CHAPTER 9

68.5K 1.5K 37
                                    

Nagising si Lorraine nang maamoy ang pritong itlog at bacon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising si Lorraine nang maamoy ang pritong itlog at bacon. Agad siyang napabangon. Sino ang nagluluto sa kusina niya? Ang alam niya, matapos siyang magpahatid kay Sidney sa condo niya kagabi ay nag-inuman sila. Pagkatapos nilang mag-inuman ay sinundo ito ni Andrew at hinatid pauwi.

Bumalik kaya ito?
Nagtaka rin siya at malinis ang kuwarto niya. Kagabi ay nagkalat ang mga bote ng beer doon dahil hindi na niya naligpit sa kalasingan.

Magkakasakit na talaga siya sa atay dahil sa ginagawa niya. Pero wala siyang choice, iyon lang ang paraan niya para makalimutan pansamantala ang nangyari sa kanya.

Hindi na siya nag-ayos ng sarili at dumeretso sa kanyang kusina. Namilog ang mga mata niya nang makita si Cloud. Nakadamit pang-opisina pa ito habang nagpipirito ng itlog. Sa mesa naman niya ay may nakahaing mga tinapay, pritong bacon at umuusok na dalawang tasang kape. Sa gilid ng lababo ay naka-pile ang mga boteng pinag-inuman nila kagabi ni Sidney.

Ito ba ang naglinis at nagligpit?


Namaywang siya.
"What are you doing here? How did you get in here?" mataray na tanong niya.



Hindi nito pinansin ang tanong niya at pinatay ang stove saka inilapag sa mesa ang mga ipinirito.
"Let's talk later, My dear. C'mon and eat," pambabalewala nito sa kanya at sinimulang umupo sa mesa.




Lumapit siya rito at humalukipkip sa harapan nito.
"Sinong nagsabi sa 'yong puwede kang pumasok dito sa condo ko at pakialaman ang mga gamit ko?"



"Please don't fight with me in front of the food, My dear. Fill your stomach in and we'll fight later, okay?"


Nanggagalaiti man ay sinunod niya ang sinabi nito. Umupo nga siya sa bakanteng silya at nagsimulang kumain. Nakakahawa itong tingnan habang maganang kumakain.
Nang matikman ang niluto nitong itlog ay tahimik siyang namangha. Masarap ang pagkakatempla nito at buong-buo ang pagkaka-sunny side up ng itlog. Samantalang kapag siya ang nagluto ay masyadong maalat at minsan pa'y sunog.


"How was your day yesterday?" tanong nito sa pagitan ng pagnguya.


Ang kapal ng mukha mong magtanong! Alam mong para akong sinentensyahan ng bitay kahapon!

Naiinis siya at tila hindi ito apektado sa ginawa niya kahapon sa kasal nila. Dapat ay minumura na siya nito dahil ipinahiya niya ito sa maraming tao! Iyon ang umpisa nang paghihiganti niya rito.


"Stop pretending like yesterday was the most spectacular day on Earth, Cloud," panonopla niya rito.

Tila hindi naman ito naapektohan sa sinabi niya. Kalmante pa rin itong kumakain.
"Really? That was spectacular to me though..."

Gusto na niyang ibato rito ang hawak na tinidor kaso nagpigil siya.
Magana pa rin itong kumakain kahit tinatarayan niya. Nakatingin lamang ito sa kanya habang ngumunguya. Lalo siyang nabuwesit. Inirapan niya ito.

She hated his coolness. O mabait lang talaga ito? Dati naman talagang mabait ang lalaki. Sa sobrang bait at masunurin nito sa mga utos niya dati ay nagmumukha na itong tanga.
Pero ngayon? Sa lahat nang ginawa nito sa buhay niya, nagdadalawang isip na siya sa totoong ugali nito.

"Can we have a truce, Lorraine?"

Nag-angat siya ng tingin nang magsalita ito.


"I admit I didn't like what you did yesterday but it happened and I understand your side. I know being married to me is the last thing you'd wish in your life, but can we please be civil to each other? We're adults, you know. We shouldn't be acting so immature anymore, should we?"


Pinaningkitan niya ito ng mga mata.
"You want a truce but you're calling me immature?"


"Please, Lorraine. Hear me once. Let's try this marriage for a year. Let's treat each other with kindness and...respect. If we still fight, let's annul our marriage. Simple as that."


Napatitig siya nang mariin dito dahil sa narinig.

One year? Hindi ka aabot ng one year sa akin, Cloud. Baka next month makipaghiwalay ka na sa akin dahil gagawin kong impyerno ang buhay mo.

"Okay," kunway pagpayag niya.

Nanatili itong nakatingin sa kanya.


Pinagtaasan niya ito ng kilay.
"What?"


"I hope you mean it," seryosong sabi nito.


Nag-iwas siya ng tingin. Mukhang nababasa nito ang iniisip niya.
"I said 'okay', didn't I?" inis na ulit niya.


Napabuntong hininga ito at umiling-iling saka hinigop ang kape.
Nagkibit balikat siya. Bahala ito sa buhay nito.
Nang matapos kumain ay tumayo ito at hinalikan siya sa pisngi.
Bigla siyang natigilan sa gulat. Nabitawan niya tuloy ang mga kubyertos. Mabilis naman itong nakapaglakad papalayo sa kanya.


"Hey!" sigaw niya rito nang makahuma.

Hindi siya nilingon nito at nagtuloy-tuloy sa kanyang kuwarto. Tumayo siya at hinabol ito.
Nalaglag ang mga panga niya nang bigla itong maghubad ng polo sa loob ng kuwarto niya. Nasapo niya ang bibig nang lumantad sa kanya ang kahubadan nito.

 Nasapo niya ang bibig nang lumantad sa kanya ang kahubadan nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"What are you doing?" nahihindik na tanong niya.

"I'm going to sleep. I didn't sleep since our wedding," tila pagod na sabi nito.

Kung ganoon ay bumalik siya sa opisina pagkatapos ng kasal?


"You're not going to sleep in my room!" mariing pagtutol niya.

"Oh, c'mon, My dear. Have pity on your husband. I'm dead tired from work. Let me sleep," sabi pa nito at nagtuloy-tuloy na humiga sa kama niya.


Hindi na niya alam ang gagawin lalo pa't kumulob na ito sa mismong puwesto niya.


Hinampas niya ang balikat nito. "Hey, get up! Find your own bed! Hey!"


Ngunit humihilik na ito. Inis man ay pinagmasdan niya ang mukha nito. Malalaki na nga ang mga eyebags nito sa mata. Halatang puyat sa trabaho. Dumako ang mga mata niya sa likod nito. Noon lang niya nakita ang hubad na katawan ni Cloud.
Aminin man niya o hindi, siksik ito sa muscles. Lalo na nang mapadako ang tingin niya sa may bandang puwetan.

Shit, he has the body to die for.

Hindi na niya pinagtakhan iyon dahil kahit ang kaibigan niyang si Sophia ay well endowed ang katawan. Nasa lahi yata ng pamilya Martinez iyon. Magaganda talaga ang lahi ng mga ito.
Nagpasiya siyang hayaan na si Cloud sa kama niya. Pinulot niya ang polo nito sa sahig at inilagay sa kanyang labahin. Bumalik rin siya sa kusina at niligpit ang pinagkainan nila.

Nakaya pa niyang magluto kahit pagod na ang katawan sa pagtatrabaho. Ibang klase ka ring lalaki ka.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon