tila nagtataka ito sa itinanong niya ngunit hindi siya sinagot bagkus ay nagpatiuna itong maglakad. Agad naman siyang sumunod. Pinagbuksan siya nito ng isang pintuan saka siya iminuwestrang pumasok. Mabilis naman siyang pumasok sa loob. Hindi na ito sumunod sa kanya at isinara ang pinto sa kanyang likuran. Agad naman niyang inilibot ang kanyang paningin sa silid.
Namataan niya ang tila isang lalaking naka-wheelchair sa harapan ng isang napakalaking bintana. Nakatalikod ito sa kanya habang nakatanaw sa labas. Lalong lumakas ang kaba ng puso niya. Agad niyang ihinakbang ang kanyang mga paa ngunit hindi pa man siya nakakalapit dito nang tuluyan ay nagsalita ito.
"Stop right there, Lorraine."
Napatigil siya sa paglalakad.
Halos malunod sa kasiyahan ang puso niya nang marinig ang boses ni Cloud. Kunpirmadong nandoon nga ang asawa niya. Si Cloud ang naka-wheelchair sa harapan niya! Gusto niyang maiyak."C-cloud..." sambit niya sa pangalan ng asawa habang pinagmamasdan ang likod ng wheelchair nito.
Hindi basta-basta ang hitsura ng wheelchair, mukha iyong de kontrol at masyado iyong malaki kaysa sa ordinaryong wheelchair na nakikita niya.
"How are you?" tanong nito kapagkuwan.
Miserable!
"I-I'm okay..." kaila niya saka pinunasan ang namumuong mga luha.
"I'm glad you're okay. You seem doing very well..."
"Not really. I missed you. Can I see you?" garagal ang boses na tanong niya.
Matagal bago ito sumagot.
"I'm afraid I can't. You see...this would be our last conversation."Nabigla siya sa sinabi nito. Anong ibig nitong sabihin? Kinabahan siya.
"What do you mean?"
"I'm going to set you free. This time...it's for real," malamig na sabi nito.
Nag-unahang tumulo ang mga luha niya. Mas masakit palang marinig mismo kay Cloud ang mga katagang iyon kaysa kay Madam Francesca.
"C-cloud, don't do this. You know how much I love you..." pakiusap niya.
"I know..."
Nabuhayan siya ng loob. "Then why are you deciding to annul our marriage?"
"It's because...I don't love you anymore."
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
General FictionLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...