CHAPTER 62

59.7K 1K 53
                                    

Nagtaka si Lorraine nang bigla siyang harangan ng isang Security Guard upang pumasok sa loob ng Executive Suite kung saan naka-admit si Cloud. Dalawang araw na siyang walang sapat na tulog sa pagbabantay sa asawa niya sa loob ng silid na iyon. Umalis lang siya sandali at nagpaalam sa nurse na kukuha lang ng damit sa kanyang condominium.

"Get out of my way!" mataray na sabi niya sa guard.

Hindi niya alam kung nananadya ito o ano ngunit hindi ito umaalis sa harapan niya. Tila pinipigilan siyang pumasok sa loob. Wala naman ito kanina noong umalis siya, bakit bigla itong sumulpot doon? Kulang siya sa tulog kaya naiirita siya sa ginagawa nito.

Pinagtaasan niya ito ng kilay nang walang katinagtinag itong nakatayo doon.

"Didn't you hear me? I said get out of my way!" mariing ulit niya.


"Pasensya na po, Maam, pero napag-utusan po akong huwag kang papasukin uli sa silid ni Mr. Martinez."

Nabuwesit siya sa sinabi nito.
"What? I'm his wife, I can get inside whenever I want! Who the hell ordered you to do this?"


"Me."


Agad na napabaling ang tingin ni Lorraine sa nagsalita. Halos takasan siya ng dugo sa mukha nang mapagsino ito.



"M-madame Francesca," napalunok na usal niya sa pangalan ng ina ni Cloud habang nakahalukipkip itong humahakbang papunta sa direksyon niya.


Nang masalubong ang nanlilisik na mga mata nito'y nag-iwas siya ng tingin. Kinabahan siya sa biglaang pagsulpot ng Ginang.


"I'm the one who hired this guard to stop you from entering inside. You've already done a lot of damage to my son's life. I want you out of his life now!" galit na bulalas nito.


Napayuko siya ng ulo. God, this woman is really scaring the hell out of me!

"I'm afraid I can't do that, Madam. Me and Cloud love each other. There is no one who can keep us apart," mahinahong sagot niya rito.



"Love? You've had affairs with different men and you call your relationship with my son as love? Cut me some slack, bitch. You can fool my son but you cannot fool me! We both know you married him because of money!"


Marahas siyang nag-angat ng tingin dito. Sumosobra na ito sa pang-iinsulto sa kanya.

"I don't care if you're bitterness with our marriage remains the same but don't insult the love we have for each other! You can't make me leave your son. I love him!" matapang na sagot niya rito.



Umismid ito. "Really? Then why is he telling me to get rid of you? You see, he called me two days ago and told me what happened. He wants to annul your marriage. He have had enough of your bitchness, my dear."


Siya naman ang napaismid sa sinabi ng ginang.
"I didn't know that a respected and wealthy woman like you is a liar. Cloud has been asleep for two days since he had a surgery, Madame," pagbibigay alam niya rito.

"You're a fool then. My son has regained his consciousness two days ago and he didn't let you notice. We had conversations with his phone while you're asleep or gone bitching somewhere else. He doesn't have anything to do with you anymore. Thank God because he finally woke up and realized you're a worthless piece of a whore!"



Muntik na niyang masampal ito kung hindi lang siya nakapagpigil. Hindi siya naniniwala sa mga sinasabi nito. Mahal siya ni Cloud at hindi siya nito kayang pakawalan. Naghintay nga ito ng ilang taon upang masuklian niya ang pagmamahal nito. Nahihibang na ang ina nito at kung ano-anong iniimbentong masasakit na mga salita.

Binahiran niya ito ng alis at tangkang pumasok sa silid ni Cloud ngunit mabilis nitong nahablot ang braso niya saka siya marahas na hinatak. Agad siyang sinampal nito pagkatapos. Napatigalgal siya sa ginawa nito.




"Get this woman away from here, Guard!" malakas na mando nito sa Security Guard.


Nang tangka siyang lapitan ng guard ay umiwas siya.
"You can't do this to me, Mrs. Francesca! You can't take your son away from me!"


Ngumisi ito nang pauyam. "I already did, my dear. Prepare yourself, I'll send the Annulment papers tomorrow."


Kung ganoon ito kabilis sumulpot ay ganoon din ito kabilis na nawala sa paningin niya at pumasok sa silid ni Cloud.

Nanginginig siya sa galit, takot at sakit. Hindi siya naniniwalang kaya siyang hiwalayan ni Cloud. Nagtatampo lang ito sa kanya. Mahal na mahal siya nito! Hindi siya nito kayang iwan. Hindi rin niya kayang iwan ito.

Walang susuko. Hindi kita susukuan, Cloud. Kahit ilang Madame Francesca pa ang humadlang sa relasyon natin! pangako niya sa sarili. Mabilis na humakbang siya paalis doon. Mag-iisip siya ng paraan upang makapasok sa silid nito.

--------------

Gusto nang panghinaan ng loob ni Lorraine nang malamang nagbakasyon ang mag-asawang sina Sophia at Condrado papuntang Canada. Si Sophia ang huling alas niya upang makapasok sa kuwarto ni Cloud ngunit umalis ito. Kasalanan din niya dahil hindi niya pinaalam dito ang nangyari sa kapatid nito.

Mahigpit ang mga bantay ni Cloud sa labas ng silid nito. Dalawa na ang security guards ang nagbabantay doon. Tinitiyak talaga ni Madame Francesca na hindi siya makakalusot upang pumasok. Kahit ang mga nurses at doctors ay ayaw ring magbigay ng impormasyon sa kanya tungkol sa kalagayan ni Cloud.

Nabubuwesit na siya. Ganoon pala ang pakiramdam nina Cinderella at Snow White habang pinepeste ng Evil Witch ang mga buhay ng mg ito. Ang problema ay wala sa character niya ang nagpapa-api at naghihintay sa kanyang Prince Charming. Matapang siya. Siya na mismo ang magliligtas sa Prince Charming niya mula sa mangkukulam nitong Nanay!

Nagpasiya siyang magbihis at lumabas ng kanyang kuwarto. Pupuntahan niya si Sidney. Manghihingi siya ng ideya kung anong puwede niyang gawin upang mabawi si Cloud.

Nang buksan niya ang kanyang wardrobe ay napangiwi siya nang makitang wala na siyang damit na maisuot. Nakalimutan niyang kunin ang mga iyon sa laundry. Nagpasiya siyang halungkatin ang mga luma niyang damit.

Kumunot ang noo niya nang mapansin ang isang folder. Hinugot niya iyon sa ilalim ng mga damit niya saka tiningnan. Iyon ang kontratang ibinigay sa kanya ni Cloud dati na basahin at pirmahan niya. Sinimulan niyang buklatin iyon at basahin.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon