CHAPTER 51

59.5K 1K 21
                                    

All set na si Lorraine para sa kanyang unang photoshoot. Tapos na siyang lagyan ng make-up at ayos na rin ang kanyang buhok. Medyo mabigat ang kanyang ulo dahil may nakakabit na head dress na punong-puno ng mga perlas.

Philippine culture inspired ang tema ng photoshoot. Layunin niyon na ipakilala ang kultura ng Pilipino sa buong mundo upang mas lalo pang makahatak ng turista at negosyo sa Pilipinas. Siya ang pangunahing modelo sa proyektong iyon.

Bukod sa hindi siya masyadong makakilos dahil sa mabigat na head dress ay nanlalagkit din ang pakiramdam niya sa makapal na foundation na ipinahid sa kanyang mukha at katawan. Maputi kasi siya at upang magmukhang morena, kailangan siyang takpan ng brown na foundation.

Pati ang buhok niya ay kinulayan ng maitim. Kapag siguro'y rumampa siya ay hindi siya makikilala ni Cloud kung makita man siya nito.


"Miss Lorraine, are you ready? The photographer is already here," anunsyo ng kanyang PA nang sumilip ito sa may pintuan.


"Yeah..." tipid niyang sagot saka tumayo at naglakad na papalabas ng dressing room.



Nagtungo agad siya sa studio kung saan isasagawa ang photoshoot. Katabi lang iyon ng kanyang dressing room. Nang makapasok sa silid ay hindi niya nakita ang photographer. Tanging ang make-up artist niya lang at ilang mga taong alam niyang humahalili sa photoshoot ang nandoon.

Pumuwesto siya sa harapan at inayos ang sarili. Lumapit naman sa kanya ang kanyang make-up artist at sinimulang i-retouch ang kanyang make-up. Nasilaw siya nang biglang may nag-flashed na ilaw sa kanyang mukha. Napatingin siya sa kanyang harapan.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya. May isang lalaking kumukuha sa kanya ng litrato ngunit nakatakip ang camera sa mukha nito. Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito'y kilalang-kilala niya ang bulto ng lalaki. Si Raphael.

Inalis nito ang camera sa mukha at tiningnan ang screen ng camera nito saka ngumiti. Tumingin ito sa kanya pagkatapos.


"You look perfect as ever," nakangiting komento nito habang pinagmamasdan siya.

Biglang nag-iba ang templa niya nang makita ang pagmumukha nito. Gusto niyang burahin ang nakakabuwesit na ngiti sa mga labi nito.

Anong ginagawa niya rito? Ang kapal ng mukha niyang magpakita sa akin sa kabila nang nagawa niya!

Inirapan niya ito at humakbang palabas ng pinto. Nawala ang gana niyang mag-photoshoot. Kung alam lang niyang ito pala ang magiging photographer niya'y sana hindi na siya pumayag maging modelo roon.

Hindi niya kayang manatili sa isang kuwarto na kasama si Raphael. Nabubuwesit siya sa pagmumukha nito. Nang dahil sa lalaki ay muntik na silang maghiwalay ni Cloud. Hindi niya tuloy lubos maisip kung bakit siya nagkagusto rito dati.

Napapiksi siya nang hawakan siya nito sa braso upang pigilan.


"Rain, can we talk?" pakiusap nito.

Marahas niya sanang aalisin ang kamay nito nang mapansing pinagmamasdan sila ng mga taong nakapaligid sa kanila. Malamang ay magiging tampulan sila ng tsismis kung mag-e-eskandalo siya roon. Pareho pa naman silang may iniingatang pangalan.

Humugot siya ng malalim na hininga at nilunok ang maaanghang na salitang ipapaulan niya sana rito. Nagpasiya siyang senyasan itong sumunod sa kanya. Tumango naman ito.

Nagmartsa siya palabas ng studio at pumasok sa kanyang dressing room. Agad naman itong sumunod sa kanya at isinara ang pinto. Tinanggal niya ang napakabigat na head dress at inilapag sa mesa saka galit na hinarap ito.


"You look beautiful, Lorraine. I regret that I let you go," madamdaming wika nito.

Humagalpos ang galit niya.
"Fuck you! You have the nerve to say that after what you've done!" bulyaw niya rito.

Tila hindi naman ito apektado sa pag-aalburoto niya dahil nanatili itong kalmado.

Bumuntong hininga ito saka pinagmasdan siya ng mabuti.
"I'm sorry. Believe me, Lorraine, the last thing on my mind is to hurt you."

"I don't know if I could still trust your words, Raphael. The truth is, I can't stand seeing your face anymore! I'll quit this project!" bulyaw niya rito saka kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa at mabilis na idinial ang cellphone number ni Hethear.

Ngunit bago pa man niya tuluyang matawagan si Heather ay mabilis na tinawid ni Raphael ang distansiya nila at pinigilan siya sa braso. Nagsusumamong tiningnan siya nito.


"Please, I promise to stay away from you as much as possible even if it hurts me. Just continue this project. We're not doing this because of Hethear, we're doing this for our country. Let's set aside our personal feelings and be professional, okay?"


Salubong ang mga kilay niya habang nakatitig dito. Inaamin niyang tama ito. Propesyunal silang dalawa, hindi nila dapat idinadamay ang trabaho sa kanilang personal issues. May tamang kalagyan ang lahat.

Nag-iwas siya ng tingin dito at pilit na binabawi ang kanyang braso mula sa pagkakahawak nito ngunit mariin pa rin itong nakahawak sa kanya.

"Let go of my arm!" singhal niya rito.


"I won't unless you promise me you're not going to quit..."

"Who the fuck are you to order me around?" nanggigigil na singhal na naman niya.

"I'm not ordering you, I'm stating what I think is right. Be professional. Once we've finished this, I'll promise you'll never see me again."

Really? What about you do it now?

"Can I get your 'yes'?" untag nito.

Inirapan niya ito at hindi umimik. Mayamaya'y tumango siya. She can't wait to finish the project. She's dying to get him out of her sight!

Ngumiti ito sa pagtango niya at dahan-dahang pinadausdos ang kamay nito mula sa braso niya patungong kamay niya. Hinawakan siya nito ng mariin.

Bigla namang bumukas ang pinto at sumilip ang kanyang make-up artist. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Raphael. Mabilis naman niyang binawi ang kamay kay Raphael.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon