CHAPTER 19

60K 1.3K 3
                                    

Hindi mapakali si Lorraine habang pinagmamasdan si Cloud na basang-basa ng ulan. Katabi niya sina Lita at Nana Mila, ang asawa ni Ka Teryo.

Habang nagsasayawan sila kanina ay bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan.
Napaka wrong timing dahil enjoy na enjoy siya sa pagsasayaw kasama si Cloud. Mas nag-eenjoy pa siyang sumayaw doon kaysa sa bar.

Isinilong siya nina Cloud at Ka Teryo sa kubo ng huli. Agad namang bumalik ang dalawa sa pinagdausan ng sayawan at tinulungan ang mga katutubong ligpitin ang mga malalaking instrumento ng mga ito.

Iiling-iling na lang si Lorraine. Gusto na niyang kutusan si Cloud. Nag-aalala siya't basang-basa na ang suot nitong damit. Ilang beses na itong sinabihang sumilong nina Ka Teryo ngunit matigas talaga ang ulo at nagpilit tumulong.

Kunsabagay ay mas matangkad at mas malaking tao ito kumpara sa ibang mga lalaki doon, kayang-kaya nitong buhatin mag-isa ang mga naglalakihang tambol.

Ngunit nag-aalala pa rin siya. At nabubuwesit siya sa sarili niya dahil alalang-aalala siya samantalang wala naman siyang pakialam kay Cloud!

Nang sa wakas ay matapos na ang mga ito sa ginagawa ay patakbong bumalik sina Cloud sa kubong kinaroroonan niya.
Agad na sinalubong niya ito sa may pintuan habang nag-aalis ito ng damit pang-itaas. Basang-basa talaga ito dahil tumutulo ang mga butil ng ulan sa katawan nito

Kinuha niya ang isang tuwalyang inabot sa kanya ni Lita saka ipinunas kay Cloud. Hindi pa siya nakontento at hinampas niya ito ng malakas sa dibdib na siyang ikinagulat nito. Hindi na niya napigilan dahil sa tindi ng panggigigil niya sa lalaki. Ang tigas kasi ng ulo nito!

Narinig niya ang mahinang paghagikhik nina Lita at Nana Mila sa kanyang likuran habang abala naman sa pagsalubong kay Ka Teryo.
Nang makapasok ang mga ito sa loob ng kusina ay ibinalik niya ang pansin kau Cloud saka ito kinurot. Napakislot na ito sa sakit.



"Ouch!" daing nito.




"Ouch your face, you reckless hero wannabe!" inis na sikmat niya rito.





Natawa ito ng mahina saka siya pinagmasdan sa mukha. Nailang siya sa mga titig nito kaya inabala niya ang sarili sa pagtuyo ng buhok nito.



Ramdam pa rin niya ang mga titig nito bago nagsalita.
"Bakit alalang-alala ka?" mayamaya'y tanong nito.




Pinaningkitan niya ito ng mga mata.
"Eh, paano, ang kulit-kulit mo! Bakit ka lumusob doon sa ulan? Hindi mo ikinaguwapo ang pagpapaka-hero!"





Hindi nito pinansin ang sinabi niya.
"Kunwari pa," nanunudyong bulong nito na narinig naman niya.





Pinalakihan niya ito ng mga mata.
"What did you say?"




Lumawak ang ngisi nito.
"Aminin mo na kasi, in love ka na sa akin. It's okay, My dear, I wont mind."




Napamaang siya sa sinabi nito kasabay ng pamumula ng mukha. Hinampas niya uli ito.

"Y-yuck! That will never gonna happen!" mabilis na alma niya.





Nakangisi pa rin ito na tila hindi naniniwala sa sinasabi niya. Patuloy lang itong nakatingin sa kanya habang tinutuyo niya ang buhok nito.
Lalo siyang nabuwesit.





"Sinabi ngang hindi ako in love sa 'yo! I love someone else!" inis na bulyaw niya.




Sukat ay biglang nabura ang ngiti nito. Natigilan tuloy siya. Parang gusto niyang bawiin ang sinabi ngunit huli na. Nag-iwas ito ng tingin sa kanya saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng kubo. Gusto niyang habulin ito at magpaliwanag ngunit nag-atubili siya. Bakit ba siya magpapaliwanag samantalang wala siyang ginawang masama?




"Ser, dito po muna kayo matulog sa munti kong kubo. Bukas na po kayo umalis dahil sobrang lakas ng ulan. Baka mapahamak pa po kayo sa daan dahil gabing-gabi na."

Narinig niyang sabi ni Ka Teryo.




Tumango naman si Cloud. Iginiya ito ni Ka Teryo sa isang silid. Agad naman siyang sumunod sa mga ito. Nang silipin niya ang silid ay nakaramsiya ng kaunting pangamba.

Masikip ang silid, dalawang tao lang ang kasya. May nakalatag ng banig at dalawang unan sa sahig. May nakapatong namang nakatuping kumot sa ibabaw ng unan.




"May iba pa bang silid bukod dito, Ka Teryo?" tanong niya sa matanda.
Hindi siya puwedeng matulog doong katabi si Cloud. Naiilang siya.





Napakamot naman ng ulo ang matanda. "Pasensya na po, Madam, pero ito lang po ang kuwarto sa bahay namin."





Magsasalita pa sana siya nang mahagip ng tingin ang madilim na mukha ni Cloud. Biglang naumid ang dila niya





"Ayos na po ito, Ka Teryo. Maraming salamat po sa pagpapasilong n'yo sa amin dito," ani Cloud sa matanda.





"Ay walang anuman po 'yon, Ser. Bukas po ang bahay namin para sa inyong mag-asawa," nakangiting sabi ng matanda.






Nang magpaalam si Ka Teryo ay isinara niya ang pinto at pinamaywangan si Cloud. Tumalikod naman ito sa kanya at walang pasabing naghubad ng pantalon. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na tumalikod din dito.





"My God, Cloud, where's your manner? Don't take off your clothes like that infront of me!" nanggagalaiting sabi niya.





Hindi ito sumagot. Narinig niyang pinipiga nito ang damit sa labas ng bintana.
Nang matapos ito sa ginagawa ay saka lang siya pinagtuunan nito ng pansin.




"You, when are you going to be contented? This is the only room Ka Teryo has to offer but you still ask for a bigger space! Don't you know that his whole family is sleeping in their kitchen floor right now because they let us use this room?" galit na sabi nito.




Hindi siya nakaimik. Nakagat niya ang ibabang labi at hinarap ito. Nahuli pa niya ang dismuladong iling nito sa kanya bago humiga sa banig. Nakatupi lang ito ng tuwalya.
Ang mga pinaghubaran nito ay nakasampay na sa bintana ng silid.

Ramdam niyang galit ito sa kanya. Ano na naman bang pinagsisintir nito? Bakit ayaw nitong sabihin sa kanya ang ikinasasama nito ng loob?

Napatingin siya sa higaan nila. Napakaliit lang ng espasyo at tiyak niyang kapag humiga siya'y di maiiwasang magdidikit ang mga balat nila.

Tumagilid naman si Cloud sa direksyon nito at nagtalukbong ng kumot. Bumuntong hininga siya saka nagpasiyang humiga. Itinakip niya sa katawan ang karugtong na kumot na ginagamit din ni Cloud. Dumako ang tingin niya sa likuran nitong nakatalikod sa kanya.

Ramdam niya ang init ng katawan nito sa kabila ng lamig ng panahon.
Naririnig niya pa ang malalim na paghinga nito. Naiinis siya sa sarili. Bakit nauwi na naman sila sa tampuhan ni Cloud sa kabila nang masayang pangyayari sa kanila kanina?

Nagtatawanan pa sila habang pinagmamasdan ang isa't isang sumasayaw. Masayang-masaya pa siya habang magkahawak ang kanilang mga kamay na umiindayog sa saliw ng musika. Hindi niya maipaliwanag ang kapanatagan ng loob na nararamdaman niya habang inaakbayan siya at ngingitian nito.

Tapos magtatapos lamang iyon sa malamig nitong pagtalikod.
Masyado na ba siyang makasarili at hindi inaaalintana ang nararamdaman nito?

What's happening, Lorraine? This is what you want, right? To make him mad and to get rid of him out of your life? You should be happy it's slowly succeeding.

Pero bakit mabigat sa loob niya? Gusto niyang haplusin ang malapad nitong likod o di kaya'y isandal ang mukha sa mainit nitong balat. Gusto pa sana niyang makipagkuwentuhan dito ngunit nagdalawang isip siya. Mukha talagang nagtatampo ito sa kanya. Inignora na lang niya ito at nagpasiyang matulog.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon