Piniling mag-isa ni Lorraine sa likod ng pinagdausan ng party. Medyo may kadiliman doon ngunit malayo sa mga bisita.
Malayo kay Raphael...
Malayo kay Leah...
Malayo kay Cloud...Pinakawalan niya ang kanina pa nagkukumuwalang mga luha. Ang sakit-sakit ng dibdib niya, para siyang sinaksak ng paulit-ulit. Hindi niya matanggap na ang tanging lalaking pinapangarap niya ay kasal na sa iba! Ano pa ang saysay ng buhay niya?
Nasa ganoon siyang estado nang makarinig ng pamilyar na boses sa kanyang likuran.
"Lorraine..."
Mabilis niyang pinahid ang kanyang mga luha. Boses ni Raphael ang naririnig niya. Nagulat siya nang bigla siyang yakapin nito mula sa likuran.
"I-I am so sorry, Rain. I didn't mean to make you cry...I still love you."
Mabilis siyang lumayo rito.
"W-what are you s-saying? I-I am not crying because of y-you!" kaila niya."Don't lie to me. I talked to your Mom before I gave ny calling card to your manager. Your Mom told me you never stopped loving me."
Nag-iwas siya ng tingin dito. "Y-you're married now. Forget about it. I don't want to ruin your family."
Mabilis na nahablot nito ang kamay niya at hinila siya papalapit dito.
"Didn't you hear me? I love you! I didn't stop. Maybe I hesitated to pursue our relationship because I had to fulfill my dreams so that I have something to brag about. I want you to be proud of me!" paliwanag nito.Lalong nagbagsakan ang mga luha niya.
"But you now have a family, Raph. You're having a baby. I think it's time for us to finally let go of our feelings."
Sa totoo lang ay par siyang sinasaksak sa mga salitang sinasabi niya.Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya.
"No, Rain! I don't love Leah. I am even in doubt I am the father of her baby. She is obsessed with me, even when we were in high school! She kept on tailing me in London like a mad stalker!"Napakagat-labi siya. Naaalala na niya kung paanong natigil ang pagkakaibigan nila ni Leah. Matagal na itong may gusto kay Raphael at nang malaman nitong naging sila ng lalaki ay nagalit ito at tumiwalag sa kanila. Nakikipagkaibigan lang pala ito sa kanila para maging 'IN'. Kapag nakatalikod sila ni Sophia ay sinisiraan sila nito.
Hindi niya ininda ang pakikipagkalas nito dahil nakahanap siya ng mga totoong kaibigan noon.
Sina Guia, Sidney, Resha at Ian. Ang mga taong hindi niya inaakalang magiging totoo sa kanya sa kabila ng hindi nila pagkakaunawaan noon. Siyempre ay bestfriend niya pa rin si Sophia."I don't know what to say, Raph. I've been waiting since forever for you to say those words to me but I guess it's too late now," malungkot na sabi niya.
Mariing pinisil nito ang mga balikat niya.
"No, Rain! I don't want to give up! Especially now that I already have a career. I am not ashamed to be next to you anymore. I can make you proud of me!" giit nito.Nasapo niya ang bibig nang may mapagtanto. Kung ganoon ay sinadya nitong putulin ang komunikasyon nila upang magsumikap para sa ikakaunalad nito nang sa gayon ay may maipagmalaki ito sa kanya? Tumulo na naman ang mga luha niya.
Nagpatuloy ito.
"I don't want to lose this chance again, Rain. I want us to start again. I'm planning to divorce Leah.""B-but I'm already married to---"
"To Cloud? I know the story, your Mom told me. She hated Cloud too for manipulating your life. I know you don't love him. Please, Lorraine, don't give in to him. Please stay by my side and let's continue our love," madamdaming sabi nito.
Napapikit siya nang yakapin siya nito ng mahigpit. Aminin man niya o hindi, natutukso siyang kagatin ang alok ni Raphael. Matagal na niyang hinihintay iyon. Ngayon ay nasa harapan na niya. Bakit pa siya magpapatumpik-tumpik pa kung iyon naman ang gusto ng puso niya?
Nang idilat niya ang mga mata ay biglang tumahip ng malakas ang dibdib niya.
Nasalubong niya ang madilim na anyo ni Cloud sa may 'di kalayuan habang matamang nakamasid sa kanila. Agad siyang kumalas kay Raphael.-----
"G-galit ka ba?" untag ni Lorraine kay Cloud.
Nasa sasakyan sila at pauwi na sa condo unit niya. Hindi siya mapalagay sa katahimikan nito habang nagmamaneho ng sasakyan. Alam niyang galit ito sa kanya ngunit hindi naman siya kinikibo. Wala itong ni isang salitang binitiwan nang mahuli silang nagyaykapan ni Raphael.
Madilim lang ang hitsura nito. Natatakot siyang magsalita ngunit minabuti niyang makipag-usap kay Cloud.
Nang hindi ito sumagot ay nagpatuloy siya.
"If you're mad, go yell it on my face," matapang na sabi niya.
Marahas na bumuntong hininga ito.
"I get it, the love of your life came back. You're even excited to show your affection in front of many people!" galit na sabi nito.Nagsalubong ang mga kilay niya sa paratang nito.
"We didn't hug in front of your batchmates!""Oh, I forgot you chose to hide in a dark place but I still caught you!" sarkastikong sabi nito.
"Why are you fussy, Cloud? We both know I don't love you!" hindi niya napigilang bulyaw rito.
Nagsisi naman siya sa nasabi nang unti-unting nabalot ng sakit ang mukha nito. Gusto niya itong aluin ngunit nagdalawang isip siya. Bakit? Totoo naman ang sinabi niya. Hindi niya mahal si Cloud!
Hindi nga ba, Lorraine?
Nagsalita ito sa mahinahon ngunit mariing tono.
"I know I will never have a space in your heart but please, give me my due respect. We are married and we have an agreement. If you want to see your lover, do it after our marriage. Or atleast, have some discretion with your action. Respect, Lorraine. That's all I'm asking."
Hindi siya nakapagsalita. Napakagat-labi lang siya at patuloy itong pinagmamasdan. Tumaas baba ang adam's apple nito na tila nagpipigil.
Alam niyang nasasaktan ito. At siya ang may kagagawan.Pero ano bang dapat niyang gawin? Ang magpakatotoo sa nararamdaman niya o sundin ang gusto nito kahit labag sa kalooban niya?
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
General FictionLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...