"Are we there yet?!" sigaw ni Lorraine kay Cloud.
Nahintakutan siya nang biglang magliparan ang mga ibon sa puno dahil nag-echo ang sigaw niya sa buong kagubatan. Dali-daling tumakbo siya sa kinaroroonan ni Cloud sa takot.
Sa totoo lang ay pagod na pagod na siya. Kanina pa namamanhid ang mga paa niya sa kakalakad. May dala pa siyang packbag na naglalaman ng mga pandesal at tubig upang may makain sila ni Cloud.
Halos isang kilometro na ang nalakad nila. Sanay siyang maglakad ngunit ang akala niya'y patag na daan ang dadaanan nila, bako-bako at paakyat pala. Hiningal na siya at nanlalagkit sa pawis. Kanina pa niya gustong murahin si Cloud ngunit nagtitimpi siya. Baka madagdagan ang araw na ilalagi nila doon kapag ginalit niya pa lalo ito.
Natatawang pinagmasdan naman siya ni Cloud nang kumapit siya ng mariin sa braso nito dahil sa takot sa mga ibon.
"What? Ang tapang mo kapag sinisigawan ako pero kapag mga ibon, takot na takot ka," nakangising saad nito.
Hinampas niya ito ng malakas sa likod.
"I'm not afraid of birds. I'm afraid they're going to bite me!""I can bite you too. But not painful, just pleasurable."
Namula siya sa biro nito. Inis na hinampas niya uli ito sa likod at nagpatiunang maglakad.
"Watch where you're going. Snakes like to breed here."
Muntik na siyang mapalundag sa sinabi nito. Ang lakas naman ng tawa nito. Bumalik siya at pinaghahampas ito sa balikat. Mabilis n hinuli nito ang kamay niya at hinapit siya papalapi dito. Napasinghap siya nang magbunguan ang mga labi nila.
Para silang timang na natigilan at nanatiling magkalapat ang mga labi. Walang ni isang gumagalaw sa kanila at pinapakiramdaman lang ang isa't isa. Ang lakas ng pintig ng puso niya, hindi niya alam kung bakit. Naaamoy niya ang panlalaking amoy nito kahit basang-basa na ng pawis.
Nang mag-umpisang gumalaw ang mga labi nito sa ibabaw ng mga labi niya ay bigla niya itong naitulak.
Tila nabigla naman ito sa ginawa niya. Hahapitin pa sana uli siya nito ngunit marahas siyang kumuwala sa pagkakahawak nito.Binigyan niya ito ng nagbabantang tingin bago tinalikuran. Narinig pa niya ang marahas na pagbuntong hininga nito. Nanginginig naman ang mga kalamnan niya.
Don't you dare give in to him, Lorraine. Dinala ka niya rito para siguro akitin ka at makuha ang gusto niya. Always remember that your heart and body belongs only to Raphael!
Hindi uli sila nag-imikan habang naglalakad. Ilang minuto pa bago niya narinig ang mga lagaslas ng tubig. Agad siyang napatakbo sa kinaroroonan ng lagaslas at namangha sa nakikitang kagandahan ng kalikasan.
Hindi siya nature lover ngunit inaamin niyang nasiyahan siya habang pinagmamasdan ang mataas na talong bumabagsak sa payapang ilog sa kanyang harapan.
"Let's get into action!"
Narinig niyang sabi ni Cloud sa kanyang tabi.Nang tiningnan niya ito ay nakapamaywang na hinubad nito ang salamin habang pinagmamasdan din ang talon.
Tumatama sa sinag ng araw ang guwapong mukha nito. Ewan niya kung bakit pero para siyang hinihila ng kung anong puwersa habang tinititigan ito. Napansin siguro nito ang mariing pagtitig niya kaya binalingan siya nito saka kinindatan.
Inirapan niya ito. Iginala niya ang paningin sa paligid. Nilapitan niya ang puno ng papaya na hitik sa bunga. Tatawagin niya sana si Cloud upang utusan itong pitasin ang mga 'yon nang makitang naging abala na ito sa ginagawa.
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
General FictionLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...